KABANATA 33

17 5 0
                                    

THEA POV.








Nagising ako at bumungad sa'kin ang ilaw na masakit sa mata kaya napapikit nalang ako. Nalaman ko agad na nandito ako sa hospital dahil sa amoy at inalala ang nangyari kanina. Hinanap ko agad si Vince nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok siya, Nagulat siya nang makita akong gising kaya mabilis itong lumapit sa'kin.

"Are you okay? You make me worried."  titig na titig niyang sabi. Tiningnan ko muli ang mukha ko sa kanyang mata at inayos ito.

"I'm okay. What happened?" I asked him while staring my self in his eyes.

"I have a goodnews." he said while smiling brightly.

"Spill it." I said nervously.

"You're pregnant. Magkaka baby na tayo! magiging daddy na ako! at magiging mommy kana rin!" napakurap ako ng ilang beses at pilit na prinosiso ang kanyang sinabi.

"I'm pregnant?" Tanong niya ulit.

"Yes! You're pregnant, aren't you happy?" biglang lumungkot ang mata niya kaya agad akong umiling.

"I'm happy Ofcourse!" masiglang sabi ko at parang maiiyak habang siya ay tumulo na rin ang luha.

"Sobrang natakot ako kanina.. akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo.." biglang sabi nito at umiyak.

"I'm sorry kung pinag-alala kita... I love you." mahinang sabi ko dito kaya tumingin siya sa'kin at hinalikan ako.

"Mahal din kita, kayo ni baby." Naramdaman ko ang saya ng hinimas niya ang tiyan ko.

"Magpakasal na tayo." napakurap muli ako sa sinabi niya.

"'di pa nga kita jowa." biglang sabi ko kaya natawa siya.

"Di pa pala kita jowa? kala ko tayo na ilang beses nang may nagyari sa'tin tapos nag I love kana sa'kin tas ganon din ako." natawa naman ako sa sagot niya.

"Sege sinasagot na kita jowa na kita." I laugh pagkatapos kong sabihin 'yon.

"Thea... will you marry me?" tumulo ang luha ko nang maglabas siya ng sing-sing, seryoso talaga siya sa kanyang sinabi kanina.

"I want to marry you not because you're pregnant but because I love you, I want to spend my life with you. I want to be here if you're happy, when you feels sad I want to comfort you. I want to be your side everyhours, everyminutes and everyseconds and also I want to be yours.  I want you to be a mother of my Childrens. I want you to be my wife. Please marry me Althea Elaine Salvador." Walang tigil ang luha ko habang tumatango sa kanya sinuot niya ang sing-sing sa'king daliri, tumitig siya sa'kin bago ako hinalikan.

"Hindi ko alam kung umiiyak kaba dahil masaya ka na ikakasal ka sa'kin o dahil nagsisisi ka na sinagot mo ako." Sinapak ko ito dahil sa kagaguhan niya habang siya ay tumatawa lamang.

"Nasa'n na ang santol ko?" tumayo ito bigla at syaka kinuha ang santol na pinabili ko. Natakam ako nang binalatan niya ito at hiniwa habang siya ay nasira ang mukha.

"Bilis." pagsabi ko non ay agad siyang lumapit at akmang susubuan ako pero agad ko itong kinuha.

Pinabayaan ko lang ang titig niya sa'kin at kumain ng kumain sa maasim na santol. Pagtapos kong kumain ng anim na santol ay pinakuha ko siya ng Icecream na ube ang flavor.

"Sarap, gusto ko ng burger at spaghetti yung nasa jollibee." ngusong sabi ko habang inaalala ang hitsura ng burger at spaghetti.

"Sege dadaan tayo don, uuwi na kasi tayo." pagsabi niya non ay ngumiti ako ng tudo kaya nahawa na din siya.

Kagaya ng sinabi niya kanina ay dumaan kami sa jollibee takeout lang ang ginawa niya dahil may pupuntahan daw kami. Sa loob ng kotse ay salita ito ng salita habang ako ay busy sa pagkain ng burger at spaghetti na binili niya.

"Shan tahyo pupuntha?" sabi ko habang may pagkain pa sa loob ng bibig ko kaya agad niya akong binigyan ng tubig.

"Secret no clue." agad ko itong sinamaan ng tingin pero hindi niya lang ako pinansin at tumahimik nalang.

Naramdaman ko nalang na may tumapik sa'king mukha kaya nagising ako sa pagkakatulog, bumungad sa'kin ang poging mukha ni Vince nakangiti pa ito bago ako hinalikan sa pisnge.

"We're here." Tiningnan ko ang labas at laking gulat ko dahil nandito kami sa bahay ko.

"I want to meet your parents. Manghihingi ng blessing." ngising sabi nito syaka ako inalalayan pababa.

Kinakabahan pero excited na pumasok si Vince sa bahay habang naka alalay sa'kin. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya hinawakan ko ang kamay nito upang ipahiwatig na okay lang ang lahat. Nadatnan namin sila sa dining pero laking gulat ko dahil akala ko ay ang pamilya ko lang ang 'andito pati rin pala ang mga kaibigan ko at pamilya ni Vince.

"Gago ka talaga Vince. Ba't 'di mo sinabi na pati din pala ang pamilya mo. Wala akong ayos ang pangit pangit ko." mangiyak ngiyak kong sabi kaya hinarap niya ako syaka hinalikan sa noo.

"Hindi ka pangit okay? ang ganda ganda mo kaya." pangpalakas ng loob niyang sabi kaya napahawak ako sa kamay niya ng mahigpit.

Paglapit namin sa kanila ay agad akong nagmano kina mama at sa magulang ni Vince. Ngumiti naman ang mga ito na nagpakalama sa'kin.

"Maupo kayo." seryosong sabi ni papa kaya napaupo ako na Kinakabahan.

"ahmm goodafternoon po." ramdam ko ang kaba ni Vince habang nagsasalita. Hinawakan ko ang kamay niya upang kumalma.

"So anong trabaho mo iho?" panimula ni mama sa tanong.

"Captain po sa barko po." magalang na sagot ni Vince.

"Pa'no yan pag ma buntis ang anak ko sinong mag-aalaga sa kanya?" tanong ni papa.

"Ako po. hmm hindi po ako papasok sa trabaho hanggang manganak ang asawa ko." napatikhim si papa sa huling sinabi ni Vince kaya napangisi ako.

"Pa'no ang allowance niyo n'yan? pagkain?" tanong ulit ni papa.

"hmm meron po akong business hmm actually sir ako po ang may-ari sa pasakayan po sa cebu." magalang niyang sabi at Pinilit na hindi maging tunog mayabang ang kanyang boses.

"Kung gayon mahal mo ba ang anak ko?" Napatingin ako kay papa sa kanyang tanong kita ko ang pagpipigil niya na bumagsak ang kanyang mga luha.

"Opo mahal na mahal ko po ang anak niyo sir, kaya ko pong gawin ang lahat para sa kanya." seryosong sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Wag na wag mong sasaktan ang prinsesa ko, Tandaan mo hindi ko pinagbuhatan ng kamay yan. Inalagaan ko siya at minahal ko siya ng buo kaya kung hindi mo siya kayang mahalin ng buo at alagaan ibalik mo lang siya sa'kin , sa'min at ako ang mag-aalaga sa kanya." hindi ko napigilan at agad na lumapit sa kay papa at yumakap dito ng mahigpit.

"Paaa....." iyak ko pa habang yakap siya.

"Hindi ko po sasaktan ang anak niyo sir pinapangako ko 'yan. Hindi ko man mapantayan ang pag-aalaga niyo sa kanya, aalagaan ko parin siya sa paraang alam ko." seryosong sagot ni Vince habang nakatitig kay papa.

"Siguraduhin mo lang dahil ayaw kong masaktan ang anak ko kaya ibibigay ko na ang blessing na nais mo pwede na kayong magpakasal. At tawagin mo nalang akong papa." Sobrang saya ko sa sinabi ni papa at kita ko rin ang saya sa mukha ni vince.


























MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now