KABANATA 6

51 11 0
                                    


Pano kung mangyari ang dati?  hanggang dito nalang ba ang buhay ko? hindi naba ako sasaya? patuloy nalang ba akong magdurusa? mga tanong na nakatatak saking isipan bago ako tuluyang kainin ng dilim.

﹉﹉﹉
Pag gising ko ay bumungad sakin ang nag aalala na mukha nang aking ina, gulat syang tumingin sakin at yumakap.

"Althea anak? ayos ka lang ba?" tumitig sya sakin habang hinawak hawakan ang aking mukha.

"Papayag na po akong magpakasal ina." nagulat sya saking sinambit, ngunit mas nagulat ako ng biglang may bumukas sa pintuan at nakita ko ang aking ama na galit na nakatingin sakin.

"Ngayon althea!! patay na ang ama ni vincent! hindi ka parin magpapakasal? para ano? para siya na ang susunod na mamatay?" nagulat ako sa sinabi ni ama alam ko naman na aabot sa ganto ang mangyayari pero hindi ko inakala na ganito ka bilis.

"Papayag na ako ama, kahit sarili ko ang kapalit mabuhay lang kayong lahat." naisip ko na to baka sa ganitong paraan makita nila na may halaga ako sa kanilang buhay.

Alam kung huli na hindi ko naligtas ang ama ni vin-vin kahit masakit ako ang dahilan sa kanyang pagpanaw ako ang dahilan non dahil sa aking katigasan ng ulo.

"Mas mabuti at naisip mo yan kundi mawawala sayo ang lahat." hindi ako takot mawala ang akin dahil kahit kailan wala namang naging akin nais kung sabihin yun kay ama ngunit pinigilan ko ayaw kung maisip nila na wala na akong galang.

"Mag ayos ka! papunta na dito ang pamilya Diosdado" sabi nya bago tuluyang lumabas, kita ko naman ang awa sa mata ni ina kaya agad akong umiwas at ngumiti ng mapakla.

"May awa papala kayong nakatago ina." nakatulala sya saking sinabi kaya tumayo na ako at nag ayos.

Lumabas na ako saking silid nang marinig ang tawanan at usapan nila, ito na wala na akong kawala magsisimula na ulit ang aking paghihirap, kung kailan lang masaya ako pero ngayon nagdudurusa nanaman.

Kaya ayaw kung sumaya kasi nakakatakot ang kapalit lungot at sakit na walang hanggan.

"Althea meet your fiance Julio." sinuri ko ang lalaki saking harap parang napipilitan lang din sya sa kasal sana magawan nya ng paraan kung nais nyang di ito ituloy, ngumiti ako dito na parang gusto ko sya.

"Good evening mi amor." nagulat ako sa kanyang sinambit ngunit diko ito pinahalata aaminin ko man na sya ay makisig at may itsura ngunit mas lamang parin si vince.

"Magandang gabi sayo julio." turing ko bago umupo ng tuluyan.

"Nais kung sabihin sayo thea na buhay pa ang ama ni vince." nagulat ako sa kanyang sinabi napahigpit ako sa hawak kung kutsara syaka tumingin dito at ngumiti.

"Mabuti naman kung ganon ama." niloloko lang pala nila ako dko pinahalata ang aking pagkadismaya kung nais nila nang lukohan pagbibigyan ko sila ngumiti ulit ako bago bumalik saking pagkain.

"Papunta na pala dito ang isa kung pamangkin." biglang sabat ni Diosdado di ko na ito pinansin at nagpatuloy parin sa pagkain.

"oh vicente iho andito kana pala."

Nang marinig ko ang pangalan na yun ay mabilis ko itong sinuri ang lakas ng kabog sa aking dibdib nang mag tama ang aming mga mata sya pala ang isang pamangkin isa pala syang parti sa pamilya na sumira sakin, sa buong pagkatao ko isa pala syang dahilan saking pagkasira.

"Magandang gabi po." bati ni vince samin pagpasok, iniwas ko ang aking tingin sa kanya.

"thea sya dapat ang ikasal sayo kaso sya'y tumanggi ng lubos." nabigla ako sa sinabi ni diosdado kita ko din ang pagkabigla sa mata ni vince o sadyang namamalikmata lamang ako.

"Ganon ho ba? siguro dahil meron syang INIIBIG na iba." diniin ko pa ang salitang iniibig at ngumiti sa kanila na pilit.

"Oo iha at nasabi nya samin yun si patricia ang kanyang kababata ang kanyang papakasalan." gulat ako meron pa pala syang ibang kababata.

Ako ang pinakuang pakasalan ngunit sa iba tutuparin.

Ang sabi nya ako lang ang babae na kanyang papakasalan at kakaibiganin pero ngayon nagbago ang lahat meron syang iba kahit sya pa ay aking inantay sa madaming panahon.

"Ako'y natutuwa para sa kanila, sana'y kayo'y maging masaya." kahit ang sakit pero yun ang aking dapat sabihin dahil saming dalawa ako lang umaasa.

"Ikaw din sana ika'y maging masaya sa piling nang aking PINSAN." biglang sabat ni vince kaya napatingin ako dito ramdam ko ang inis ng kanyang boses pero ngumiti lamang ako.

"Oo naman iho magiging masaya ang aking anak kapag hindi ikaw ang mapapangasawa." sabat ni ama na kinagulat ko.

"Sana nga maging masaya ako sa taong hindi ko mahal at kahit kailan hindi ko mamahalin." napahinto sila ngunit hindi ko yun ininda at umalis na lamang sa hapag at umakyat papunta saking silid.

"Thea? kadadating ko lang." nabigla ako sa pagpasok ni kyla, agad syang tumabi sakin.

"kumusta? anong nangyari?" tanong nya sakin.

"wag mo nang alalahanin yun."

"sige pero ayos ka lang ba?"

"hmm magiging ayos din." bumuntong hininga siya tsyaka yumakap sakin.

"Matulog kana at ika'y aking babantayan." sabi nya syaka dahan dahang pinikit ang mata at nagpakain sa dilim.

Bigla akong nagising na may naramdamang kakaiba sa aking kama kaya agad akong tumingin dito at nagulat saking nakita.

"Anong gina- ginagawa mo di- dito?" takot at gulat kong sambit sa kanya tumitig lamang ito sakin at ngumiti na parang demonyo.

"Wag kang matakot thea papasayahin lamang kita." pagkasabi nya non ay agad akong umatras, dahan dahan naman syang lumapit na kinatulo nang aking mga luha.

"Thea gumising ka!" pagkadining ko non ay minulat ko ang aking mata at nakita ko ang nag aalalang tingin ni kyla.

"Ky- kyla andito sila kyla tulungan moko maawa ka ilayo mo sila sakin sinasaktan nila ako kyla." umiiyak na sabi ko.

"shhssshhsh tahan na andito na ako hmm? walang makakapanakit sayo habang nandito ako panaginip lang yun shshhsshs." yumakap siya sakin habang bumubulong at pinatatahan ako nguniy sya'y bigo dahil habang ba sa kanyang braso ang mga luha ko ay patuloy na umaagos saking mga mata.

Sa kanyang bisig ako tuluyang nakatulog ng maayos kahit takot na takot ako.

Don't forget to vote and comment!! salamss!!

A/N: Happy new year everyone!! sana maging maganda ang inyong bagong taon i love u all!!

MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now