KABANATA 21

30 5 0
                                    















THEA POV.


"Because I want you to know that even if the days end we have still memories to looked back, na kahit gaano man kasakit ang nangyari sayo ngayong araw parati din nating alalahanin na meron ding magandang nangyari satin ngayong araw, na hindi puro masasakit lang, kasi sa pagiging healthy, sa pagiging buhay, at sa mga nanatiling kaibigan mo maganda na yan, sobrang ganda, isa na sila sa dahilan kung bakit merong magandang nangyari satin sa araw araw." napangiti ako sa kanyang sinabi at naiintindihan ang kanyang nais iparating.

"Tama naman, but for me sunrise are better than sunset wanna know why? because someone said this to me before na ang sunrise ay nagsisimbolo ng bagong araw na kahit gaano man kasakit ang nangyari kahapon nakaahon parin tayo, na merong bagong araw na ating sisimulan at mapapakita na kahit gaano kasakit ang kahapon meron paring bagong umaga na naghihintay satin, meron  pading magandang mangyayari. Sunrise symbolize that even if there have a sadness, loneliness and tiredness you'd been in your yesterday there still have a tomorrow to looked at." mahaba kong sabi sa kanya bago nagsimulang bumaba ang araw.

Dati wala akong pakealam sa ganda ng sunset pero ngayong nakita ko na ito, hindi ko maiwasang mapangiti, hindi ko maiwasang ikumpara ang kaibahan nila sa Sunrise, kasi ang Sunrise magsisimula sa maganda habang ang sunset nagtatapos sa maganda din.

"Ang ganda.." sabi niya kaya napatingin ako dito nakatitig siya sakin kaya ngumiti ako.

"Yeah ang ganda talaga." sabi ko habang tumitingin sa araw na unti unting nawawala sa kalangitan.

Habang nakatitig ako sa kalangitan ay nabigla ako ng may ulo na humiga saking balikat, napatingin ako dito nakita ko siyang nakapikit at dahan dahang pinasok ang kanyang kamay saking kamay na napagpangiti sakin, hinilig ko din ang aking ulo sa kanyang ulo at dahan dahang pumikit, dinama ang magandang hangin na dumaloy saming katawan.

"I badly want to eat pancit and ube right now." katagang biglang lumabas saking bibig kaya napatakip ako dito not until tumunog ang tiyan ko na kinatawa niya.

"Lets go I'll buy you ube then I cooked pancit." he said tapos tumayo na.

"hehe nokaba no need sa bahay na ako kakain." nahihiya kong sabi dito.

"No, I want to eat pancit too and also ube." he said kaya napatingin ako sa kanya syaka ko ito tinitigan.

"Crush mo ba ako?" matapang kong sabi sa kanya habang nakatitig pero ngumisi lang ito sakin.

"what if oo?" he teased  kaya inismiran ko ito.

"oo nalang plss wag na ang what if." i said cutely at nagpapaawa kaya napatawa siya.

"pwede naman." pagkasabi niya non ay muntik na akong matumba pero mabilis niya naman akong nahawakan.

"oh my God kinikilig akooo." I said habang tumatalon kaya mas lalong napatawa siya.

"Same lang talaga kayo ni vince mahilig akong patawanin at pakiligin." Mahina kong sabi pero hindi ko inakala na maririnig niya kaya napatingin siya sakin pero mabilis lamang akong umiling.

"vince? who's vince?"

"nothing don't mind me." I want to tell him na ikaw, ikaw yung vince na tinutukoy ko ikaw lang ang vince na nagpapatibok ng puso ko nang ganito ka saya.

"Ano bang pancit ang gusto mo?" sabi niya habang tumitingin sa mga  paninda.

"pancit canthot." maliit na sabi ko kaya nabilaukan siya sa kanyang sariling laway.

"eme lang yung ano talaga pancit bihon." sabi ko habang nagpipigil ng tawa dahil sa kanyang itsura ang pula niya kasi.

"Ang dami mong alam thea." hirap na hirap niyang sabi.

"madami talaga akong alam isa na don ang mahalin ka ehe." malandi kong sabi habang ngumingiti na parang tanga kaya ngumisi lamang ito habang umiiling.

"corny mo po ate sa truth lang." biglang sabi ng katabi kong mas bata sakin ng ilang taon kaya inirapan ko ito at humawak sa braso ni vince.

"Panget mo ka bonding beh nagpapadagdag points ako kay Crush tas umiepal ka." nakanguso kong sabi dito habang siya ay parang gulat pa sakin, at ramdam ko naman ang pag alis ni vince.

"Grabe ka naman ate hindi kana nahiya crush mo pala kasama mo tas para kang badjaw ang dumi mo po." sabi niya kaya napatingin tingin ako sa damit ko kita ko ang mga dumi dito kaya parang maiiyak akong tumingin sa kanya.

"Pwes ako lang ang magandang badjaw! at ano naman kung badjaw? ang judgemental mo kala mo naman kung sinong malinis." mahaba kong sabi dahil sa inis.

"Anong nangyari dito?" biglang sulpot na sabi ni vince kaya napanguso ako.

"inaway ako ng bata." nakanguso kong sumbong dito.

"Grabe ka naman makabata ate huhh." sabat naman ng bata kaya akmang lalapitan ko ito pero pinigilan ako ni vince.

"Wag mo nang patulan ang bata tara na magluluto pa ako." sabi niya na kinanguso at irap ng bata sakin kaya nginisihan ko lang ito.

Nagkwekwentuhan lamang kami habang papunta sa aking future bahay, marami siyang sinabi na kinatawa ko at habang magkasama kami nilalandi ko naman siya gamit ang maka mandag kong pickupline, at alam ko naman na kinikilig siya dahil tawa lang ito ng tawa. Hindi ko tuloy maiwasang isipin si vince saking panaginip.

"Dito lang tayo." napatingin ako sa bahay na aming hinintuan, malaki ito kita talaga sa bahay nila kung gaano sila kayaman kaya medyo nahiya tuloy ako.

"Ang laki ng bahay niyo." manghang sabi ko habang hindi maalis ang titig dito.

"Hindi yan bahay namin yung sa kabila." natatawang sabi niya kaya napanganga ako. Tumingin ako sa kabilang sinasabi niya at nakita ko ang simpleng tahanan pero maganda.

"Tara pasok na tayo." nauna akong naglakad papunta sa bahay na iyon pero tinawag niya ulit ako.

"Jke lang thea dito lang talaga." sabi niya habang naka peace sign at pumasok sa malaking bahay, at sa sobrang inis pinakyuhan ko ito.

"ginagago mo ba ako Vincent?" inis kong sabi pero umiling lang siya.

"hindi." nakangusong sabi nito.

"Kita mo  lahat ng yan?" seryosong sabi niya habang nakaturo sa isang farm na malaki.

"Oo." sagot ko naman sa kanya.

"Hindi akin yan." napatango ako bago ko ma realize ang kanyang sinabi kaya inis ko itong tiningnan.

"beh ang galing mong magbiro nakakatawa haha." sarcasm kong sabi dito.




















MY MYSTERIOUS DREAM (LEYTE SERIES #2) ✅ COMPLETEDWhere stories live. Discover now