CHAPTER 14

980 21 2
                                    

Markie.

"Markie yung kambal ko ha." Pang bente otso na ata nya akong sinasabihan nyan itong si lady alizee halatang walang tiwala sa kanang kamay nya.

"Trust me lady alizee ako na po bahala sa cute na cute nyong babies" nakangiti kung sabi para mapanatag na sya.

"Markie ilagay mo ito sa damit nilang dalawa ha para makilala sila kaagad" binigay nya sakin ang dalawang maliit na piraso ng papel. Mamaya na ako magiging chismoso kung anong makalagay baka ako pa mapatay ni lady alizee di pa ako nakakatapak sa mahal kung pilipinas ay mameet ko na kaagad si lord wag naman hehe.

"Opo lady alizee"

Nilagay ko isa isa ang piraso ng papel sa loob ng kanilang suot na white na damit. Cute talaga nila nako nako.

Makakalabas na si lady alizee mamayang hapon idderetso na sya ka agad sa mental institution pag katapos. Kaya nag aayos na sya nang gamit nya pero inuna nya pa muna ang kakailanganin ng mga kambal nya mahal na mahal nya talaga ang mga babies nya walang duda don kitang kita naman kung gaano sya mapag mahal na Ina at maalaga sa mga ito.

"Mahal kayo ni mama mga anak babalik si mama ok hintayin nyo lng po si mama ha my baby boy reruarex and my baby girl Akihazyrei" huling saad nya sa kambal bago kami tuloyan na umalis. Nakita ko pa syang tahimik na umiiyak habang nakatingin saamin na paalis.

Wag ka po mag alala lady alizee di ko pababayaan sila pangako ko po yan sa inyo.

Dalawang araw simula nang makauwi kami dito sa pilipinas di ko pa muna sila iniwan sa sinasabi ni lady alizee na bahay. Humahanap pa ako nang timing na nandon sila mismo sa bahay nila. Napapansin ko kasi lalo na kahapon na madilim ang buong kabahay baka nasa out of town sila kaya wala siguro wala sila.

Pero kanina lng madaling araw pag balik ko na naman nakita ko nang nakabukas ang mga ilaw kaya baka nakauwi na sila.

7am pa lng nilinisan at binihisan ko na ang kambal at nilagay ko na ulit yung piraso ng papel na binigay sakin ni lady alizee iiwan ko daw ito dapat sa mga bata e.

Pag katapos ko silang makitang maayos na di na ako nag ayos ok na itong simple t-shirt at pantalon.

Mula sa bahay ko pa tungo sa bahay na sinabi ni lady alizee sakin ay wala pa sigurong Isang oras makakarating na kaagad sa mansion ng apat na mag kakapatid na costavian.

Nag door bell ako nang dalawang beses narinig ko naman ang bag bukas ng main door kaya kaagad akong tumakbo pag katapos ko mailapag ang kambal sa harap ng gate.

Nag tago ako sa malaking puno para siguradong di ako makikita ng lumabas. Sa safe ko naman nilagay ang kambal bumili pa talaga ako nang higaan ng baby na napaka mahal dahil para itong basket dahil sa hawakan nito para din sure na safe na safe walang masasabi si lady alizee na masama sakin baka dagdagan pa sahod ko diba. Ay eme lng hehe.

Sumilip ako pero yung silip lng na sakto lng para makita ko kung nakita o nakuha pa yung kambal ng ok.

Nakita ko pang lumingon lingon siya sa paligid at siguro hinahanap yung nag iwan. Sorry pero ito utos sakin e.

"Kuya harua? Kakain na sino ba yung nag door bell tagal mo dyan" narinig kung tanong nang bagong dating.

"Uy aki, harua pasok na dito lalamig na niluto ni kuya reino pagalitan na naman kayo non" saad na naman nang bagong dating din. Nilapitan nila yung harua daw.

OBSESSED TO MY FOUR STEP BROTHER'S Where stories live. Discover now