CHAPTER 26

529 17 3
                                    

ALIZEE

Kanina pa kami nag lalakad lakad dito sa mall sunod ng sunod lang naman kami sa mga bata kung saan nila gustong pumunta. Napuntahan na nga ata namin halos kabuohan nitong mall e.

Pero okay lang nakikita ko namang nag eenjoy ang mga bata kaya go lang.

"Kain na muna kaya tayo Nasha zhena ayaw samin sumunod ng mga bata e kaya kung pwede ikaw na mag sabi" nakangusong saad ni zyrex.

Kaagad akong lumapit sa mga bata na busy sa pakikipag laro din sa ibang bata dito arcade.

"Babies, tama na muna yan at kakain na muna tayo okay?" mahinahon kung sabi sa kanila. Nakuha ko naman kaagad ang pansin nila.

"Mama, balik po tayo kaagad ha gusto ko pa po play kami" nakanguso na sabi ni reruarex at nakiki sang ayon naman si akihazyrei. Nako kamukha talaga nila ang apat sino kaya papa sila sa apat na yun.

Hanggang ngayon wala pa din akong kaide-idea kung sino ang biological father ng kambal.

"Yes babies babalik tayo kaagad. Say babye na muna sa mga kalaro nyo" nakangiti kung saad. Kaagad naman silang tumingin sa mga kasama nilang bata dito.

"Mag e-eat lang kami nila mama at mga papa ha babalik kami kaagad. Babye" reruarex

"Bye" akihazyrei

Hinawakan ko sila sa mag kabilang kamay at lumabas na kami sa arcade nakita ko ang mga ama nilang inip na inip na nag hihintay sa labas. Nang makita kami kaagad silang umayos ng tayo. Palihim naman akong napangiti.

Mukhang mas pagod pa sila sa mga bata e. Napailing iling na lang ako at nag lakad na kami, nag hahanap kung saan kami kakain "San nyo gusto kumain mga anak?" Rinig kung tanong ni zyrex. Mas lalo akong napangiti dahil sa tinawag nya sa mga bata. 'Anak' ang sarap naman non sa pandinig.

"Gusto ko po sa jollibee dad" reruarex

"No, McDo tayo dad" akihazyrei

Pagtatalo ng dalawa. Napakamot na lang tuloy sa ulo ang apat dahil di nila alam sino susundin sa dalawa.

Kaagad naman ako humarap sa mga bata at tinignan sila "Ganto na lang babies order na lang tayo sa Jollibee tapos sa McDo itake out na lang natin don tayo mag sasalo salo sa bahay para mas okay" nag katinginan naman silang dalawa.

"Ano sang-ayon ba kayo kay mama?" Tanong ko pa ulit. Sabay nila akong tinignan at malawak na ngumiti.

"Okay na okay po mama." Sabay nilang pag sang ayon. Nakahinga naman kami pareparehas ng maluwag dahil walang naging problema.

Ginawa nga namin ang napagkasunduan at nang matapos makapag order si reino, harua sa Jollibee at si zyrex, aki naman sa McDo ay handa na sana kaming umuwi nang marinig namin nag salita si reruarex. Buhat buhat sya ni reino kaya sabay sabay kaming napalingon sakanya.

"Bakit baby?" Tanong ko

"Uuwi na po ba tayo mama at daddy's? Nandon po ang mga kalaro namin kanina baka po hinihintay pa nila kami nag sabi kaming babalik kami kaagad e." Nakanguso nyang sabi.

"Pero baby reruarex kailangan na natin umuwi na pagabi na din kase" saad ni aki sa anak.

Naawa naman ako sa bata kaya nilapitan ko sya "Puntahan natin mga kalaro nyo maayos tayo mag papaalam okay? meron pa naman next time e mag kikita pa kayo for sure yan" pag kukumbinsi ko.

OBSESSED TO MY FOUR STEP BROTHER'S Where stories live. Discover now