CHAPTER 20

712 19 3
                                    

Alizee

Nagising ako dahil sa Iba't ibang klasing ingay ang naririnig ko saaking paligid unti unti kung minulat ang aking mata. Bumungad naman saaking ang dalawang bata na silang dahilan pala ng ingay. Dahil nag lalaro sila sa may tabi ko.

Akmang mag sasalita para kunin ang kanilang atensyon nang nilingon na ako nang batang lalake.

Kaagad syang lumapit at niyakap ako sa bewang hinahayaan ko lng naman sya kahit na medyo nagulat ako. Pinag masdan ko naman ang batang babae ngunit wala akong makitang kahit na anong emosyon ang makikita sa mata nya at tumayo ito at umalis ng walang kahit na anong sinasabi. Medyo nakaramdam ako nang sakit sa kalooban ko na di ko mawari kung bakit? Dahil ba anak ko talaga sila o sadyang madamdamin lng talaga ako sa mga bagay bagay.

"Don't worry mommy I know she is not mad at you. She just need time to think that you now is her mom. We miss you mama"

Tumango tango naman ako sa sinabi nya "ano nga pala ang pangalan mo baby boy?" Tanong ko nang maalalang di ko pa pala naitatanong o di pa nila sinasabi sakin ang mga pangalan nila.

Nakayakap pa din sya saakin habang nag sasalita "I'm Reruarex Briel Fernandez Costavian. And my little twin sister is Akihazyrei Fernandez Costavian"

Just wow their have a very unique name.

"Ang gaganda nang mga pangalan nyo" natutuwa kung saad.

"Maganda po talaga mama, dahil po sabi nila daddy's kayo po ang nag bigay saamin nang mga pangalan na po iyon. Thank you ma for giving us a beautiful name"

Di pa din ako makapaniwala totoo ba talagang meron akong naiwan na mga anak? Asawa ko ba ang isa sa mga apat na gwapong lalake kanina? Sino ba talaga ako? Anong nangyari bakit ko sila nalimutan?

Halos habang tumatagal lumalalim na ang aking iniisip.

Ang kwento lng sakin ni lola nakita nya ako sa pangpang na walang malay puno nang sugat sa Iba't ibang pahagi ng katawan at halos hindi na ako makilala dahil na din sa natamo ko. Dinala raw nya ako kaagad sa malapit na hospital sa bayan at don ako nanatili nang mahigit isang linggo bago ako nag kamalay pero pag kagising ko naman ay wala akong maalalang kahit na ano kahit nga pangalan ko noon di ko alam pero buti na lng nakita nila lola ang wallet ko sa suot suot kung pants.

Don nila na laman ang tunay kung pangalan at kung saan ba talaga ako nang galing. Sobrang layo nang maynila kung saan ako napadpad. Walang pera si lola noon para ibalik ako sa maynila. Nanirahan kami sa coron palawan ng higit apat na taon hanggang napag desisyonan na lang namin na mag baka sakali sa maynila noong nakaipon kami nang sapat na pamasahe. Nag hanap kami nang murang mauupahan ngunit walang wala talaga kaming pera noong mga panahon na iyon kaya naman unang araw namin sa maynila ay kailangan namin mang limos sa tabi tabi para lang meron makain o kahit mainom man lng. Pero nag kasakit si lola sa nag daang linggo dahil na din siguro sa kakaisip sa pang araw araw namin non. Walang wala kami na kahit na ano.

Kahit pansamantalang matitirahan wala. Nag tiis ako nakiusap ako sa Iba't ibang karenderya na kung pwepwedi ba ako mag trabaho kahit isang daan lng ang isahod nila saakin ay ok na basta may maibili akong pag kain para saamin ni lola.

Pumayag naman silang tanggapin ako bilang taga serve at wala akong reklamo don kakayanin ko lahat para saamin ni lola. Pero akala ko magiging ok na ang lahat sa pag lipas ng isang buwan dahil tumataas naman na ang pinapasahod saakin dahil dumadami na ang suki at bumibili sa karenderya nangyari ang ayaw ko na muling mangyari ulit.

Tinangka akong gahasain ng anak ng may ari ng karenderya kung saan ako nag tratrabaho.

Ilan beses nya akong sinubukan gahasain ngunit lumalaban ako at nag papasalamat na palaging may pumapasok na ibang tao sa kurina kung saan palagi nya akong hinihila papasok.

Ngunit noong huling tangka nya saakin di ko sinasadyang maitulak sya sa gilid ng lamesa, nauntog ang ulo nya don at naging dahilan ng pag dugo at kamalas malasan naman ay saktong pag pasok ng ina nya. Dahil sa nasaksihan nya sobrang galit na galit siya saakin at kinaladkad nya ako palabas ng kusina at pinahiya nya ako sa mismong gitna nang karenderya ang daming taong kumakain at nakikichismis sa nangyayari. Pinag sisigawan at pinag sisipa nya ako walang kahit na sinong tumangkang tulongan ako. Hanggang sa dumating na lng si lola don lng sya tumigil sa pananakit saakin. Pero sinusumbatan pa din nya ako.

"Tinanggap kita dito sa karenderya tapos ito pa ang ibabalik mong sukli sa pag tanggap ko sayo ha, ang saktan ang anak ko. Wala kang utang na loob alizee umalis ka dito at baka ipabaranggay ko pa kayo parehas ng lola mong wala din silbi katulad mo."

"Sabihan muna ako ng kung ano anong masasakit na salita o pang iinsulto pero wag na wag mo sasabihen mismo sa harap ko at sa madaming tao na walang silbi ang lola ko dahil kayo iyong walang silbi dit--" gusto ko pa sana mag salita nang narinig kung bumulong si lola.

"Tama na apo umuwi na lng tayo ayokong napapaaway ka at mapahamak ka kaya tayo na hayaan na lng natin wala tayong laban sa kanila" porket wala kaming pera ni lola minamaliit na kami nang mga tao sa paligid namin. Wala na ba talagang karapatan ang mga sobrang mahihirap na katulad namin ang ipag laban ang aming mga sarili.

Di ako umimik hinawakan ako ni lola sa braso upang makaalis na kami sa lugar na iyon. Habang nag lalakad kami nararamdaman ko naman ang sakit nang katawan ko dahil pinag sisipa ako kani-kanina lng.

"Apo ako na bahala sa mga sugat at pasa mo para naman kahit papaano maging ok ang pakiramdam mo at apo kahit naman di ka mag sabi saakin kitang kita ko ang natamo mo galing sa aling iyon tandaan mo nandito lng palagi si lola kaya natin ito."

"Mama"

"Mama" ilan beses akong tinatawag ng boses hanggang sa maramdaman ko ang pag alog sa balikat ko. Nagising naman ako sa malalim na pag iisip kanina at tinitigan ko si reruarex na nasa harap ko bakas sa mukha nyang nag alala sya sakin.

"Sorry baby meron lang akong iniisip"

"Nag alala po ako nang sobrang kanina pa po kita tinatawag mama ngunit parang di nyo po ako naririnig"

Tumayo na ako sa kinahihigaan ko at umupo "halika yakapin ka na lng ni mama para maramdaman mo na ok lng ako at para di ka na mag alala" saad ko kaagad naman syang umupo sa harap ko at niyakap ako nang mahigpit sa bewang. Ilang minuto kaming ganun nang bumukas ang pinto napatingin ako don. At nakita ko kaagad si akihazyrei at ang nasa likod naman nya sila reino, harua, zyrex at aki.

"Gising kana pala alizee" reino
"Kanina ka pa ba gising?" Harua
"Anong gusto mong kainin ipag hahanda kita" zyrex
"Bakit si reruarex lang hinahug di naman sa nag papakirinig pero baka naman ehem" aki.

Di ko alam sino uunahin ko sagutin dahil sabay sabay silang nag sasalita.

Napakamot na lng ako sa batok at ningitian na lng sila.


OBSESSED TO MY FOUR STEP BROTHER'S Where stories live. Discover now