CHAPTER 23

599 13 2
                                    

ALIZEE

"Mama saan ka po pupunta?" Tanong kaagad sakin ni reruarex nang makita akong dala ang aking bag. Yung bag na dala ko bago nila ako pinapunta sa bahay nila.

Wala pa akong isang araw nag iistay dito pero ramdam ko na kaagad na mahihirapan akong makaalis.

Tinignan ko sya at yung labas nang bintana nitong kwarto nakita kung gabi na at kailangan ko na umuwi baka hinihintay na ako ni lola. Sabi ko pa naman sakanya kanina saglit lang akong mawawala.

Lumuhod naman ako para mag kapantay kami "Baby, uuwi na si mama kay lola e baka kasi hinihintay na nya ako" bagamat alanganin akong mag sabi sa kanya ay tinuloy ko pa din. Pero mukhang mali yun dahil unti unti ko nakitang lumuha sya hanggang sa humagolgol sya nang iyak kaya ako naman itong nataranta kung ano ba ang gagawin ko para mapatahan sya.

"Baby reruarex wag kana umiyak" di ko alam paano mag patahan.

"M-mama wag kana po umalis d-dito ka na lng po please mama" pag mamakaawa na syang wag akong umalis.

"Ganto na lng baby isasama na lang kayo ni mama sa bahay para makita nyo din si lola" ayon lang ang tange kung naiisip na paraan para di na sya umiyak pa nasasaktan din ako kapag nakikita ko sya o silang umiiyak.

"Talaga po mama sasama mo kami ni akihazyrei makikilala na namin si lola mama" gulat naman ako nang makitang di na sya umiiyak katulad kanina nakangiti na sya ngayon. Grabe bilis naman mag bago nang mood.

"Hmm yes baby kaya tawagin muna ang kambal mo at pupunta na tayo kay lola nyo" kaagad naman sya sumunod at tinawag na ang kanyang kambal.

Pumunta naman ako sa kwarto nila nakita ko silang nag bibihis na at nakita ko din sa mukha ni akihazyrei na nag tataka sya samantalang yung kapatid nya halos di na maayos ang pag kakadamit sa sobrang excited.

Inayos ko na ang damit nilang pamalit baka umuwi din kami kaagad dahil di alam nang apat na isasama ko sila baka hanapin nila kaagad lagot ako.

Tag iisang pares lang nang damit, short, at underwear ang kinuha ko sakto naman na tapos na din silang mag ayos nang sarili. Big boy and big girl na talaga alam na nila paano kumilos ng sila lang.

"Halika na po mama excited na po ako hehe" halatang halatang excited nga sya nakakatuwa syang tignan at ang cute.

"Mama, paalam po muna tayo kila papa hahanapin nila po tayo. Ayoko po silang makitang mag aalala" saad naman ni akihazyrei napakamot naman ako sa noo nang maisip na di ko alam ang cellphone number nang kahit isa lang sa apat para makapag paalam.

"Baby di ko kasi alam cellphone number nila papa e. Wag ka mag alala uuwi ko naman kaagad kayo." Namula ako nang pumasok sa isip ko ang tinawag ko sa apat. Shit nahahawa na ako sa kambal nakiki papa na rin ako.

"Promise po?" Naninigurado pang tanong nya sakin kaya ngumiti ako at tumango tango.

"Ok po mama"

•••

Nag taxi na kami patungo sa bahay namin ni lola medyo malayo layo lang sa bahay nila reino itong tinitirahan namin. Pero sisiguradohin kung maiuuwi ko sila sa tamang oras. Bago pa ako malagot.

"Mama kinakabahan po ako baka po hanapin po talaga tayo nila papa" bakas talaga sa boses ni akihazyrei na nag alala sya na baka nahanapin talaga kami nang papa nila.

Napapansin ko lang kung si reruarex ay sakin gustong gusto sumama ito namang si akihazyrei maka papa.

Hinaplos ko naman ang buhok nya "Nag promise diba si mama babalik tayo kaagad. Ako na bahala mag tiwala ka lang kay mama" mahinahon kung sabi.

OBSESSED TO MY FOUR STEP BROTHER'S Where stories live. Discover now