CHAPTER 29

835 14 7
                                    

REINO

ILAN oras na din kaming paikot ikot ng village dahil nag babaka sakali kaming nandito lang sya nag iikot.

"Wala talaga kuya baka naman lumabas talaga si alizee" rinig kung saad ni harua. Siguro nga wala sya dito tangina kung lalabas sya saan naman sya pupunta?. Uuwi sa kanyang lola? Papayag naman kami e pero bakit di man lang sya nag sabi lalo na sa mga bata nag aalala sa kanya ang mga anak namin at syempre ganun din kami.

Kaagad akong sumakay sa kotse ko at ganun din si harua kaagad ko itong pinaandar patungo palabas ng village.

"Kuya, wait tanongin natin sila kuyang guard baka alam nila. Ito lang naman ang daanan para makalabas e imposibleng hindi nila na pansin na lumabas si alizee." Buti na lang nasa tamang pag iisip pa itong si harua at naiisip pa nya yun. Ako kase parang matataranta na ako na di ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil kinakabahan ako kung nasaan na ba sya. Natrauma na ata ako dahil gantong ganto sya noon nang iniwan nya kami ng natutulog, pag kagising kinaumagahan wala na sya at pag katapos ng ilan buwan lang mula non biglang meron dalawang sanggol ang nasa gate namin. Wala man lang syang sinabi na dahilan na gulat din kami at gusto namin marinig ang lahat ng rason at explanation kung anong nangyare maganda naman ang samahan namin noon pero bakit nya pa naisipan umalis.

Kaso ang malaking problema lang dahil ng mag kita kita kami ulit hindi naman sya nakakaalala di din nya masasagot lahat ng gusto namin kasagutan. Ayaw naman namin syang pilitin gusto namin kusa nya itong maalala.

"Kuya, ano ba kanina pa ako salita ng salita dito tulala ka lang dyan bilis na alam ko na kung nasaan sya" nagising lang ang nag lalakbay kung diwa ng marinig ko si harua.

"Talaga? Ano sabi raw? at saan natin sya makikita?" sunod sunod na tanong ko. Napangiti naman si harua dahil sa nakikita nyang reaction ko.

Tsk inaatake na naman sya ng saltik ngayon pa talaga.

"Harua ano ba" urat kung sabi.

"Paandarin mo muna yung sasakyan kuya dami na kayang sasakyan na nasa likod natin saka ko sasabihen habang nag dadrive ka"

Napalingon naman ako sa likod at tama nga si harua halos apat na ang nandon kaya dali dali ko na pinaandar ang sasakyan ko palabas.

"So ito na nga kuya sabi ng guard. Kanina raw nakita nila itong lumabas at ang sabi pa nito alam natin lalabas sya kaya pinayagan nila itong umalis"

"Kaya ba hindi nila tayo tinawagan na umalis si alizee dahil ang sinabi nya sa kanila ay alam natin?" Tanong ko naka agad nyang sinang ayonan.

Tangina nautakan kami.

"Kung ganun paano mo naman nalaman saan sya pupunta walang kahit na anong clue na sinabi ang guard" takang tanong ko sa kanya.

Nilingon ko sya saglit at nakita ko naman ang ngiti nya, ako naman itong nakakunot noo habang nakatingin sa daan. Baliw na itong kapatid ko.

"Dalawa lang ang maari nyang puntahan na alam na alam natin. Kung hindi sa kanyang tinuring na lola sure akong pupunta din sya sa kanyang ama"

Napaisip naman ako don.

"Sigurado ka ba dyan harua?"

"Ano ka ba kuya halatang walang tiwala ha bilis na deretso na tayo sa lola nya"

Napailing na lang ako at kaagad na pinaharurot na ang sasakyan patungo kung saan nakatira ang nakilala namin lola nya.

"Tao po" tawag ni harua sa labas ng maliit na gate nitong tinitirhan ng lola kuno ni alizee.

"May tao kaya kuya?"

"Aba malay ko isang beses mo pa lang tinatawag tatanong ka na sakin tawagin pa natin ulit baka di lang tayo marinig sa loob" sabi ko.

Ilan beses pa namin ito tinawag hanggang sa marinig na nya kami binuksan nya kaagad ang pinto at tinitigan kami ng maigi ng siguro makilala kami kaagad syang dahan dahan na lumabas at pinag buksan kami ng gate.

"Pasensya na mga iho ang ganda kasi ng pinapanood kung palabas kaya di ko marinig yung mga tawag nyo. oh nga pala mga iho anong sadyo nyo at napapunta kayo dito?" Tanong nya saamin. Di na kami nag paligoy ligoy pa at kaagad na namin sinabi ang pakay namin.

"Dumaan po ba dito si alizee, lola?" Magalang na tanong ko.

"Hindi mga iho, hindi pa sya pumupunta ulit dito simula ng makapag usap kami." Saad ni lola.

"Bakit may nangyare ba?" Tanong pa ulit ni lola.

"Hindi naman po ganun kalaking problema lola" Saad naman ni harua.

Para siguro hindi mag alala masyado si lola kase naman kapag sinabi namin na nawawala ito mataranta pa mahirap na matanda na itong si lola.

"Ah ganun ba, ohsya ayon lang ba ang pinunta nyo hali kayo pasok muna kayo sa bahay" anyaya saamin ni lola na kaagad namin inilingan.

"Pasensya na po lola pero meron pa po kasi kaming mahalagang pupuntahan e next time na lang po baka kasama na namin si alizee at yung kambal namin" magalang na saad ko. Naka agad naman nyang tinunguan.

"Oh sige mga iho mag iingat kayo"

"Kayo din po lola"

•••

Nasa byahe na kami papuntang Fernandez House dahil sigurado na kaming nandon sya.

"Bilis kuya baka mahuli tayo"

Sinunod ko naman sya kaya siya naman itong todo kapit sa gilid. Napaka OA di naman sya mangungudngod unless na lang kung biglaan akong mag break hehe.

Wala pang isang oras ay kaagad kaming nakarating sa kanilang bahay nakakatakot kung iisipin pero kung pumasok ka naman para itong makalumang palasyo.

Kaagad namin tinggal ang seatbelt namin at kapwa bumaba. Walang katao tao sa labas ng bahay nila at sobrang tahimik pa tanging pag hangin lang ng dahon ang maririnig.

"Katakot kuya" bulong ni harua sa tabi ko.

"Mas nakakatakot mukha mo"

Napasimangot naman sya sakin.

Tatlong beses kaming nag door bell meron naman kaagad na lumabas na matandang babae. Magiliw kami nitong ningitian.

"Ano po ang sadya nyo mga iho?" Tanong nya samin.

"Nag punta po ba dito si alizee fernandez costavian?" Tanong ko naman.

"Ah pasensya na mga iho pero sino po muna kayo?"

"Kami po yung asawa nya, umalis na lang po kase sya bigla kanina sa bahay di po nag paalam kung saan sya pupunta kaya po hinahanap po namin sya ngayon"

Tumango tango naman ito.

"Ah ganun ba, kanina nandito si lady alizee mukhang di kayo nag kasalubungan sa daan kakaalis nya lang ngayon ngayon lang baka maabotan nyo pa"

Kaagad kaming nag pasalamat sa matandang babae at wala na paligoy ligoy na pinaandar ko ang kotse.

Nag hahabulan ba kami nitong asawa namin pinahihirapan nya na ata kami e ito na ba yun.

Wag naman sana iba na lang maging parusa namin wag yung gantong mababaliw kami kung saan kami pupunta.

"Kuya diba ayon yung isa sa kotse natin na nasa garahe. Baka ayon ang ginamit ni alizee para makaalis."

Turo ni harua sa medyo malayo layo nang sasakyan.

Di ko alam paano kami makakasingit sa mga iba pang kotse dito sa kalsada pero bahala na kailangan namin syang masundan alam naming hindi pa ito uuwi dahil hindi naman ito ang daan pa puntang bahay.

Saan na naman kaya sya pupunta mamaya mapahamak na naman sya sa ginagawa nya e.

Makulit na asawa tsk.

"Harua wag na wag mo hahayaan na mawala sa paningin mo iyong kotse na minamaneho ni alizee Ikaw ang malilintikan sakin kapag di natin sya kaagad maiuwi sa bahay" may nag hihintay pa sa kanya sa pag uwi yung kambal namin. Nangako pa naman kaming iuuwi namin kaagad yung mama nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OBSESSED TO MY FOUR STEP BROTHER'S Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon