CHAPTER 19

730 19 4
                                    

Alizee

"Kayo po pala ulit sir. Ngayon na po ba tayo tayo mag uusap?" Magalang na saad ko. Bumalik na kasi sila at meron pa silang dalawang batang kasama. May anak na sila? Sayang nama-- mali bakit naman ako mag hihinayang nako nahahawa na ako sa kagagohan ng kaibigan ko. Kung ano ano kasi tinuturo at sinasabi sakin e.

"Ngayon na sana alizee meron ka pa bang kailangan gawin?" Saad ni reino. Sa pag kakaalala ko ayon ang pangalan nya base na din sa pag papakilala nila. Buti na lng mabilis ako makapag memories ng mukha at pangalan mahirap na baka mag kamali ako lalo na at meron pa naman silang pag kakahawag lahat lalo na ang dalawang batang kamukhang kamukha nila pero ang batang babae ay medyo lng pero may nakakuha pa din.

Malalakas ang dugo walang tapon lahat nasa kanila. Kawawa naman ang ina selos siguro sya dahil mukhang mata at labi lng nakuha mula sa kanya.

"Wala naman na po sige po saan po tayo?" Nag sabi na din naman ako kay lola na mawawala lang saglit at uuwi din ako pumayag naman basta mag iingat lng daw ako at baka ano na naman ang mangyari sakin.

"Halika sumunod ka saamin" saad naman ni harua. Tumango lng naman ako at sumunod sa kanila. Walang sana sabi sila zyrex at yung aki nakatingin lng naman sila sakin na parang di makapaniwala. Bakit?

Gusto ko sana silang tanongin bakit ganun sila makatingin pero binaliwala ko na lng at napatingin na lng ang sa dalawang batang hawak nila.

May dalawang emosyon akong nakikita sa mga mukha nila. Yung batang lalake ay malawak akong nginingitian at mukhang paiyak na nga e. At ang batang babae naman ay walang kahit anong emosyon ang makikita sa kanyang mukha na tinitignan ako. Ito na naman ako sa katanongan ko na bakit.

"Mommy" narinig kung bulong ng batang lalake. Siguro miss na nya ang mommy nya kaya tinatawag nya ito.

Hanggang makalabas kami ng paaralan pasimple pa din akong tinitigan ng dalawang bata.

"Sakay ka" nasa tapat kami ng kotse na kulay white. Maganda halatang mamahalin ito. Nakakatakot tuloy kaskasan dahil mukhang mag babayad ng malaking halaga.

"Alizee" pukaw na tawag sakin ni aki kaya napatingin ako sa kanya nasa loob na silang lahat ako na lng itong nakatulala sa labas. Nakakahiya naman.

Sumunod naman na kaagad ako at umupo na din sa tabi ni aki. Nasa backseat kami. Ganto ang ayos namin sa loob zyrex ang nasa kabilang gilid na pinto sa tabi nya ang batang lalake at katabi naman nito ang batang babae syempre ang katabi nya ako at ang katabi ko naman ay si aki. Malaki ang sasakyan kaya kahit lima kaming nasa backseat kasyang kasya. Nasa harap naman si harua at ang nag dradrive ay sino pa ba edi si reino hehe.

Wala kaming imik buong byahe as in tahimik lng kaming lahat. Nakakailang dahil katabi ko si aki gusto ko sanang tumingin sa bintana para kahit papaano ay malibang libang ako sa makikita mula sa labas.

Mukhang na pansin ata ni aki ang pag sulyap sulyap ko sa bintana kaya umusog sya at biglang hinila ang bewang ko.

Di ako makagalaw sa sobrang gulat at ilang na din na nararamdaman.

"Ok na ba yan pwede kana mag tingin tingin sa labas" bulong nya malapit sa tenga ko kaya medyo nakikiliti ako lalo na at naramdaman ko ang init ng hininga nya.

Gusto ko lumayo pero hawak nya ako sa bewang at mukhang walang planong bitawanan ako.

Nahihiyang ningitian ko na lng sya at inisip na lng na kunyare wala sya para kahit papaano di ako mailangan ng ganto. Tumingin na lang ako sa labas. Di ko alam saan nila ako dadalhin. Ayoko naman mag tanong kaya ito siguro hintayin ko na lang din huminto ang sinasakyan namin.

Malaking bahay ang sumalubong sakin pag kababa ko pa lang ng sasakyan.

At isa lng ang masasabi ko napaka bandang tanawin talaga. At wow ngayon lang ako nakakita nang ganitong kalaking bahay at talagang  nasasaksihan pa ito nang dalawang mata ko.

"Halika pasok na tayo sa loob ng maayos tayong makapag usap usap" biglang bukaw ng attention na saad ni rio. Tumango ako at sumunod sa kanila pag pasok. Di lng sa labas ang maganda dahil mas lalong nakakatulala dito sa loob.

Sa tingin ko nga di na ito matuturing na bahay lang kundi mansion na sa sobrang lawak  at halatang mamahaling ang mga kagamitan.

"Wait hubadin ko lang ang sapatos ko" saad ko dahil nakakahiya naman kung iaapak ko ito sa makintab nilang sahig. Nilingon naman nila ako at litong lito nila akong tinignan.

"Bakit may problema ba?" Takang tanong ko din.

"Wala naman. At alizee, di mo na kailangan hubadin ang sapatos mo ok lng yan halika na mahal"

Sumunod na lng din ako kahit na sa loob loob ko ay nakakahiya. Di ako sanay sa bahay kasi ni lola bawal ipasok ang sapin sa paa dahil madudumihan ang loob ng kabahayan.

"Maupo na lng muna kayo dyan at wag ka mahiya saamin alizee kung meron ka kailangan mag sabi ka kaagad" saad ni rio sabay paalam na pupunta lng sa kusina upang gumawa ng makakain at tatawagin na lng raw nya kami kapag handa na. Naiwan naman kami kami dito sa sala pinaupo nila ako at sila namang lima kasama na ang kambal ay nakatitig lng saakin na sa tingin ko ay bawat ikikilos ko ata ay inaabangan nila.

Di naman ako aalis bakit ba sila ganyan makatingin tipong tatakasan ko sila.

Nakakailang tuloy.

"Mommy I miss you so much" biglang saad ng batang lalake. Tumingin tingin ako sa paligid kung nasasaan ba ang mommy nya. Pero bigo ako dahil kahit na saad akong sulok tumingin ako lng at ang batang babae ang babae na nandito.

Alanganin naman akong ngumiti sa kanya "Ah ako ba tinutukoy mo? Tayo tayo lng kasi ang nandidito e" nakakatakot naman kung hindi kasi baka nakakakita sya nang multo nakatitig pa naman sya sakin.

Katabi ko ba?

"Opo mommy po kita" saad nya at biglang yakap saking bewang. Di ko pinahalatang nagulat ako sa ginawa nya bagkos niyakap ko na lng din sya pabalik.

"Miss mo na talaga ang mommy mo noh tinatawag mo kasi akong mommy kahit..."

"No po mommy po kita sabi ni dad bumalik ka na raw po saamin galing sa work mo sa ibang bansa sobrang excited ko po dahil nandito na po kayo mama namiss ka po namin ni akihazyrei. Tagal ka po namin hinihintay" bawat bigkas nya nang mga salita halatang pinipigilan nyang umiyak sa harap ko.

Nalilito ako di ko maintindihan ang sinasabi nya.

Meron akong anak sa nakalipas na limang taon? madami akong katanongan sa isip at gusto ko masagot yun lahat lahat.

Tahimik lng ako at pinipilit ang sariling alalahanin lahat ng nalimutan kung memorya nag babakasakaling sa ganun paraan maalala ko ang dalawang bata at kung sino ba talaga sila sa buhay ko.

At dahil don naramdaman ko na lng ang biglang pagsakit ng ulo ko.

'Please lord sana maalala ko na ang lahat nang memorya ko.' Huling saad ko sa isipan ko.

Labis na sakit ang nararamdaman ko At hindi ko na lng namalayan na biglang nag dilim ang paningin ko at tuloyan na walan ng malay.

OBSESSED TO MY FOUR STEP BROTHER'S Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon