CHAPTER 25

703 16 3
                                    

ALIZEE

Napapikit na lng ako at hinintay ang pag hawak nila sakin ngunit lumipas ang ilan minuto wala akong maramdaman kaya mapamulat ako. Nakita ko silang nag pipigil nang ngiti.

"Bakit" takang sabi ko. Hinila nila ako patayo sa kama at niyakap nila ako.

"Nag bibiro lng kami Nasha zhena wala kaming iba gagawin sayo simula nang narealize naming importante ka sa buhay namin at mahal ka namin mas lalong lumaki ang respeto namin sayo lalo na at Ikaw ang Ina nang mga anak namin" rinig kung saad ni reino.

Di ko na kaya ang lakas nang tibok nang puso ko.

"Hindi ko kayo maintindihan? Please reino ipaintindi nyo naman sakin kung sino ako at kung ano ba talaga ako sa buhay nyo. Para akong nangangapa sa dilim na kahit mismo sarili ko ay di ko kilala" naiiyak kung saad. Mas lalong humigpit ang yakap nila sakin. At ramdam ko pa ang pag haplos nila sa likod ko para ako ay pakalmahin.

"Shhh tahana sasabihen namin sayo lahat pero alam mo namang hindi pa pwede ngayon unti unti namin sayo ipapaalala nangsagayon hindi ka masyadong mabigla"  saad ni harua. Wala akong magawa dahil alam kung di ko sila mapipilit na ikwento sakin mismo ngayon kaya tumango tango na lng ako.

Kinarga ako ulit ni reino pahiga sa kama at nag sitabihan din sila sa mag kabilang gilid ko.

"Namiss ka namin alizee Nasha zhena ang tagal ka din naming hinintay mangako ka please na hindi kana ulit lalayo samin" rinig kung pakiusap sakin ni aki.

"Please sabihen mo yun saamin ngayon nang mapanatag kami na hindi kana ulit aalis" saad naman ni zyrex.

Di ko mawari ang nararamdaman ko ngayon piling ko panatag ako kapag kasama ko sila kahit na ngayon ko lng naman sila nakasama.

"Pangakong di ako aalis" saad ko upang kahit papaano ay kumalma na sila. Tumagilid sila at niyakap nila akong apat sa bewang.

Dapat ang maramdaman ko ay ilang pero habang yakap nila ako ngayon ang tangi ko lng nararamdaman ay kasayahan at pakiramdam na safe ako sa mga bisig nila.

Hinayaan ko lng sila hanggang sa tuloyan akong makatulog.

•••
1 month

Isang buwan na din pala simula nang dito na ako mag stay sa kanila. So far ok naman kaming lahat at mas lalong nakasundo ko na ang kambal.

"Mama, Saturday po ngayon nag promise ka mama saamin na pupunta po tayo mall" saad sakin ni akihazyrei. Matamis ko naman syang ningitian.

"Di naman makalimot si mama baby sige na mag asikaso na kayo ng kambal mo hintayin nyo si mama sa baba maliligo lng si mama saglit ok. Paalam na din tayo kila papa nyo na aalis tayo" saad ko tumango tango naman sya at kaagad na lumabas nang kwarto. Ako naman itong kumuha nang towel at pumasok na din kaagad sa banyo.

Di naman ako masyadong nag tagal sa pag ligo dahil baka mainip na ang mga bata sabi ko pa naman saglit lng ako.

Binalot ko lng ang sarili ko nang towel at lumabas na nang banyo.

Tumapat ako sa kabinet at kumuha ako sa kabinet ko nang kulay yellow na summer dress. At underwear na din. Nilapag ko iyon lahat sa ibabaw ng kama.

"Nasha zhena" rinig kung tawag sakin. Huli ko na narealize na di ko pala na lock ang pinto at pumasok na lng bigla si aki. Di kaagad ako nakakilos sa sobrang bilis nang pangyayari. Gulat kami parehas.

"A-a sorry l-labas na ako" nauutal na saad ni aki at dali daling lumabas. Ako naman ay kaagad na tumakbo pa puntang pinto at nilock iyon.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bilis nang tibok non.

OBSESSED TO MY FOUR STEP BROTHER'S Where stories live. Discover now