Chapter 12: Complicated

12.6K 733 237
                                    

#DS5Unbowed #EmbRace #DaggerSeries

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DS5Unbowed #EmbRace #DaggerSeries

CHAPTER 12: COMPLICATED

EMBER'S POV

Pinigilan kong matawa nang makita ko kung paanong mamilog ang mga mata nina Trace, Lucienne, at Domino habang nakatingin sa magandang tanawin na sumalubong sa amin. They look like little puppies on their first adventure.

Maaga kaming dumating sa private resort na nirekomenda ni Mireia na puntahan namin. Sayang nga lang at hindi sila makakasama ni Axel. May fashion event kasi ang babae na pupuntahan sa ibang bansa at si Axel naman ay nagpaiwan sa Dagger para asikasuhin ang mga kliyente nila dahil lahat ng iba pa niyang mga kapatid ay sasama sa outing.

I doubt Trace's older brothers wanted to come on the beach outing just because they wanted to get some sun. Sigurado kasi ako na sumama lang sila dahil sa mga asawa nila. Sina Coal at Domino malabo ring magpaiwan. Nauna pa nga ata silang maghanda kesa sa mga sister-in-law nila. I know they are all busy, but I guess when it comes to the Dawson wives, they always have time. Saka marami silang empleyado kaya hindi raw problema kung mawala sila ng isang araw.

Si Luna naman ay kailangan na pumunta ng New York para sa trabaho niya kaya hindi rin siya makakasama.

"I have bad news."

Napalingon kami sa nagsalitang si Lia. Her face is showing disappointment, but for some reason, there's a glint in her eyes that seems to tell me that something is up. Sa tabi niya ay naroon ang asawa niya na blangko ang ekspresyon.

"Nagkaroon ng problema sa booking. Kulang tayo ng isang kuwarto at may problema rin sa dapat ay gagamitin na kuwarto nila Coal at Domino dahil wala ng kuwarto na may dalawang kama. They only have two rooms with queen size beds," paliwanag ng babae.

We booked six rooms. The three rooms are for the couples, and the other three are for me, Trace, and Coal and Domino, who were supposed to share a room.

"That's okay. For sure hindi ko naman makakatabi si Kuya Coal," nakangising sabi ni Domino. "Sa kama ng iba 'yan matutulog."

Coal didn't deny what he said, and instead the man just shrugged as if in agreement. Lia turned to me, and her lips jutted as if she were carrying the burden of the world. No wonder even the broodiest Dawson is weak for her.

"I-It's okay, Lia," I told her with a small smile. "Maybe they have an extra mattress."

"Wala na raw."

Kumunot ang noo ko na imbis si Lia ang sumagot ay si Lucienne ang siyang nagsalita. Ngumiti siya at nag-peace sign. "Feeling ko iyon ang sasabihin ni Lia. Sa mga romantic movie at libro lagi talagang nauubusan ng kuwarto at kama—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang takpan ng asawa niya ang bibig niya at inilayo siya sa amin.

"I'll ask for the extra mattress," Trace said before Lia can speak. Nagtingan ang magkakapatid pati na sina Lia at Belaya sa sinabi ng lalaki pero hindi na iyon napansin ni Trace na bumaling sa akin. "I don't want you to feel uncomfortable."

Dagger Series #5: UnbowedWhere stories live. Discover now