Chapter 20: Alone

12.2K 761 150
                                    

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

CHAPTER 20: ALONE

EMBER'S POV

I ignored the throbbing in my head. Pagkagising ko pa lang ay mabigat na ang pakiramdam ko pero wala akong balak indahin iyon. I already skipped breakfast to sleep more. I don't want to spend the rest of the day lying down on my bed, where I would be alone with my thoughts.

Bihira akong magkasakit pero sa mga pagkakataon na nangyayari iyon ay sanay na akong palipasin lang iyon. Kaya nga may gamot. I'll drink some later and I'll be good in no time.

Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko ro'n si Miss Asencio na kasalukuyang nagluluto.The smell alone convinces me that it will be delicious. I wish I had the appetite to eat a lot of it. Miss Asencio's great at cooking food that I could eat. Siguro ay dahil na rin karamihan sa kinakain ko ay gulay kaya siniguro niyang matututo siya ng iba't ibang klase ng luto na maaaring magustuhan ko.

"Smells good. What's for lunch?"

Pumasok ako sa loob ng kusina at umupo ako sa high stool na naroon. Nangalumbaba ako at ipinatong ko sa kamay ko ang ulo ko na pakiramdam ko ay kailangan ng tulong para lang magawa kong iangat.

Nanatiling nakatutok ang atensyon sa ginagawa na sumagot siya, "Meditteranean Roasted Cauliflower and Portobello Mushroom Steak."

"No meat for you and the others?"

"Kumain na kami kahapon no'n kaya pwede ng gulay na lang ngayong araw. Saka alam mo naman na kung ano ang kinakain mo ay iyon din ang kalimitang gustong kainin ni Cristiano."

"Si Trace anong gusto?"

Bahagya niya akong nilingon at inangatan niya ako ng kilay. "Ikaw."

Nalukot ang mukha ko lalo pa at nakita ko ang naglalarong ngiti sa mga labi niya. Pati ata si Miss Asencio ay nahawaan ni Trace sa kakulitan niya.

"Okay na raw sa kaniya kung anuman ang plano ko para sa tanghalian. Bihira raw siya talagang magluto dahil lagi namang sa opisina siya kumakain dati," sabi niya pagkaraan.

Kasi pinagluluto sila ni Lia. Pakiramdam ko nga ay lahat silang magkakapatid ay nag-a-ambag na sa grocery ng babae tutal ay lagi silang nakikikain ng luto niya. I heard Axel talking to Mireia before about going to the grocery store for Lia, so that might be true.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

She always seems to sense when there's something wrong with me. "Hindi naman. Napagod lang talaga ako kahapon sa paglabas namin ni Trace. Naghahabol din siguro ako ng tulog dahil hindi ako masyadong makatulog nitong mga nakaraan."

Sandaling tinapunan niya ako ng tingin bago walang salitang ibinalik niya ang atensyon niya sa niluluto. Even if she doesn't speak, it feels like she knows that my father is the reason why I've been restless these past few days.

Dagger Series #5: UnbowedOn viuen les histories. Descobreix ara