Chapter 21: Deserving

11.9K 714 184
                                    

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

CHAPTER 21: DESERVING

EMBER'S POV

I wasn't expecting it. I've been around them a lot of times, and it wasn't the first time that Trace and I were having dinner with the members of his family. Pero ito ata ang unang beses na kompleto ang lahat. Mabuti na lang at maraming hinanda si Lia. As in marami.

The moment we sat down, chaos suddenly erupted around me. Napamata na lang ako sa mga Dawson na halos sabay-sabay dumampot ng pagkain. Katulad ko ay hindi rin nakakilos sina Thorn, Gun, Pierce, at Axel. Pero mukhang hindi dahil sa pagkagulat ang sa kanila at sa halip ay para bang inaasahan na nila ang mangyayari.

Napapailing na lang ang tatlong nakatatandang Dawson na hindi na nakisali sa kanila. Si Axel naman ay mukhang hindi kumikilos hindi dahil sa naghihintay din siya ng pagkakataon niya kundi dahil hindi niya na kailangang gumalaw pa. His sisters-in-law and his wife are all handing him food first. Hindi ko sila masisisi. Para kasing sa lahat ng magkakapatid na Dawson ay si Axel ang palaging stress, walang tulog, at laging gutom.

I eyed the food served on the long table. Sari-sari ang mga putaheng nakahanda. There's meat, but there are also a lot of varieties that I could eat. Karamihan sa vegan na pagkain ay nasa malapit sa amin ni Trace kaya siguro dito niya ako iginayang maupo kanina.

Inabot ko ang nasa harapan ko na platter. It smells like a mix of spices, and its color tells me that it's either curry or tikka masala. Imbis nga lang na chicken ay tofu at cauliflower ang sangkap niyon.

I hesitated before putting some on my plate. I didn't want to be rude. Kaya imbis na kumuha niyon ay inabot ko iyon kay Trace na kasalukuyang ninakaw ang homemade hotdog na nasa plato ng katabi niya na si Domino.

Naunang napabaling sa akin ang pamilya ni Trace bago natigilan at lumingon din sa akin ang lalaki nang mapansin niyang nasa akin ang atensyon ng lahat. I felt my cheeks flamed. Why are they all looking at me?

"Aww," Mireia cooed.

The other women echoed her "aww" but Lucienne's version was "eww".

Para bang nahihiyang dalaga na nilagay pa ni Trace sa tapat ng dibdib niya ang kamay niya. "For me?"

"Umm... kung gusto mo."

"Can you put some on my plate for me, princess?"

I looked around us, and I reluctantly scooped some of the dish onto his plate. Napapitlag ako nang mag-aww na naman sila habang ang mga nakatatandang Dawson ay tila nagpipigil ng tawa. The loudest reaction came from Trace though. Para bang touch na touch siya na niyakap niya ang sarili niya habang nagkikikisay sa kinauupuan.

"Pagpasensyahan mo na si Kuya Trace," sabi ni Luna na nakaupo sa tapat ko. "Medyo nawawalan ng kontrol sa pagiging tao niya 'yan kapag bilog ang buwan."

Dagger Series #5: UnbowedWhere stories live. Discover now