Chapter 31: Home

11.8K 757 228
                                    

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

A/N: To @babydua, thank you again for suggesting Ember and Trace's couple name <3 Favorite ko talaga ang mga love team name na hindi ako ang gumawa dahil mas creative kayo sa ganiyan kesa sa akin XD

CHAPTER 31: HOME

EMBER'S POV

"Kapag nag-doorbell tayo ulit mapapagalitan tayo ni Kuya Gun."

Gusto kong matawa sa sinabi ni Domino pati na sa ekspresyon na nakalabalatay sa mukha niya at ng iba pa naming kasama. Kasalukuyan kasi kaming nasa harapan ng bahay nila Lia at kanina pa namin sila hinihintay na pagbuksan kami. Nagsabi kasi sa messenger ang babae kaninang umaga na sa bahay na nila kami mag-dinner.

"Hindi niyo ba alam ang security code nila?" tanong ko.

"Dati pinalitan ni Kuya Gun para hindi kami nakakapasok agad pero binigay lang ulit ni Lia sa amin para makapunta kami kapag gusto namin na kumuha ng pagkain. Lalo na para kay Kuya Axel na ginagawang restaurant ang bahay nila," sagot ni Domino.

"Iyon naman pala. Pumasok na lang kaya tayo?"

"Hindi pwede eh. Pwede lang kaming pumasok gamit ang code nila kapag wala sila sa bahay." Napakamot ang lalaki sa pisngi nang makita ang pagtatanong sa mga mata ko. "If they're at home, they don't want us to catch them doing something we don't want to see."

Namula ako nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. That makes sense.

"Si Luna naman kasi eh. Balak atang bumili ng isang buong bansa 'yon kaya grabe magpayaman. Saka dapat kasama rin natin si juntis. Hindi magagalit si Gun sa kuting na 'yon panigurado," napapalatak na sabi ni Mireia at pagkatapos ay tumingin sa asawa. "Buntisin mo kaya ako?"

Axel's usual gentle demeanor changed in an instant. "Ngayon na ba?"

Kaniya-kaniyang angalan ang magkakapatid habang si Lucienne naman ay tinakpan ang tenga habang ekseheradong umiiling-iling. Si Axel kasi iyong klase ng tao na kahit na alam mo ng may asawa na ay para bang mahihirapan kang tanggapin na may side siya na malayo sa kalimitan niyang ipinapakita. He's like a cute bunny.

"Si Ember na lang," sabi ni Coal pagkaraan. "Hindi magagalit kapag siya ang nag-doorbell. He wouldn't want to scare her away. Once in a million years pa naman bago may pumili kay Kuya Trace."

Nang makita kong sumimangot si Trace at mukhang handa ng makipagtalo sa kapatid niya ay inabot ko ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sa akin. "After a million years, ako pa rin ang pipili sa'yo. Kaya hintayin mo ko ha?"

Trace appears to have lost his ability to speak, while the others groan in protest. His face turned bright red. A payment for all the time that he made me blush.

Dagger Series #5: UnbowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon