Chapter 35: Sandwich

729 24 0
                                    

Gulat siyang tumingin sakin ng matanggal ko ang pants niya.

"Fuck woman! Stop what you are doing!" Tinakpan niya ang boxer niya kaya natawa ako.

"Really? Ngayon ka pa nahiya sakin, eh dati pa naman kitang nakikitang naka-boxer" agad siyang namula dahil sa simabi ko.

Kinuha ko ang towel at piniga ito sa planggana bago ko ipinahid sa mukha niya.

"Why are you doing this?" Seryoso niyang tanong habang nakatitig sa akin, ngumiti ako habang pinupunasan ko yung sugat niya. May sugat siya sa gilid ng noo niya, medyo malaki iyon kaya hindi ko maiwasang mapatitig.

"Kailangan mong uminom gamot at lagyan mo ng lunas yang nasa noo mo" hinawakan ko ang braso niya at dinimpuhan ito.

"Sagutin mo yung tanong ko"

"Cause, I want it"

"Hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo. Hindi mo ako pwedeng iganito dahil lang sa gusto mo" hindi ko siya sinagot at dinimpuhan ang kabila niyang braso.

"Ang lampa mo, marunong ka bang manuntok?"

"Of course, sadyang madami lang sila" napatawa ako sa sinabi niya.

"Madami? Sampu lang sila"

"Thirty silang lahat, umalis ang iba ng saktong dumating ka" pinagilid niya ang mukha niya para makita ako ng maayos. "Tapatin mo nga ako, paano ka natutong makipag-laban?"

"Tinuruan ako ni lolo nung bata pa ako"

"For what?"

"For self-defense" pumunta ako sa hita niya at dinimpuhan din ito. "Gagawan kita ng soap, matulog ka muna dito" sambit ko ng matapos akong dimpuhan siya.

Pumunta ako sa kusina at binallawan ang towel at sinampay sa gilid, tinapon ko din ang medyo maduming tubig sa lababo. Hinugasan ko muna ang planggana bago ibalik sa pinag-kuhanan.

Naghiwa muna ako ng carrots dahil sopas ang gagawin ko, pagkatapos kong maihanda ang lahat nagsimula na akong magluto.

Kada minuto ko tinitignan ang niluluto ko dahil tinatantya ko ang lasa. Nang matapos akong magluto, hinanda ko na ang mangkok at nagsalin doon. Pagkatapos ng lahat, bumalik na ako kay zerill na mahimbing na natutulog.

Nilapag ko ang sopas at tubig sa tabi ng lamp. Umupo ako sa tabi ni zerill at tinignan ang maamo niyang mukha. Hanggang ngayon nasasaktan pa din ako para sa kaniya, pero susubukan kong bumawi.

"Zerill" ginising ko na ito para makain niya na ang sopas at para mainitan ang tiyan niya. Inosente siyang tumingin sakin kaya inalalayan ko siyang umupo. "Kumain ka para magkaroon ka ng lakas"

"Hindi ko kayang maghawak ng kutsara, pakiramdam ko wala akong lakas upang iangat ang kamay ko"

"O siya, susubuan na po kita" kinuha ko ang sopas at sinubuan siya pero agad siyang napadaing kaya kinuha ko ang tubig na agad niyang ininom.

"Ano ba! Ang init" napanganga ako at natawa. "What's funny"

"Sorry, nakalimutan kong mainit"

"Argh! Ganito ka ba mag-alaga ng pasyente mo?"

"Sorry pfft" sinamaan niya tuloy ako ng tingin. Nag-scoop ulit at dahan-dahan ko itong hinipan baka kasi tumalsik sa kaniya yung sopas pagalitan niya ulit ako. Tinapat ko sa bunganga niya yun kaya agad niyang sinubo. "Masarap ba?"

"Hindi. Tinitiis ko nga lang, eh"

"Weh? Talaga?" Nag-scoop ako at agad sinubo ang sopas kaya agad akong napadaing nakalimutan kong mainit. Natawa siya at agad akong binigyan ng tubig na agad kong ininom.

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon