Epilogue

1.6K 75 6
                                    

Hindi ako makapaniwala na nandito siya at buhay din, paano nangyari yun? Bwiset talaga! Naunahan ako ni calex.

Inis akong tumingin kay andrew at agad siyang binatuhan ng dagger, hindi siya naka-ilag dahil sobrang bilis ng pagkaka-hagis ko. Natamaan ko siya sa balikat kaya mabilis siyang lumapit sakin. Sinipa niya ako sa tiyan kaya napahawak ako dito, tatamaan niya ulit sana ako ng maka-ilag ako, sinikmura ko siya kaya napadura siya ng dugo. Tinulak ko siyang sugudin ako bigla ni jasmine.

Sisipain niya na sana ako ng mahawakan ko ang paa niya, sinubukan niyang kumawala ngunit umikot ako at tinulak siya kaya napa-upo siya sa sahig. Tumayo siya at agad humarap sakin, nilabas niya ang sniper niya kaya nilabas ko ang dagger sa hita ko.

Sumugod siya sakin at winasik ang sniper niya kaya agad akong nag-bending at sinugatan siya sa tiyan. Napa-layo siya sakin kaya humarap ako sa kaniya.

Maglalakad na sana ako ng tamaan ako ni liam ng dagger sa tagiliran, inalis ko ang dagger sa tagiliran ko at napahawak dito. Masakit ngunit nagpakatatag ako dahil wais ang mga kalaban ko. Lumapit sakin si cheska at sinuntok ako sa tiyan at sinabunutan ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang dagger at sinaksak yun sa dibdib niya.

Napabitaw siya sakin at napahawak sa dibdib niya, gulat na gulat siya habang nakatitig sa dibdib niya. Lalapitan na sana ako ni liam ng agad siyang sinuntok ni ace.

"Well, well, well" lumabas si jessica sa pinagtataguan niya at lumapit sakin. Sinabunutan niya ako at ngumisi siya. "Masakit ba? Ah?! Masakit ba?!"

"Duwag ka pa din--"

"Shut up!"

"Akala ko, pinatay ka na ng tatay mong baliw--"

"I said, shut up!"

"Trinaydor ka din niya, ngunit bakit? Siya pa din ang kinampihan mo? Masyado mo naman atang mahal ang tatay mo" sinaksak niya ako sa tagiliran, kung saan may sugat, doon niya din diniinan. Napasuka ako ng dugo at ngumisi ako. "M-Magsisisi ka, jess"

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Pwede bang mawala ka na lang sa mundo?! Mawala ka na!! Walang nagmamahal sayo dito! Lahat sila trinaydor ka lang, hindi ba?!"

"I-Ikaw din, t-trinaydor mo ko" tinulak niya ako sa pader kaya nahilo ako. "Naiinggit ka p-pa din sakin, haha. M-Mas maganda kasi ako k-kesa sayo"

"I can't believe, you will still say that! Liam is mine, and also ace!"

"T-Tagala? N-Naglalaban na s-sila ng dahil sayo" tumingin ako kila ace na patuloy lamang sa pag-aaway.

"Say goodbye, zestier" tinaas ni calex ang baril at tinutok yun sa dibdib ni lolo zestier, hinang-hina na ako ngunit tinulak ko si lolo zestier dahilan upang matamaan ako sa dibdib.

"Zy!!" Sigaw ni zerill at agad akong nilapitan, napahiga ako ngunit agad niya akong nilapitan. "Hold on, pupunta tayo sa hospital" hinawakan ko siya sa pisngi at ngumiti ng pilit.

"M-Mahal na mahal k-kita. T-Tumakas na k-kayo" umiling siya sa akin.

"Tatapusin ko ang labang ito" sinandal niya ako sa pader kaya napabuntong hininga ako. "Hintayin mo ko"

Hinarap niya si jessica na nakangisi sa kaniya, ngumisi din si zerill na ngayon ko lang nakita.

"Boss" hinagis ni one ang sniper kaya agad yun sinalo ni zerill.

Sumugod si jessica kay zerill ngunit agad umilag si zerill, sumipa pa si jessica ngunit agad yun nailagan ni zerill. Hinila ni zerill si jessica at agad itong sinikmura. Ngayon ko lang nakitang ganito si zerill, hindi ko alam na marunong siyan makipag-laban. Siguro nga hindi ko pa siya masyadong kilala, silang lahat na section cookery na nakikipag-laban na sila sa tauhan ni calex. Sobrang galing nila at wala akong masabi.

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon