Chapter 29: Ano ba yun?

719 21 0
                                    

Zerill POV

Palihim lagi akong tumitingin kay zy-zy. Hindi ko inaasahan na cookery ulit ang kukunin niya.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ko pa iyon tinanong. Hindi kaya umaasa pa rin ako? Umaasa pa rin akong minahal niya ako? Hindi pa ba sapat yung sinabi niya sa bar na hindi niya ako minahal? Pero, bakit pakiramdam ko may mali, eh.

Pakiramdam ko may tinatago siya kaya hindi niya masabi-sabi na mahal niya ako. Hindi naman siya iiyak at hindi naman niya ako susunduin sa bar kung hindi niya ako mahal.

Kung concern din siya hindi siya nanginginig habang umiiyak. Dapat papahintuin niya lang ako sa ginagawa ko. Pero, hindi eh. Iba lahat yung pinapakita niya. Pina-pakita niyang mahal niya ako.

Nung sinabi niya rin sakin lahat ng dahilan kung bakit siya umalis. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Yung time din na yun gusto ko siyang yakapin at punasan ang luha niya.

Napangiti ako kung hindi siguro sumingit si kian. Baka nasabi niya na ang sagot niya. Mas lalo akong napangiti ng isang 'o' na lang masasabi niya na ang 'oo'

Hindi rin ako maka-tulog nun. Dahil hindi ko maiwasan hindi siya pagmasdan habang natutulog.

Alam kong hindi ko dapat toh nararamdaman sa kaniya. Pero, hindi ko naman kasi pwedeng pigilan ang puso. Hindi ko siya pwedeng diktahan dahil sinasabi niya lang naman kung sino ang mahal niya.

Yes, I admit. Mahal ko pa rin si zy-zy kahit alam kong mali. Mali dahil may nililigawan na ako. May eunice na kasing nandiyan nung mga panahon na wala siya.

Ang tanga ko kasi. Hindi ko siya hinintay. Kung hinintay ko siguro siya hindi magiging komplekado.

Yes, pwedeng-pwede kong tigilan ang panliligaw ko kay eunice. Pero, ayaw ko namang makasakit. Ayaw ko siyang makitang nasasaktan ng dahil sa akin.

Aaminin ko din. Ginawang panakit butas ko lang si eunice. Pero, lahat yun pinag-sisisihan ko na. She don't deserve that. Because, she deserve love. She deserve more than love.

Zy POV

Tahimik lang kaming dalawa ni one habang naka-upo kami sa sanga ng puno. Dito ang tambayan naming dalawa tuwing may sasabihin kaming sekreto.

"Mahal mo pa rin ba si zerill?" Basag niya sa katahimikan.

"Oo. Mahal na mahal ko pa rin siya"

"Good. Nice to hear that" nagtaka ako sa sinabi niya.

"Ah? Bakit naman naging good?"

"Hehe, basta" parang batang sabi niya. "Paano kung saktan ni eunice si zerill.... Handa ka bang saluhin ulit si zerill?"

"Ah? Nagpapatawa ka ba?" Pekeng tawa ko pa. "Hindi magagawang saktan ni eunice si zerill----"

"Paano nga?! Paano kung saktan ni eunice si zerill? Ano gagawin mo?"

"Hays, bakit kasi yan pa. Syempre, lagi ko siyang sasamahan. Lagi ko siyang aalalayan bumangon ulit. Gagawin ko ang lahat para sumaya ulit siya"

"Nice, nice, nice" tuwang sabi niya. "Paano kung mahal ka pa rin ni zerill? Anong gagawin mo? Tatanggapin mo ba ulit siya?"

"Impossible naman lahat ng sinasabi mo"

"Sige na. Sagutin mo na lang"

"Hays, okay.... Kung sakaling mahal pa rin ako ni zerill. Edi, maganda. Baka magpahanda pa ako, haha... Kung tinatanong mong tatanggapin ko ulit siya?" Tumango siya. "Aba, oo naman. Tatanggapin ko pa rin siya. Tatanggapin ko siya ng buong-buo. Ganun ko siya kamahal"

"Hays, ang sarap sa tenga ng mga sinasabi mo"

"Haha, bakit mo ba sinasabi yan?!"

"K-kasi... Mahal ka pa rin niya" natawa na talaga ako ng malakas sa sinabi niya.

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon