Chapter 17: Sunog

782 30 0
                                    

Zy POV

"Huy, ibalik mo yan" sigaw ni geisha kay sky. Dahil kinuha ni sky yung relo ni geisha. Hays, bangayan na naman sila.

Boring kong binuklat yung libro ko habang pinag-lilipat bawat isang pahina.

Ano na kayang ginagawa nina zerill at eunice? Hays, teka nga. Bakit ko naman sila iniisip? Bahala na sila sa buhay nila. Alam na nila ginagawa nila pero----arghhhhh.

Hindi talaga sila maalis sa isip ko!

Napakunot noo ako ng may maamoy akong kakaiba. Nangangamoy sunog! Naku, saan yun?

"Waahhhh, sunog! May nasusunog" nagsitayuan kaming lahat ng marinig namin yun. Nagsimula na ring mag-panik ang lahat.

"Nasusunog ang school natin"

"Waahhh, I want to get out of here"

"Huhuhu, help!"

"Huhuhu, may sunog"

"Bakit wala pang fire trucks?"

"Huhuhu, mamatay na tayo"

Napataas ang isa kong kilay ng marinig ko ang huling sigaw. Ang O.A sa 'mamatay na tayo'. Hindi ka naman mamatay kung aalis ka dito. Utak hindi ginagamit.

"Waahhh, zy nasusunog lahat ng buildings" sigaw ni geisha ng maisukbi ko ang bag ko sa balikat ko.

"Gagawin ko? May kukunin pa pala ako sa locker" napanganga siya sa sinabi ko.

"Huy, zy! Nasusunog na lahat-lahat tapos ikaw pa-chill-chill lang?"

"So, anong gusto mong gawin ko? Sumigaw-sigaw at tumakbo-takbo tulad nila?"

"Eh, ewan ko sayo! Lahat ng tao takot sa apoy tapos ikaw? Hindi takot?" Minsan ang sarap manapak ng tao. Malamang takot din ako sa apoy! Pero, hindi naman Ibig sabihin nun sumigaw-sigaw na rin ako.

Hindi naman sila tanga para hindi alam na may nasusunog. Sisigaw ka pa eh alam naman nilang may nasusunog. Pinapakaba niya lang ang tao pag-ganun.

"Umalis na tayo dito" seryosong sabi ni vince na nandidito na pala sa room namin.

"Saan tayo dadaan?" Tarantang tanong ni vina.

"Sa harap" ikling sagot ni james na tinanguhan nila.

"Ipitan mo nga yang buhok mo" utos sakin ni sky. "Lagi ka na lang naka-lugay! Ipit-ipit din minsan, ah?"

"Paki-alam mo ba? Buhok mo ba buhok mo ba?"

"Loko ka ah----"

"Tumigil na nga kayo" saway samin ni kyle. "Nasusunog na lahat. Nagbabangayan pa rin kayo"

"Tsk, nasusunog na pala lahat tapos hindi pa tayo umalis dito" sabi ko at nauna ng maglakad. Narinig ko pang tinatawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin.

Kailangan ko pang pumunta sa locker! Kailangan kong makuha yung box na yun. Dahil siya ang nagbigay nun.

Pagkadating ko sa locker ang daming nagtatakbuhan. Kitang-kita na rin dito ang makakapal na usok sa bawat building.

Binuksan ko ang locker ko at kinuha ko ang red box. Pagkatapos umalis na ako dun sa locker.

Sa totoo lang ang sarap magmura ng madami. Banggain ba daw ako.

At halos manlaki ang mata ko ng may estudyanteng nasusunog. Agad akong gumilid ng dadaan siya. Todo iyak at sigaw na rin siya kaya nakaka-awa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero halos atakihin ako sa gulat ng may humila sakin. Pag-tingin ko si sky. Kitang-kita sa mata niya ang pag-aalala.

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon