Chapter 12: Promise

856 27 0
                                    

Zy POV

"Bakit pala nasa parking lot ka pa ng ganitong oras?" Tanong ko kay eunice sabay inom ng kape ko.

"Hmm, actually aalis na dapat ako pero inambahan na agad ako ng mga yun" tumango-tango na lang ako. "Wait, diba friend mo yung nakabangga sakin kahapon?"

"Ah, oo. Si vina. Kulit talaga nun at umikot-ikot pa sa daanan"

"Hindi naman niya sinasadya kaya okay lang. Saka how's look the school?"

"Hmm, ayos lang naman. Maganda" tumango-tango siya sa sinabi ko.

Saglit kaming natahimik ng biglang siyang magsalita.

"Ah, zy. I have to go na eh" sabi niya sabay tayo kaya tumayo rin ako. "By the way, nice to meet you again, zy"

"Mmm, nice to meet you too again eunice" lumapit siya sakin at nakipag-beso. "Ingat"

"Mm, salamat" yun lang bago siya umalis. Salamat din sa libre.

----

"Anong sasabihin mo?" Tanong ko agad kay ateng tour guide. Nang maka-upo ako sa harap ng desk niya.

"Ah, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto mo bang sumama bukas?"

"Ah? Saan? Sinong kasama?"

"Pupunta kami sa baryo. Para bigyan sila ng mga relief. Gusto kita isama para completo na tayo" sagot niya. "Ang mga makakasama natin ay si kuya jones, migs, at paulin. Kaya sana pumayag kang sumama samin"

"Pumapayag ako. Masaya akong makatulong"

"Nice to hear that, nath. Matutuwa sila nito" ngumiti ako tipid at tumayo.

"Mauuna na ako" ngumiti siya at tumango. Aalis na sana ako ng may makalimutan akong itanong. "Anong oras nga pala tayo pupunta bukas?"

"Hmm, 8:00am" tumango na lang ako bago umalis.

Pagkadating ko sa camp site namin nakita ko agad sina geisha na nagtatawanan. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni sky.

"Saan ka galing?" Tanong ni kyle sakin.

"Kay ateng tour guide"

"Ah, bakit? Anong sabi?" Tanong ni vina.

"Sinasama nila akong pumunta ng baryo para mag-bigay ng relief"

"Oh, pumayag ka?"

"Oo"

"Nice. Kaya ka siguro pumayag para maka-iwas ka sa activities bukas" ngising sabi ni geisha na kinangiwi ko.

* kinabukasan *

Pagkatapos kong maligo bumalik na ulit ako sa camp site namin.

"Aalis ka na?" Tanong ni geisha ng mailagay ko ang gamit panligo ko sa tent.

"Oo, eh. Bakit?"

"Hindi ka pa kumakain!"

"Dun na lang siguro sa sasakyan. Mala-late na kasi ako pag-kumain pa ako"

"Tsk, oh. Kainin mo ito sa sasakyan. Para hindi ka magutom" sabay abot niya ng sandwich at juice.

"Salamat" tumango na lang siya bago kumain muli.

Kinuha ko ang mini bag ko sa tent at nilagay doon ang sandwich at juice. Pagkatapos sinukbi ko na ito sa balikat ko.

"Aalis na ako" paalam ko sa kanilang pito bago umalis.

Pagkadating ko sa desk ni ateng tour guide. Nakita ko agad siya na tinatawag na ang mga makakasama namin.

"Guys, meet nath. Nath meet kuya jones, migs and paulin" nakangiting sabi ni ateng tour guide.

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon