Chapter 40: Pagod

749 22 0
                                    

Pagkadating namin sa headquarters, pumasok agad kami sa loob at sobrang gulo na dito. Kumuha ako ng baril sa secret box at agad yun pinaputok ng may kalaban na papunta samin.

"Stacy, doon ka" tumango si stacy at pumunta doon.

Tumakbo ako papunta sa elevator dahil alam kong kailangan na nila ang tulong ko. Kumuha ako ng matulis na bakal at tinusok yun sa bukasan ng elevator, napapadaing ako dahil sobrang hirap buksan.

"Zy!" Tawag nila xander kaya tumingin ako sa kanila.

"Tulungan niyo ko dito!" Lumapit sila sa akin at tinulungan akong buksan ang elevator. "Sige pa! Malapit na!"

"Argghhh!" Sigaw nila kaya nilakasan ko din ang pagtutulak.

"Konti pa!" Sigaw ko at nilakasan pa ang pagtutulak. Halos matumba kami ng bumukas ang pinto.

Tumingin ako sa loob at nakita ko silang naghahabol ng hininga, tinulungan ko si uncle victor tumayo.

"Salamat, salamat" inalalayan ko siyang lumabas at inalo ang likod niya ng umubo-ubo siya.

"Kailangan niyo ng umalis dito, uncle" tumingin ako kay lisha. "Samahan mo si uncle sa chopper" tumango siya at kinuha si uncle victor. Hinugot ko ang baril ko at binaril ang lalaking papunta sa amin. "Bilisan niyo na!"

Tatakbo na sana ako ng pigilan ako ni warren.

"Madami sila" sambit nito na kinataas ko ng kilay.

"So, anong gusto mong gawin ko? Tumakas?"

"Psh! Hindi mo kayang mag-isa"

"Kaya ko, kung gugustuhin ko" tinalikuran ko na siya.

"Ang tigas ng ulo mo!" Sigaw niya at sumunod sakin.

Umilag ako ng may magpaputok sakin, tinaas ko ang baril ko at tinamaan siya sa dibdib. Tumalon ako sa lamesa at binato ng dagger ang papunta sa kaliwang hallway.

"Nasaan si stacy?" Tanong ni xander habang bumabaril.

"Nasa kanang hallway"

"Let's go there" tumango ako at tumakbo kami papunta doon.

"Nasaan ang chairman niyo?" Boses ni calex yun kaya napakuyom ako ng kamao.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko dito kaya agad siyang napangisi sa akin.

"Namiss kita, chairman"

"Ang kapal ng mukha mong sumugod"

"Dapat ba iniinform kita? Okay, sa susunod dahil madami pa naman akong hinanda" ngumisi siya. "Anyway, nakuha ko na ang gusto ko"

"Anong ibig mong sabihin?!"

"Nakuha ko na si victor" nanlaki ang mata ko, tinignan ko si cheska at wala siya dito.

"Tama ang naiisip mo, kasabwat ko si cheska dito. Nakakagulat, diba?"

"Ang sama mo!" Tinaas ni stacy ang baril at babarilin na sana niya si calex ng barilin siya ni cheska na kakadating lang.

"Stacy!" Sigaw namin at nilapitan si stacy na agad napahiga.

"Huwag mong tinututukan ng baril ang boss ko" seryoso nitong sambit, tumayo ako.

"Magsisisi ka sa ginagawa mo" malamig kong saad dito. "Tuso ang kinakampihan mo"

"Tumahimik ka, zazzy!" Sigaw nito sakin. "Lahat na lang inagaw mo sakin! Pati ang lalaking minamahal ko!"

"Nababaliw ka na"

"Sabihin na nating oo! You ruined my dreams! Kaya heto, gumaganti lang ako" galit itong tumingin. "Inaagaw mo sakin si warren! And sisiguraduhin kong papahirapan ko ang lalaking prinoprotektahan mo ngayon" agad akong kinabahan sa sinabi niya.

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon