Chapter 23: Duyan

766 30 0
                                    

Zy POV

"Ahhhhh, Bwiset ka!" Pinag-papalo ko si zerill dahil sa sinabi niya habang siya ay tawa ng tawa dahil sa naging reaksyon ko.

Taena. Nakakahiya!

"Hahaha, stop, hahaha" natatawang sabi niya. Tumigil naman ako at sinamaan siya ng tingin.

"Pag ako bumanat sayo. Taob ka"

"Sige nga. Pakita mo ang banat mo"

"Aba, hinahamon mo pa talaga ako"

"Haha, why not---haha, aray, hahaha" pinalo ko ulit siya. Yabang talaga.

"Bwiset ka" sigaw ko at bumaba na sa van at nilabas na ang ngiti kong kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ko alam na mangyayari ulit toh. Ganito kami dati kaya hindi ko maiwasan hindi maging masaya. Nakakamiss din pala ang asaran namin. Naalala ko tuloy bigla yung una naming pagkikita.

* flashback *

"Haha, tanga-tanga" tawang-tawang sabi ng lalaking napaka-gwapo pero ubod ng sama ang ugali. Inirapan ko ito at umupo na ng maayos.

"Ay, zerill! Inirapan ka oh" pagsu-sumbong ni rocco kay zerill. Gwapo din pala ang pangalan niya pero---arrghhhh.

"Huwag mo nga akong iniirapan. Kunin ko yang mata mo, eh" inis na sabi nito na kinataas ko ng isang kilay.

"Huwag mo nga rin akong kinaka-usap"

"Woah, pre. Lumalaban"

"Shut up, brix" inis na suway niya kay brix na napailing na lang. "Huy, babae hindi mo ba ako kilala?"

"Bakit? Importante ka bang tao para kilalanin ko?"

"Oo! Dahil siya ang boss namin" sabat ng baby face ang mukha. Liit-liit ingay-ingay.

"Tama si one! Boss namin siya kaya importante siya" sang-ayun ni brix kay one.

"Anong boss? Boss ng mga may kuliling sa utak?"

"Aba! Gago ka ah" sabay tayo ni zerill pero binigyan ko lang siya ng sama ng tingin.

"Kung gago ako mas gago ka"

"Abat--"

"Boss, babae pa rin yan" awat ni brix. "Baka pag pinatulan natin yan sabihan niya pa tayo ng bakla" ngumisi na lang ako ng malaki dahil sa sinabi niya. Habang siya ay sinamaan ako ng tingin.

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon