Chapter 7: Camping

1K 28 0
                                    

Zy POV

* Makalipas ang isang linggo *

Maraming nangyari. Nailibing na din ang papa ni geisha. Akala namin matapos mailibing ni tito magiging ayos siya konti yun pala mas lalo siyang lalala. Hindi siya kumakain, hindi siya natutulog at higit sa lahat lagi siyang umiiyak.

"Lola, mag-iingat po kayo dito" saad ko kay lola. Ngayon na kasi ang camping namin. Si geisha akala namin hindi sasama yun pala siya pa ang mas ready samin. Kaloka.

"Oo naman apo. Mag-iingat ka din dun ah. Huwag mo din mamiss kaagad si lola, haha" natatawa akong humalik sa pisngi niya. Napaka-swerte ko talaga dahil siya ang naging lola ko.

"Ngayon pa lang atah lola. Nami-miss na kita"

"O, sige. Huwag ka ng umalis" natawa na naman ako sa sinabi niya. Kahit kailan uh-o.

Humalik muna ako sa pisngi ni lola bago ako lumabas ng bahay. Isang maleta at isang bag lang dinala ko. Yung importante lang naman kasi ang ka-kailanganin ko.

Sumakay ako sa bus kaya sinalubong ako ng magiging tour guide namin dun.

"Good morning, miss lux" nakangiting sabi niya. Ngumiti ako ng tipid.

"Good morning din" binigyan niya ako ng name tag. Kinuha ko yun at sinabit sa leeg ko. 'Zy-zy' yan ang naka-sulat sa name tag.

Umupo ako sa tabi ng bintana. By the way, 6:00am pa lang kaya yung ibang kasama namin dito sa bus tulog. Yung iba naman nagvlo-vlog. Yung iba nagma-make up. Hays.

"Oh" napatingin ako kay sky ng abutan niya ako ng tubig. Kinuha ko na yun dahil nauuhaw na ako nagpasalamat muna ako sa kaniya bago inumin ang binigay niyang tubig.

Matapos kong uminom. Umusod ako para maka-upo siya sa tabi ko.

"Anong nakain mo at bumait ka?" Taas kilay kong tanong at sumandal sa kinauupuan ko.

"Pasalamat ka bumait ako sayo. Pero huwag kang mag-aalala dahil ngayon lang toh dahil mamaya humanda" inirapan ko na lang siya at tumingin sa dinadaanan namin. Malayo ang GIU. Siguro. Dalawang oras pa bago kami makakarating doon.

".... Ayos ka na ba?" Tanong ni james kay geisha. Tinignan ko sila at nakita si geisha na ngumiti ng pilit. Hays, hindi niya naman kailangan ngumiti. Kung pilit din lang ito. Pinapakita niya lang na hindi pa talaga.

---

"Guys, we're here" sigaw ng tour guide na babae. Siya yung nag-bigay sakin ng name tag.

Nang huminto ang bus bumaba na kaming lahat. Bali 20+ ang ginamit naming bus. Sa dami ba naman naming sumali eh.

Napatingin ako sa gate ng GIU. Napaka-laki nito. At halatang bago pa. It's been two years na ang nakakalipas pero sariwa pa rin ang lahat ng alaala ko dito. Napayuko ako ng maalala ko ang unang pasok ko dito.

* flashback *

Taena, saan ba yung room ko? Ang laki-laki naman kasi ng GIU na toh.

Dahil kanina pa ako lakad ng lakad umupo muna ako dito sa garden. Hays, ito na ba ang karma ko? Eh, tinapunan ko lang naman si kuya ng bola eh. Siya naman din ang nauna kaya ko ginawa yun. Buhusan ba daw ako ng malamig na tubig habang natutulog. Sinong hindi magagalit?

I Still Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon