Episode 00: Aries

20 1 0
                                    

I'm Hiraya and I fucked it up the moment I became aware.

Nagising nalang ako isang araw na biglang nawalan ng enthusiasm sa ginagawa ko. Bigla kong natanong sa sarili ko kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na nakasanayan ko namang gawin araw-araw.

At may komokontrol sa ginagawa ko.

Naglalakad ako papunta sa parking area ng mga bisikleta sa school. Hindi ko alam kung bakit pero nagtago ako at pinagmasdan ang pagdating ng isang lalaki. Si Aries Kagayama.

Naging malabo ang lahat pwera sa matangkad na lalaking naglalakad na nakasout ng uniporme — gaya naming lahat. You'll notice his uniqueness out of the male students. Para bang may spotlight sa kanya at sa kaniya lang nakapokus ang lahat. Everyone is in awe.

Feeling male lead. Feeling ba niya, nasa fiction siya? Main character feels siya diyan.

Umirap ako at naglakad papunta sa classroom na nasa malayong building pa. Sobrang layo dahil nasa pinakalikod iyon ng school. Dapat pumasok ng maaga para hindi mahuli sa klase, na kasalanan ng mahabang lakaran patungo sa classroom.

Nang bigla kong hindi mahakbang ang mga paa ko. Someone or something is trying to control me. And then two girls grabbed both of my hands and everything went back to normal. Nakakalakad na ako ng maayos. What did just happened?

"Inabangan mo na naman siguro si Aries kaya ka ganyan makangiti ano?" Tanong ng babaeng nasa kaliwa ko. Her name's Nicole and she's my classmate/bestie. Which made me wonder kailan kami naging magkaibigan? Was it preschool or grade school?

"Aries? Sino yan?" I asked out of curiosity.

"You're insanely in love na talaga, Raya." Tumawa si Jane, ang babaeng nasa kanan ko. She's also my classmate and bestie. Parehong tanong ang pumasok sa isipan ko: Kailan kami naging magkaibigan? Was it preschool or grade school too?

At sa isang iglap, nasa classroom na kami. Wait, nasa malapit sa gate lang kami kanina ah? Ganun ba kami kabilis maglakad?

Biglang sumakit ang ulo ko at mas lalo pang nadagdagan nang pumasok si Kenneth, isa pang kaklase ko. May dala siyang lunchbox at may nakasunod sa kaniyang kaklase rin namin na hindi ko mapangalanan.

"You should try these Takoyaki, Raya." Nilapag niya ang lunchbox sa harapan ko. Pinuri siya ni Nicole at Jane, sinasabing mas gumaling pa siya sa pagluluto. Busog ako pero sa hindi ko malamang dahilan ay gusto kong kumain ng dinala ni Kenneth.

"Niluto ko talaga 'yan para sayo." Sabi niya. Nag second demotion ang mga alipores niya. They won, kinain ko ang Takoyaki.

"How was it?" He asked. I told him that it tastes good. But deep inside me, I know that I was forced to say it. And a second bigla nalang nasa restaurant ako ni Papa at tumutulong sa pag prepare ng noodles. Hindi ba nasa classroom ako kani-kanina lang?

In my loudest voice, I called my father and he came rushing in. Nag pa-panic siya pero mas nagpanic ako.

"Pa, nasa school ako diba? Bakit andito na agad ako?" Pero hindi ko maisatinig ang mga katanungang iyon. Ang nasabi ko lang ay, "Kailangan kong mag study! Ayoko na sa mga noodles!"

"Siraulo ka talaga. Ang sabihin mo lang, maglalaro ka na naman ng computer kaya ayaw mong tumulong. At isa pa, hindi ka nagstu-study." Pinukpok niya ako ng hawak niyang soup ladle pagkatapos nun ay lumabas na siya.

Bigla akong nanghina at napaupo ako sa sahig. Tinawag ko ulit si Papa.

"May problema ba?" Pero hindi ko siya nasagot dahil bigla nalang nanlabo ang paningin ko. Nagising ako na nasa kwarto na ako. Gabi na, ayon sa alarm clock na nasa bedside table ko. Ngunit nagulat nalang ako ng nasa classroom na naman ako ulit.

Mischievous Kiss: I Found You Where stories live. Discover now