Episode 08: Sea Gulls

2 0 0
                                    

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pag-uusap namin ni Aries, kung pag-uusap ngang matatawag iyon.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero natandaan niya ang hindi ko pagpasok sa school pagkatapos ng eksena namin sa daan.

Dapat ba akong maging masaya na parang nagiging aware na siya? I don't know if it's a good that he's now aware or not. However, wala pa namang confirmation.

Anyway, it's been days since hindi ko nakikita ang future scenes and it makes me anxious. Wala akong alam kung anong mangyayari sa susunod kaya hindi ako makapaghanda emotionally dahil parati nalang talaga akong sinasaktan ng antipatikong iyon.

Nawalan na ako ng pag-asa na may malaking pagbabago na mangyayari sa susunod na eksena. The only scene that I succeeded in changing is the time when he walked with me to the school, and that was the first day we moved to their house. And since then, I failed.

Tournament na ni Aries at kanina pa ako pinipilit ni Tita na pumunta sa centro to watch his game. Ayoko nga, hindi naman ako interesado sa mga whereabouts niya. Tsaka walang masamang mangyayari sa kaniya. He's the bida after all and this ain't horror thriller genre. Romance at feelings lang ang masasakripisyo rito at hindi buhay.

"Chill ka lang, Tita. Mananalo yun."

Pero kahit sa ayaw at gusto ko, napunta na ako sa gym na paglalaruan nila at may bitbit pa ako Gato. I saw him sa court. Hindi pa pala nagsisimula ang laro. I ran to him and handed the blue energy drink. But he just stared at it and faced the girl, which I'm sure I've seen that face before, and accept the energy drink she's offering.

The girl smirked.

At nangilid na naman ang luha sa mga mata ko. Tumalikod na rin ako to go home, carrying the energy drink and my broken heart.

Every eyes are all on me. At gusto ko nalang lamunin ng lupa. Pinahiya niya ako sa lahat ng tao! I need to have my revenge.

The moment nakalayo ako sa court ay natapos na rin ang eksena.

Agad akong tumakbo pabalik kay Aries at binato sa mukha niya ang energy drink. Tumama ito sa tiyan niya. Nagkamali ako ng tira. Nanlaki ang mata niya at ang kasama niyang babae. That girl is Cara, I remember her now, yung babae sa mall. May gusto siya kay Aries, I'm very sure of it.

He eyed me like he wanted to break my bones.

"Matalo ka sana." And I fled the scene. He could've just accepted it, diba. Hindi niya kailangang pahiyain ako sa lahat ng tao doon sa gym!

I ended to my father's restaurant. Tumulong ako sa pag serve ng pagkain since I can't cook naman. My day ended up like that, napaka boring. Or not. Nagpunta na naman ako sa Moon Shine for the scene with Kenneth.

I'm not here to drink— although I'm really curious what alcohol tastes like— but I'm here for Kenneth. Nalaman ko na he's here pala to work his ass off. Kaya pala hindi ko na siya masyadong nakikita these days. Pagkatapos ng klase ay agad siyang pumupunta rito.

"Andito ka na naman. Bawal nga ang bata rito." Sita ng masungit na guard. Inirapan ko lang siya at pumasok na. Hindi niya ako mapipigilan no. Tsaka hindi naman ako bata. It's just girls at my age are tall.

Umupo ako sa high stool at nag-order ng coke with JD. Wish ko lang. Hindi talaga ako binibigyan ng bartender ng alcoholic drinks, which is si Kenneth. Kahit anong pilit ko sa kaniya.

"Mayaman ka naman, ah. Bakit ka nagtatrabaho?" I asked. Wala pa naman masyadong customer since maaga pa naman, and by maaga, I mean 10 in the morning. Pero may nakikita naman ako na umiinom.

"I work here to feed you." Simpleng sagot niya. Ano? Anak ba niya ako para pakainin?

"Hindi naman kita tatay para gawin mo 'yon." I frowned.

Mischievous Kiss: I Found You Where stories live. Discover now