Episode 07: Black Hole

2 0 0
                                    

Dahil nga natapos na ang exams ay summer vacation na. Pero hindi ang section namin. We need to attend classes every weekends dahil hindi kami makahabol sa ibang mga klase.

Anong magagawa namin kung pinanganak kaming bobo?

Pinakopya ko na rin sila sa mga assignments para maging madali na ang lahat. Kung mahuli man, edi luwag sa loob kong tatanggapin ang kaparusahan. Sa katunayan nga, ilang beses na akong napalabas habang may nakapatong na libro sa mga kamay.

Isang umaga ay nakasabay ko si Aries na nagkakape together with the agahan. Nakasout rin siya ng uniporme. Napansin ko rin ang duffel bag na prenteng nasa couch sa sala. Tahimik kaming kumain. Galit-galitan muna.

"Bakit ka nakauniporme?" Tanong ko. Right, kapag magkasama kami ay kadalasan nun dahil may eksena.

"Di ba halata? Pupunta akong school." Pabalang niyang sagot. At sa totoo lang, nanginginig ang kamay ko sa sobrang kagustuhan na tamaan siya ng hawak kong tinidor. Alagad ba siya ni Socrates at napaka pilosopo niya?

At isa pa, wala akong pakialam kung naka uniform ba siya o ano. Kahit maghubad pa siya diyan, e.

I calmed myself down. Umagang-umaga pa lang parang gusto ko nang manuntok ah.

Kahit na gusto ko man siyang batukan ay hindi ko naman magawa. Kapag talaga nagkaroon ako ng pagkakataon ay susuntukin ko talaga siya ng bongga.

Sabay kaming lumabas at naglakad papuntang school— o ako lang dahil naka bisekleta siya at nasa unahan ko, ilang metro ang layo.

Perfect na sana si Aries, eh. 'Wag lang siyang magsalita.

As usual, bugbog sirado na naman ang utak ko dahil sa mga asignaturang naimbento ng mga matatalino. Lunch na at hindi gaya ng nakasanayan ay hindi sumabay sa akin sina Jane at Nicole. Si Kenneth naman ay hindi ko nakita.

Pumwesto ako sa roof deck ng building namin only to know na kitang-kita ko pala ang open tennis court na kung saan nag eensayo si Aries. I knew it, nasa eksena na naman ako.

Palagi nalang talagang tungkol sa kaniya ang lahat, eh no? Kailan naman kaya ako magkakaroon ng spotlight sa kwentong to? Yung ako ang star at walang bida-bida.

I hate Aries' audacity but it ain't his fault. It's his character and he can't do anything about it, specially that he's not "aware".

BUT I JUST CAN'T STOP TO HATE HIM.

Kung gaano siya kagusto ng karakter ko ay iyon rin ang pagkainis ko sa kaniya. Muhi is on another level at hindi pa naman niya naabot ang antas na iyon.

Sino bang hindi maiinis sa kanya? Ang taas ng tingin sa sarili, masama ang ugali, antipatiko, narcissist, at higit sa lahat walang kwenta kausap!

Kapag talaga may shocking at nakakaawang background siya ay ewan ko nalang.

Aries

I expected her to apologize after what she did but didn't heard a thing. Yes, I made her cry but she deserved it. I clearly told this coocoo brain to bury the fact that we live under the same roof. But that picture ruined it all. I helped her with the ranking kahit na ako ang hinamon niya.

Hindi na sana ako kakain because I don't want to see the dumb girl's face but my mom said there is a little celebration. And I don't have any idea about it.

"To celebrate your sleepless nights, studying hard, you deserve this bonggang handaan!" Ah, so this is about the quarter examination ranking. Naka number 80 siya but I think na malikmata lang ako ng tingin dahil nasa panghuli nakasulat ang pangalan niya.

Mischievous Kiss: I Found You Where stories live. Discover now