Episode 05: 100th place

3 0 0
                                    

Ang bilis dumaan ng mga araw. Sa isang iglap nasa school ako o hindi kaya ay sa kwarto kasama si Aries at nag-aaral. Sa sobrang bilis madalas na rin sumakit ang ulo ko. Umabot sa sa punto na kung saan nagsusuka ako.

"Buntis ka ba?" Tanong ni Leo nang mahuli akong nagsusuka. Nakatayo siya at may hawak na naman na libro. Study-freak. Wala si Papa. May lakad rin ang mag-asawa, may meeting outside ata. CEO ang Papa nila Aries ng kompanya, hindi ko lang alam kung ano. Pero malaking kompanya siguro iyon dahil sobrang yaman nila. Sa sobrang laki nga ng bahay nila nagtataka ako kung bakit wala silang katulong. But then again, we are inside the fiction world.

"Buntis agad?" Buti naman at nakakapagsalita ako ng malaya ngayon. At buti naman, mabagal na ang pagdaan ng oras. Naloloka na ako sa biglaang pag te-teleport ko. Kathang-isip lang ako pero napapagod rin ako.

"Tsaka ang bata mo pa para malaman ang tungkol sa pagbubuntis." Inirapan niya ako nang sabihin ko iyon. May pinagmanahan. Iniwanan ko na siya sa kusina at naglakad nang walang direksyon. Nakarating ako sa likurang bahagi ng bahay at nakakita ng mga lumulutang na mga bagay; flower pot, libro, upuan. Sa mga abnormal na nangyayari sakin, hindi na ako nagulat sa nakita. Siguro lumulutang sila dahil wala naman sa scene ang mga bagay na iyon.

Dumeretso ako sa paglalakad when I saw a black hole in the wall. And my instinct says na hawakan ko ang bagay na iyon. And when I did, para akong hinigop nito. Nakakatakot! What if it devoured me? Tumakbo ako palayo hanggang sa kusina. I was catching my breathe when I saw Aries standing in front of the refrigerator. And he's staring at me with an eyebrow raised. May bitbit siyang isang baso ng malamig na tubig. Tubig! Sorry, aagawin ko muna sayo 'yan.

I gulped it and thanked the saints after. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero alam kong any minute ay may sasabihin na naman siyang masakit.

"Mang-aagaw!"

Hindi pala galing kay Aries ang masakit na salita kundi galing kay Leo.

"Pati tubig ni Kuya, inaagaw mo na rin!" Dagdag niya. Bata lang yan, Hiraya. Pigilan mo ang sarili mong mabato siya ng tsinelas. Pigilan mo ang sarili mong isupalpal sa mukha  niya ang dalang libro. Gusto ko siyang asarin, kase hindi niya naman to matatandaan, diba? Pero hay, napagod ako sa pagtakbo. Sino na naman kasing hindi matatakot at kakaripas ng takbo palayo sa black hole na nasa hallway?

"Ibabalik ko nalang," umakto akong isusuka ko ang tubig sa baso and saw how Leo's face grimace, he mouthed, 'nakakadiri'. I laughed when I saw how miserable and frustrated he looks. He marched away and left me laughing.

"Tigilan mo nga, 'yan." I heard him say. Umalis na rin siya pagkatapos. Ang suplado talaga kahit kelan. Pati ba naman pagtawa ko, bawal rin?

Pero ano nga kaya yung black hole na nakita ko?

Nasa school ako at kasama sina Nicole at Jane, sa rooftop exactly. Ah, hindi naman nila siguro ako iiwan gaya nung nakaraan, diba. Kasama namin si Kenneth. Buti naman wala ang mga alipores niya.

"Malapit nang exams, kumustang paghahanda mo?" — Nicole.

"Okay lang, naman." Which I don't mean. Gabi-gabi, dumudugo ang ilong ko for too much information at wala man lang ka reaksyon-reaksyon si Aries upon seeing the blood gushing from my nose. Not that I expect him to care pero bilang tao lang naman, diba? He should get me some tissue o hindi kaya ay panyo pero wala! Tinataasan lang niya ako ng kilay at tatalikod palabas sabay sabing, "Nakakadiri ka."

Kung hindi palang ako aware, malamang nasaktan na ako ng sobra-sobra. Buti nalang at namamayani ang inis sa puso ko kesa sa pagkahumaling sa kaniya. Ewan ko ba sa character ko, bakit gustong-gusto niya pa rin si Aries kahit na ang gago ng taong iyon?

Mischievous Kiss: I Found You Where stories live. Discover now