Episode 09: Mischievous Kiss

2 0 0
                                    

That scene is made to make me closer to Leo. It's supposed to be a good thing but it's not even closer to what I feel right now.

Naiinis ako sa nagsulat nito. Sinakripisyo niya ang buhay ko for that trivial thing! Alam ko na buhay pa naman ako pero I swear, nasa bingit na ako ng kamatayan kanina. Nag flashback in a second ang lahat ng memories ko. At natakot ako ng sobra. Sign na kasi yun na mamamatay ka na talaga! Humingi pa ako ng sorry sa lahat ng inaway ko, pero wala si Aries Naoki doon. Asa pa siya.

Saan nga kaya ako mapupunta kapag namatay na ako, since I'm just a freaking fictional character?

"You're not even dead yet, why the hell are you bawling your eyes out?" Tanong ni Aries na nakaupo sa gilid ko. Parang gusto niya na akong mamatay ah. Ngumawa ako.

Kakatapos lang ng eksena namin. When I opened my eyes, siya agad ang nakita ko. Basa ang buhok at hinahabol ang hininga. Naka lagay ang mga kamay sa ulunan ko at nakatingin sakin.

Hinaharang ng ulo niya ang sinag ng araw. May tumulong tubig dagat sa buhok niya at tumama ito sa noo ko.

The people around us are so worried. Except Tita. May kislap sa mga mata niya. Hindi ko alam kung anong nangyari pero sigurado akong umayon ito sa kagustuhan niya, kung ano man iyon.

Ang antipatikong ito ang nagligtas sakin. If it's part of the scene or not, that I don't know of. A part of me is thankful for what he did. Pero alam ko naman na set up niyang iligtas ako mula sa pagkakalunod.

"Wala ka kasing alam!" Frustrated na sabi ko sa kaniya.

Umiyak pa ako lalo. Bakit niya ako pinapakealaman?

"Bipolar ka ba?" Out of the topic niyang tanong.

"Kung makayakap ka kanina, parang ayaw mo na akong bitiwan, e." Dagdag niya.

Totoo naman ang sinabi niya. Pero hindi ako 'yun! It's my set up! But I can't deny the fact that I felt secure in his arms. Kahit na may pagka patpatin siya.

Tumigil na ako sa pag-iyak dahil bigla akong nagutom.

"Bakit ang dadal mo?" Asik ko sa kaniya.

Isa iyon sa napansin ko sa kanya nitong mga nakaraang araw. Hindi naman siya palasalita noon at hindi rin niya ako kinakausap.

He asked how's my cheek and he even talked about his dream thingy.

What a big turn of events. At hindi eksena iyon, a.

Ano bang nangyayari sa kaniya?

Inirapan niya ako.

Inirapan ko rin siya. Akala niya siya lang ang marunong?

"I told you kanina na wag kang maliligo, diba? Basically, kasalanan mo kung bakit ka nalunod." I heard him say. Nadagdagan ang inis ko.

"Edi walang nagligtas sa kapatid mo."

Hindi na siya nagsalita at nilakasan nalang ang apoy ng maliit na bonfire namin. Kami lang dalawa ang andito dahil ang mga nakakatanda ay nag-iinuman. Si Leo naman, hindi ko nakita. Pero malamang tulog na iyon. Malalim na rin kase ang gabi.

Pero bakit niya na ako binalaan kanina? May ideyang sumisiksik sa isipan ko pero ayaw kong paniwalaan.

"Nagugustuhan mo na ba ako, Aries?" Walang kurap na tanong ko sa kaniya. He turned to me and he has the don't you wish you had me grin. Sumimangot ako. Ang feelingero naman nito. Pero aaminin ko, ang pogi niya sa ngiting iyon.

Unfair talaga.

"Asa." He said.

So malayo pa pala ang patutunguhan ng kwentong ito. I think this story ends when Aries finally falls for me. Kelan pa ba mangyayari iyon? Hanggang kailan ba pa ako masasaktan?

Mischievous Kiss: I Found You Where stories live. Discover now