Episode 10: Nameless

2 0 0
                                    

Hindi na naka take ng examination si Aries. At dahil iyon sakin. Ang huling natatandaan ko ay natumba ako sa daan kanina. At sa pagbukas ng mata ko ay nasa hospital na ako at may bone fracture sa wrist.

Aries' explained na bumalik raw siya para bumili ng ballpen nang nakita niya akong natumba sa daan at muntik nang masagasaan.

Kanina nang naabutan niya akong nawalan ng malay ay hinatid niya ako sa hospital at bumalik sa testing center pero hindi na siya pinapasok dahil late na siya.

"My dream didn't came true. Sa panaginip ko, nabalian ka ng buto sa paa." He said. Nasa kwarto kami at binabantayan niya ako. Tumingin siya sa paa ko at base sa ekspresyon ng mukha niya, iniimagine niya nabalian nga ako ng buto.

I moved it a little dahil na awkward ako bigla. Naka hospital gown lang ako at expose ang legs ko dahil na rin sa mga galos at pasa ko sa tuhod.

Tapos na siyang pagalitan ng Papa niya. I still feel bad, he disappointed his father and it's because of me. Sa boung scene na iyon ay hindi niya ako tinapunan ng tingin o kinausap man lang. Galit siya. Pero kabaligtaran iyon kapag tapos na ang eksena.

Nahihiwagaan ako sa mga ikinikilos niya.

"Pareho pa rin masakit iyon if ever." Sagot ko sa kaniya. May hawak akong apple sa kaliwang kamay at kumagat mula rito. I still can't move my other hand pero ayos naman na siya, tapos nang operahan at may nabendahan na.

Ilang araw ang ilalagay ng nagsusulat nito bago ako gumaling? And I have a bad feeling about this.

Posible kayang sinubukan niyang baguhin ang mangyayari sa pagtapon ng lucky charm na ginawa ko? Ganun ba talaga kamalas ang set up ko sa buhay niya?

I was too tempted to tell him that it isn't a dream.

Kanina sa daan ay unconscious daw ako dahil sa over fatigue at lack of sleep. Nalaman rin na malnourished ako.

This weak damsel in distress set up of mine.

Basically dahil iyon sa pagiging mas kabado at excited ko pa kay Aries. Kasalanan ko, ito. This is all my damn fault.

Iidlip na sana ako pero naramdaman ko na naman ang pamilyar na pakiramdam na iyon. Ang pakiramdam na may komokontrol sakin.

Bumukas ang pinto ng private room ng hospital at iniluwa nito si Aries na may dalang basket ng prutas.

"Ginusto mo 'to, Hiraya. Kaya magdusa ka." He spat. There is anger in his eyes.

Nangilid ang luha ko.

"Why are you being mean to me?"

"Mean?" He inhaled sharply.

"You ruined my father's dream!"

His words stabbed into my heart.

Umalis na siya matapos ibato sa higaan ang basket ng prutas. Nahulog ang ibang laman nito sa sahig at gumulong. Ganun rin ang mga luha ko.

The scene ended but not my tears.

The door swing and Aries came rushing in.

"I didn't mean what I said, Hiraya." He said in pleading eyes.

Tumango ako.

"Alam ko naman iyon pero iba pa rin talaga kapag sayo nanggaling. Hindi mo naman kontrolado ang boung pagkatao mo kaya naintindihan ko. Pero pwede naman siguro akong umiyak, diba? Just to ease the guilt I feel."

His father will be so disappointed in me at baka maging rason iyon para palayasin kami sa bahay. If the writer won't allow na magkaroon kami ng bahay, wala kaming ibang matutulogan kundi ang maliit na kwarto sa restaurant ni Paps.

Mischievous Kiss: I Found You Donde viven las historias. Descúbrelo ahora