Episode 11: Into The Unknown Emptiness

3 0 0
                                    

"How's college?" Tanong ni Tita. I miss her! Sunod sunod na kasi ang eksena kaya minsan hindi na ako nakakauwi. Kapag naglalakad na ako pauwi ay biglang nasa school ako for another scene na naman. I'm getting used to being summoned, kahit na medyo nanghihina ay nakakayanan ko naman. Unlike before na nasusuka ako dahil sa sakit ng ulo.

Nag-aagahan kami, mind you, hindi ito eksena ha. Nag-iisip pa siguro ng next scene and writer. So why not sulitin nalang ang oras na ito, right?

"Ayos lang naman po, kahit na hindi ko maintindihan ang iba naming lessons. Tapos by pair na po lahat sa university. Ako nalang ang walang jowa. Nakakalungkot." Tumawa sila.

I continued, "Pero anyway, tanungin niyo naman si Aries. Lady Killer yan sa univ." I eyed Aries at bigla nalang siyang nabulunan.

He grabbed the glass of water and gulp it. Nag-iwas rin siya ng tingin sakin.

"You're talkative today, Hiraya." Narinig kong sabi ni Tito.

"Namiss ko kayo, e." I said and giggled.

Narinig ko ang pasaring ni Leo na hindi daw niya ako na-miss. I gasped in exaggeration. Matapos kong iligtas ang buhay niya? Inirapan ko lang siya imbes na batuhin ng kutsara. I don't want to ruin this beautiful morning.

We finished breakfast and off we go to the University. Kasabay ko sa Aries na naka bisekleta. Mabagal ang pag-usad niya, probably keeping up with my pace, since naglalakad lang ako. Bakit ba kase hindi niya ako isakay sa bike niya?

"I saw you with someone kahapon. Sino yun?" Tanong niya nang hindi tumitingin sakin. Bahagyang nililipad ng hangin ang buhok niya. Napayakap ako sa dalang bag dahil sa ginaw. The July cold weather is not helping.

Nanlaki ang mata ko.

"Sinusundan mo ba ako?" I accused.

Bigla siyang nagbreak at lumingon sakin.

"A-asa ka pa." I have never seen him stuttered like that. Hindi niya rin ako matingnan sa mata.

Tumawa nalang ako at nagpatuloy sa pagsunod sa kaniya. Para akong asong tinali sa biseklata dahil sunod lang ako ng sunod. Kelan kaya ako makakasakay diyan? I think he really treasures the bicycle so much. Iyan pa yung bisekletang sinaksak ko para hindi niya ako iwanan.

"Hindi ka ba napapagod?" Sigaw ko sa kaniya dahil medyo malayo na ang distansiya sa pagitan namin.

He lift his left arm and waved his hand. O-kay? I'll take that as a no. Pwede naman kasi siyang magsalita diba.

"Pagod na ako! Paangkas naman!" Pero mas binilisan niya lang ang pag pedal at iniwan ako daan.

Umirap ako at pinaulanan siya ng mura sa isip. Iniwanan niya lang talaga ako dito 'no?

Mahaba pa naman ang lalakarin ko- no! Naramdaman kong may bumangga sakin at dahil dito nahulog ako sa bangin - hindi bangin. Kundi black hole!

I was in agape when I fell straight into the unknown emptiness.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba at takot. Halo-halo, para akong masusuka habang nasa loob ako. Wala akong makita at puro itim at kawalan lang.

Will someone help me?

Matatapos na ba ang kwento nang wala ako? Magbabago ang daloy nito? At paano nalang si Paps? I can't afford to vanish like this. He has no family except me. Paano nalang siya kung wala ako? Kaya ba sabay kaming nag breakfast lahat kanina? Dahil iyon na ang huli?

Those questions clouded my head the time I was inside the dark place, if that's really a place.

Mamatay na ba ako?

Mischievous Kiss: I Found You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon