Episode 12: When You're Gone

1 0 0
                                    

Author's Note: I changed the title kasi parang nawawala na tayo sa flow. Thank you sa pagbabasa. Vote and comment po if you like. I love y'all.

Aries

Do dreams really hold a meaning on it? A message, perhaps? Ever since that day, bad dreams keep occuring to me. Where Hiraya is in danger.

I don't really care about her, but those dreams made me worried. Kaya noong napaginipan ko siyang nalulunod, binalaan ko siya. Pero I think she thought the other way, na baka ayoko siyang kasama sa beach. She's annoying pero nasanay naman na ako sa pagdaan ng panahon. It's almost a year since she and her father live with us.

Ayoko talaga sa una dahil parang wala na rin kaming privacy. Knowing that she's the girl who used to like me. But my mother is so persistent. Well, nagpapasalamat na rin naman ako sa kanya dahil nakikilala ko si Hiraya. At may mga natuklasan rin ako.

Para akong mawawalan ng bait nang malaman ang sagot sa ng nangyayari sakin, gaya ng mga nawawalang alaala, at mga panahon na hindi ko makontrol ang sarili ko.

I didn't mean to hurt her, pero wala akong magagawa dahil iyon ang set up ko dito. As long as I want to protect her from all pain, ako lang naman ang nagpapasakit sa damdamin niya.

I hurt her. At kahit na sabihin niya na ayos lang ay hindi ako mapanatag doon.

Iritado ako by nature. Pero hindi naman ako masamang tao. Kaya when bad dreams occured again, I tried to change it. Pero wala namang nangyari. We're still stuck. I really wanted to change my set-up. Ayoko na gago ako sa kaniya. At sa totoo lang, natatangahan ako sa kwentong 'to.

Kaya naman when I saw the black hole again, I went near it and wanted to touch it. Pero bago ko pa magawa ay may pumigil sakin. He looks familiar pero hindi ko lang ma pinpoint kung saan ko siya nakita.

"Don't touch it."

Nairita ako sa kaniya. Sino siya para sabihin sa akin 'yan?

Pero sa huli ay sinunod ko nalang siya. Hindi sa sunod-sunuran ako sa kaniya. It's just that naiirita ako sa kaniya.

Hindi.

He's so mysterious  at tila ba alam niya ang lahat. So I asked him.

"Why?" I tried hard not to show my annoyance. He's a smarty pants and I hate it.

But his answer shocked the shit out of me.

"You'll vanish if you do."

Posible ba talagang mawala ako na parang bula sa oras na hawakan ko iyon? Is it possible when I am the male lead of this story?

The next time na nakita ko siya ay kausap na niya si Hiraya. I felt hollow inside my stomach. At hindi rin ako mapakali.

Ipinagsawalang bahala ko nalang muna iyon at inisip nalang ang mga posibilidad sa mga susunod na mangyayari. Pahihirapan ng club si Hiraya. Knowing her, she'll prove her worth and dig her own grave. Just imagining her staying late night in training, I'm sure I'll scold her for being stupid, as she really is.

She's the type of person na hindi mapakali kung naaapakan ang kakayahan. Just like in highschool. She really went to hoops just to prove her self. Out of her stupid character, iyon ang masasabi kong gusto ko sa karakter niya. She's a no damsel in distress.

Nagsabay kami ng breakfast. At ang daldal ni Hiraya, so unusually like her. She even teased me and caught me off guard while we're on the way to the University.

I'm not following her! Nakita ko lang sila doon. That's it, I'm a no stalker. Tsaka asa naman siya.

"A-asa ka naman." Damn, my nervousness showed up. Naramdaman kong namula ang mukha ko dahil sa hiya kaya naman binilisan ko ang pag pedal.

Mischievous Kiss: I Found You Where stories live. Discover now