Episode 04: Signs

8 0 0
                                    

"Saan na pala kayo lumipat? Gusto naming bumisita sa inyo."  Tanong ni Nicole. She nudged Jane and the latter agreed naman. Kung bahay pa lang naman talaga namin 'yon, sino ba ako para humindi? Pero nakakahiya naman at bisita na nga ako, nagdala pa ako ng bisita. Tsaka ayokong malaman nila na nakikitira kami kina Aries. Pinagsigawan ko pa naman sa boung skwelahan na hinding-hindi ako tatanggap ng tulong sa kaniya only to find out na nakikitira ako sa kanila? Kahit ang pride ko lang naman ang masalba ko.

Nasa classroom kami at nag-uusap ng mga bagay-bagay. Napag-usapan na nga rin namin ang sandamakmak na crush ni Nicole. Kahit kelan talaga. Gusto ko sanang i-share sa kanila ang interaction namin ni Mr. Glasses pero ayaw naman ng May-akda na pagsalitain ako.

Just when I'm about to answer her, with a lie I came up with, biglang may mabigat na brasong umakbay sa'kin.

"Saan kayo lumipat, Raya?" It's Kenneth. Nakaupo siya sa desk ko. I cleared my throat. Nakalimutan ko na tuloy ang palusot ko. Teka, bakit ba trying hard ako mag-isip, samantalang the author can do it. Siya na ang bahala sa palusot ko. Dapat hindi na ako nai-stress sa mga bagay na iyan.

Pero sana naman may ideya sa iniisip niya diba? Palagi nalang akong nagtataka sa susunod na mangyayari.

"Naku, 'wag na kayong mag-abala. Tsaka nakikitira kami sa kaibigan ni Papa. Next time nalang siguro." Nadismaya sila pero pinagbantaan nila ako na dapat mag party kami sa bahay na lilipatan namin. Um-oo nalang ako dahil gusto ko naman talaga ang mga parties.

"Ano? You live with Papa's friend? Hindi ka ba inaalipin doon? Baka naman ginawa ka nilang aliping saguiguilid?" Natawa ako sa reaksyon ni Kenneth. Parang yung unang reaksyon ko lang din nang nalaman ko ang offer ng kaibigan ni Papa. Pero bakit siya nakiki-Papa sa Papa nang may Papa? Kailan pa kami naging magkapatid?

"Ano ka ba, hindi naman. Mahal na mahal nga nila ako, para na nga nila akong tunay na anak sa turing nila." Sabi ko. Nakahinga ng maluwag si Kenneth at ngumiti siya sakin.

"Sabi ko naman kase sa inyo, pwede kayo sa apartment namin." Mayaman ang pamilya ni Kenneth. May-ari sila ng condominiums at apartments sa syudad namin. Pero nakakahiya naman 'yon kung tatanggapin namin ang offer niya.

Ngumiti lang ako sa kaniya at inantay na dumating ang guro.

I wonder where this story will take me?

Lunch time at nasa rooftop kami ng mga kaibigan ko at kumakain ng hindi pang lunch. Nag ice cream kami at chips. Walang drinks kaya naman nakakauhaw. Medyo rin mainit dahil ang asul ng kalangitan ngayon. Anyway, buti nalang at wala si Kenneth. Napapansin kong palaging siyang nakabuntot samin. Uod ba siya sa past life niya? Wait, ang insensitive ng pangungusap na iyon. Nasa fiction nga pala kami.

"Balita na sa boung school ang paghahamon mo kay Aries." — Nicole.

"Kaibigan kita, pero duda ako na makakaya mong mapasama sa top 100." — Jane habang puno ng chips and bibig. Damak, eew.

Napasimangot ako sa sinabi niya. Tunay nga siyang kaibigan. Sarcasm, please.

"Grabe ka naman, kaya ko 'yon. Tsaka isa pa, may alas na ako." I said and laughed like evil. I mean it, dapat talagang mapasama ako sa listahan na iyon. Nagpatuloy ako sa pagtawa. Kapag may thunderclap talagang— *thunderclap*

Napasigaw kaming tatlo nang kumulog at kumidlat. Saan nanggaling iyon? Eh ang init ng panahon?! Tumakbo ang dalawa at hindi man lang ako inintay.

"Umuulan na!" Sigaw nila at bumaba na sila paalis sa rooftop. Naiwan akong mag-isa.

"Mga traydor!" Sigaw ko — wait, tapos na ang eksena ko. Tumigil ako sa pagtakbo paalis ng rooftop. I should enjoy my free time. Kahit na umuulan ay tinuloy ko pa rin ang pagkain. Bahala na ang ulan na iyan. Napansin ko rin na sa parte ng rooftop umuulan pero sa ibang parte ng school ay maaliwalas ang kalangitan. May nakita pa nga akong tatlong lalaki na feeling model habang naglalakad sa hallway.

Mischievous Kiss: I Found You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon