Episode 13 (Last Episode): I Found You

3 0 0
                                    

Author's Note: Last chapter off we go. So happy to see you here. Please vote and comment if you like. Thanks.

Napaupo sa damuhan at hinilamos ang kamay sa mukha. Hindi siya pwedeng pumasok doon. He'll vanish if he do. At hindi ko makakayanan iyon. Mawawalan ng saysay ang kwentong ito kapag nawala siya. This ain't a feminist novel na hindi kailangan ng lalaki sa buhay. This is a romance story.

At kailangan ko siya.

Hindi ko pa nasasabi ang mangyayari sa susunod na eksena at hindi pa ako nakakaamin sa kaniya.

There's no time to wail, Hiraya. I gathered myself. Walang magagawa ang pag-iyak ko. Wailing forever will not solve this.

May isang solusyon paano siya makakalabas sa black hole. I just need to for other black hole at pumasok doon. I need to save Aries from vanishing.

I went to places that black holes usually appear pero bigo ako na makakita nito. Wala ni kahit isang black hole ang nagpakita. I went home with a sunken heart and swelling eyes.

May pagpapakita naman siguro sa bahay diba?

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Apat na araw nang nawawala si Aries at apat na araw na ring walang nagpapakitang black hole. Bawat pagdaan ng araw ay mas lalo akong kinakabahan. Paano kung tuluyan nang nawala si Aries? I can't afford to lose him.

Everyone in the house is just calm. Normal lang naman iyon dahil hindi nila alam ang nangyayari. And that frustrates me.

"Ilang araw na kitang napapansin na nanghihina, ayos ka lang ba?" Tito asked me one day. I felt a lump on my throat. Nag-iinit rin ang sulok ng mata ko at hindi ko napigilang umiyak sa harap niya.

"Ayos lang po ako." I said between my sobs.

I think I'm going to lose my sanity if Aries won't come back. Kalabisan mang pakinggan pero iyon ang totoo. Bumalik ako sa mga lugar na maaaring labasan ng black hole at naghintay doon. Wala na akong pakialam kung papakin man ako ng lamok o hindi na makatulog sa  kakahintay.

And it didn't disappoint me. Sa lugar na kung saan nawala si Aries ay may lumabas na black hole. Wala na akong sinayang na sandali, agad akong pumasok sa black hole at naramdaman ko na naman ulit ang nakakahilong pakiramdam.

Now, saan naman kaya siya pumasok na eksena?

I saw a recent scene at hahawakan na sana iyon when a voice called out.

"Who are you?" At sa boses pa lang, alam ko na kung sino.

"Aries?" I called his name to the vast darkness.

"Ikaw ba yan, Hiraya? Where are you?" May halong relief at frustrations ang boses niya. Ako rin naman, dahil andito parin pala siya at hindi nawawala. A thorn is pulled out from my chest.

Tinawag ko siya ulit at sinabing pupuntahan siya pero ilang oras na siguro akong naglalakad ay hindi ko pa rin siya mahanap.

Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa pero nilakasan ko lang ang loob ko. Nakarating na ako dito sa kabila ng takot ko. Ngayon pa ba ako aayaw?

"Aries?" I called him once again and he responded. Pakiramdam ko ay ang lapit niya lang pero hindi ko pa rin siya maramdaman o kaya ay makita (na alam kong imposible dahil ang dilim ng lugar).

"Kanina pa ako naglalakad." He said.

I sighed. Pinagpapawisan na ako dahil kanina pa ako naglakakad.

"Ako rin."

"Akala ko habang buhay na ako dito." He added. Nahimigan ko ang takot doon.

"You're here, at last." He sighed and I imagined him smiling.

Mischievous Kiss: I Found You Where stories live. Discover now