Chapter 2

755 8 0
                                    

Eleonor's POV

GABI na nung matapos kong mag trabaho. Sa mansion ako dumiritso. Pinagbuksan ako ng guard at ipinark ko agad ang aking sasakyan. Lumabas ako ng kotse at pumasok sa mansion.

"Manang!" Sigaw ko pagkadating ko sa sala.

Lumabas si manang Flor, ang mayurdoma ng mga katulong galing kusina. Nagmamadali siyang lumapit sa'kin. Pati si manang Flor ay takot sa akin. Gayon din ang ibang mga katulong sa mansion. Hindi ko alam kung bakit sila takot sa 'kin, aaminin ko hindi ako yung tipo ng taong nagiging close ang taong nasa paligid ko. Ayoko kasi nun, hindi ko gustong may mga taong malapit sa 'kin. Halos mabilang lang naman sa mga daliri ang close sa'kin.

"A-Ano po 'yon madam?" Aniya. Napabuntong hininga ako.

"Paki ready ng dinner ko."

"Yes, madam." Anito sabay yuko sa ulo at umalis.

Nakaugalian na kasi ng mga katulong namin ang yumuko sa amo bago umalis bilang paggalang.

Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto. Tinanggal ko lahat ng saplot sa katawan bago pumasok ng banyo. Binuksan ko ang shower at napapikit ako ng dumaloy sa aking katawan ang lamig ng tubig, ayuko kasi ng katamtaman lang. Gusto ko malamig, nare-relax ako 'pag ganon.

Pagkatapos kong gawin ang mga dapat gawin sa banyo. Lumabas ako at pumasok sa walk-in closet. Paglabas ko ay naka bihis na ako ng pantulog. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusinina, pagkarating ko ay handa na ang mga pagkain sa table. Napabuntong hininga ako ng maramdamang parang may kulang. Agad ko naman iyong winaksi, at humarap kay manang Flor.

"Leave."

Para akong pinaglihi sa yelo, dahil kasing lamig ng yelo ang boses ko, gayon din ang mga mata ko. Para sa'kin normal lang naman ang pagkakasabi ko nun. Pero ang dating sa iba, hindi. Wag lang talaga akong galitin, dahil iba rin ako magalit nawawala ang yelo at napapalitan ito ng apoy.

Nakita kong bumalatay sa mukha ni manang Flor ang lungkot bago sya walang imik na umalis sa aking harapan.

Close kami ni mamang Flor noon, pero simula no'ng mawala ang mga magulang ko at nakita niya akong winasak lahat ng gamit sa bahay. Nagkaroon na nang harang sa pagitan naming dalawa, natakot siguro sya sa mga nakita niya nung mga sandaling iyon, may pagka nerbyosa kasi sya at napapansin kong hanggang ngayon takot parin siya sa 'kin. Mabuti narin 'yon, dahil ayuko ng may mapalapit pa sa akin.

Nang gabing 'yon, mag-isa akong kumain sa hapag.

***

"Manong Ryan, paki ready ng sasakyan." Utos ko sa personal driver ko. Si Manong Ryan ay asawa ni Manang Flor, katiwala na sila ng pamilya namin. May pinapaaral silang anak. Gabriella ata ang pangalan, minsan ko narin kasing nakita ang anak nila dito no'ng pinapunta ito ni Manang Flor, hindi ko naman ipinag babawal 'yon, mapagkakatiwalaan din naman ang kanilang anak.

Hindi naman masyadong matanda si mamang Flor gayon din si manong Ryan. Nasa mga 40's na sila, manang at manong lang talaga ang tawag ko sa kanila bilang paggalang.

"Iyong isa po bang sasakyan o 'yong sa iyo?" Tanong nito. Ang tinutukoy niya ay yung sasakyang ginagamit nila mom and dad noon tuwing aalis, kapag iyon kasi ang ginamit ko ibig sabihin siya ang maghahatid sa 'kin. Kung ang sarili ko namang sasakyan ibig sabihin gusto kong ako ang mag da-drive.

"Iyong akin manong Ryan."

Ibinigay ko sa kaniya ang susi ng sasakyan at agad naman siyang sumunod sa sinabi ko, itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng gate at automatic namang binuksan ng guard ang gate. Lumabas siya ng kotse at ibinalik sa akin ang susi.

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now