Chapter 12

359 2 0
                                    

Eleonor's POV

Napatingin ako sa relong pambisig. Alas otso na ng gabi. Lumabas ako ng library dahil wala na naman akong gagawin dahil tapos na naman ang pag-uusap namin ni Gyun-Soo.

Pumasok ako sa Master's bedroom at agad na nahiga sa kama.

I'm tired.

Nakakapagod palang magkasama kayong lahat sa iisang bubong pero ang ilan sa inyo ay hindi magkasundo. Nakakapagod na ring mag adjust sa kanila.

Kailangan kong makausap sila bukas, para naman hindi masayang ang bakasyon namin dito.

Dahil sa malalim na pag-iisip hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.





UMAGA na ng magising ako, agad akong bumangon at nagtungo sa balkonahi ng aking kwarto.

Naramdaman ko agad ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat.

Nakakarelax.

Pagkatapos kong manatili sa balcony ng ilang minuto agad akong nagtungo sa banyo para maligo, sa bathtub ko sana gustong maliligo kaso baka matagalan ako kaya napagdesisyonan kong mag shower nalang.

May plano kasi ako ngayong araw, gusto kong maayos ang lahat kahit alam kung imposible iyon pero gagawan ko ng paraan para kahit man lang sa bakasyon ay maging masaya kaming lahat.

Susubukan kong kausapin si Heinkel.

Pagkatapos kong maligo at nag blow-dry ng buhok, pumasok ako sa walk-in closet at nag bihis, nakasuot lang ako ng sundress at cotton short naman sa ibaba.

Lumabas ako ng kwarto at sumakay sa elevator.

Nang makarating ako sa sala ay nadatnan ko si Hazel at Cylem nagtatawanan at mukhang maliligo sila sa dagat dahil sa suot nila.

"Hey," Kuha ko sa atensyon ng dalawa.

Dahil dun ay nabaling ang atensyon nilang dalawa sa 'kin.

"Oh, El. Nandiyan ka pala, gusto mong sumama sa 'min ni Hazel? Maliligo kami sa dagat. Ang ganda-ganda kasi nitong isla mo kaya sinusulit na namin." Anyaya sa kaniya ni Cylem.

"Mauna na kayo, susunod nalang ako." Sagot ko kahit wala naman talaga akong balak maligo, gusto ko lang tumambay sa dalampasigan mamaya pag nakausap ko na si Heinkel.

Alam ko naman kasing kahit hindi nila sabihin sa 'kin, alam kong nahihirapan din 'tong dalawang 'to dahil sa setwasyon nila Nanz at Heinkel.

Akmang lalampasan ko na sila para magtungong kusina baka sakaling nandoon si Heinkel ng biglang nag salita si Hazel.

"Siya nga pala, nagkausap na kayo ni Zhaldex kagabi? Sabi niya kasi sa'kin kahapon makikipag kita daw siya sayo sa Harden. Nag patulong pa nga siya sa'king mag prepare para sa surprise dinner niya para sa'yo."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya at bigla kong naalala na gusto niya pala akong pumunta sa Harden at maghihintay daw siya!

Damn! Bakit ko ba nakalimutan!

"Nasaan siya?" Agad kong tanong kay Hazel.

"Hindi ko alam." Sagot nito at niyaya na si Cylem para maligo sa dagat.

Ako naman ay nagmamadaling nagtungo sa elevator. Pagkaakyat ko ay nagmadali akong nagtungo sa kwarto ni Zhaldex.

Binuksan ko iyon ngunit wala akong Zhaldex na nakita! Damn it!

Mabilis akong lumabas ng kwarto, nakasalubong ko si Heinkel at pareho kaming sumakay sa elevator.

Nakalimutan ko na ang plano kong kausapin siya. Ang importante sa akin ngayon ay ang makita si Zhaldex.

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now