Chapter 14

254 1 0
                                    

Eleonor's POV

"Bitawan mo nga ako! Ano ba kuya!? Sabi ng bitawan mo ako eh!"

Halos mabasag ang eardrums ko sa sigaw na iyon ni Hazel. Damn.

"Hindi kita bibitawan! Sino bang may sabi sa'yong pwede kang mag suot ng bikini!"

"Myghad kuya, hindi na ako bata. May sarili na akong pag-iisip!"

"Tama! Hindi ka na nga bata kaya gamitin mo 'yang utak mo! Dapat tinatakpan ng husto ang dapat takpan!"

Nakita kong napailing nalang si Nanz at Cylem.

Si Zhaldex naman ay busy sa pagkain ng hotdog habang nakapulupot ang isang braso sa bewang ko. Nalaman ko kasing paborito niya ang hotdog kaya talagang nagpaluto ako para lang sa kaniya.

Magaling na siya at balak ko na sanang tuparin ang pangako kong pag galing niya ay sasakay kami sa yacht ko pero sinabi niyang 'wag na muna at gusto niyang mag bonding nalang muna kaming lahat.

At nandito nga kami ngayon sa cottage.

Maraming mga seafoods at iba pang mga putahi ang nakahanda sa table pero hotdog lang talaga ang nilantakan ni Zhaldex.

Si Cylem naman ay nag luluto pa ng barbeque habang si Nanz naman ay busy sa pagtulong sa mga katulong.

"Nazaree, malaki na 'yang kapatid mo. Kaya pabayaan mo na siyang gawin ang gusto niya." Sabat ni Cylem.

"Shut up Smith!" Galit na talagang sabi ni Heinkel at walang sabi-sabing isinilid sa sako si Hazel-hindi ko alam kung saan niya nakuha na ikinatili ng malakas ng dalaga.

Maliban sa'kin lahat ng mga kasama ko pati ang mga katulong ay natulala ng walang kahirap-hirap na binuhat ni Heinkel si Hazel na parang sako at tunungo ang daan pabalik sa mansion.

Napailing nalang ako at kumuha nalang din ng hotdog saka isinubo.

Para talagang aso't puso 'yong dalawa. Tss.

"Sigurado ka bang magkapatid sila?" Tanong bigla ni Zhaldex sa'kin habang nakatingin kina Heinkel.

"Oo."

"Bakit kung makabawal si Heinkel parang mag jowa sila ni Hazel?"

"Masyado talagang possessive si Heinkel, ayaw lang niya talagang mabastos ang kapatid niya kaya hindi niya hinahayaan na mag suot ng damit pang sexy si Hazel." Si Nanz ang sumagot.

"Huli ko siyang nakitang ganiyan no'ng sila pa ni-"

"Cylem." Tawag ko ng may pagbabanta. Hindi na dapat pag-usapan ang wala dito.

Tumingin naman siya sa'kin at nilagay niya nalang ang barbeque sa lalagyan. Hindi na siya nagsalita pa.

"By the way, naka sced na pala ang book signing niyo ng iba pang mga Authors." Pag-iiba ko sa usapan.

"Really? When? Where? What time?" Aniya bago isinubo ang barbequeng hawak.

"Yes. Next, next week. HN mall at 3pm."

Tumawag kasi sa akin kagabi si Frey at sinabi ang tungkol sa book signing. Mas naging busy nga siya dahil wala ako sa opisina.

Simula no'ng ako na ang namahala sa dalawang kompanya, si Frey na ang naging sekretarya ko sa loob ng ilang taon kaya kahit na nasaktan ako ng slight nung makita kong hinalikan niya si Zhaldex ay hindi ko siya magawang sesantehin. Hindi tulad ng iba komg impleyado na ang dali lang para sa 'kin na sesantehin sila.

Besides, wala naman siyang alam tungkol sa kung ano mang matatawag na relasyon namin ni Zhaldex.

"Okay."

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now