Chapter 8

413 6 0
                                    

Eleonor's POV

Hindi ko na namalayan ang oras basta ang alam ko nalang ay gabi na ng makauwi ako sa mansion.

Sa kadaldalan ni Cylem ay talagang napagod ang tainga ko sa pakikinig sa kaniya. Pero okay narin 'yon at least kahit papaano ay nakalimutan ko ang nangyari kanina. Dahil din sa kadaldalan niya ay nalaman kong matagal na niya pala akong kilala, lagi daw kasi akong kini-kwento sa kaniya ni Nanz. At
kaya rin pala ako nakilala kaagad ng waitress kanina sa Venzolo dahil ipinakita niya pala ang picture ko sa babae at para daw hindi nito makalimutan ang mukha ko ay talagang ipinasa pa niya sa cellphone nung babae ang picture ko.

Jeez. Ibang klase.

Gusto pa sana niya akong ihatid pauwi kaso hindi ako pumayag. Nakita ko rin naman ang kotse ko sa parking lot. Hindi pala dinala pabalik ni Zhaldex.

Pagpasok ko sa mansion ay walang katao-tao sa living room ngunit ka pansin pasing malinis ito.

Mukhang naglinis na naman ng buong mansion si Zhaldex..

I sighed.

Paakyat na sana ako sa itaas ng may bigla akong narinig na malakas na tawanan sa dining area.

Kunot noo akong nag tungo doon at dun ko nakita si Zhaldex kasama si Nanz!

"Ang sarap talaga ng luto mo hijo. Sigurado akong mahihirapan si El na pakawalan ka." Ani Nanz habang maganang kumakain.

"Hindi po ako sigurado dyan tita Nanz. Sa pagkakakilala ko kay El, madali lang para sa kaniya na sesantehin o pakawalan ang isang tao. Hindi naman po kasi kami impotante sa kaniya eh. Isang hamak na impleyado lang po kami, lalong lalo na ako." Ani Zhaldex na maybahid na lungkot sa kaniyang mga mata. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.

Nakatayo ako sa may malaking flower vase malapit sa dining area kaya hindi  nila ako napapansin.

Tahimik akong natawa ng mapakla.

So, ganiyan pala ang tingin niya sa'kin. Kung sabagay totoo naman. I'm a heartless woman.

"Alam mo hijo, hindi naman dating ganiyan si El. May pinagdadaanan lang kasi siya, mas maganda kong makikilala mo talaga siya ng lubos."

"Matagal ko na po siyang gustong makilala, gustong-guto ko po talagang makilala ang El na hindi madaling mag-init ang ulo at laging nakangiti sa 'kin. Gusto ko ulit siyang makitang ngumiti sa 'kin." Ani Zhaldex.

"Wait, did I heard it right? Nginitian ka ni El?" Naguguluhang sabi ni Nanz. Tss. OA ang king*na.

"Opo."

"Oh my gosh! Ang swerte mo hijo, alam mo ba iyon!?" Sigaw ni Nanz na nagpagulat kay Zhaldex.

OA ang king*na.

Himala ata? Nagpatawag siya ng tita kay Zhaldex. Tss.

"Bakit naman po?"

"Dahil kahit kailan ay hindi ko pa nakikitang nginitian ako ni El at lalong lalo na ang ibang tao. Alam mo naman ang personality niya diba? Hindi siya basta-basta ngumingiti sa kahit na sino. Pero dahil ngumingiti siya sayo, ibig sabihin nagkakapuso na si El! Nagkakapuso na siya Zhaldex!" Aniya at masayang niyakap si Zhaldex! Pagkatapos niyang yakapin ito ay hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Gosh! I'm so proud of you! Biruin mo ang isang Eleonor Sandoval napapangiti mo."

Bago pa mapunta sa kung saan ang usapan nila ay sumingit na ako.

"What are you doing here Nanz? It's already late." Ani ko kaya napalingon silang dalawa sa 'kin.

"Oh? Hi Darling!" Aniya at naglakad patungo sa kinaruruonan ko at nag beso. "Ang hot at ang gwapo ng P.A mo ah, nice choice." Bulong niya sa'kin pagkalapit.

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now