Chapter 3

665 12 0
                                    

Eleonor's POV

BUSY ako sa pag-piperma ng mga papelis ng biglang nagsalita si Frey through intercom. Inis kong ibinaba ang sign pen sa table.

"Eh, madam nandito po s-si Mr. Nazaree gusto daw po kayong makausap. Papapasukin ko po ba?"

Nangunot naman ang noo ko sa pagtataka. Ano naman kaya ang nakain ng lalaking 'yon at napadpad siya dito sa opisina ko?

"Papasukin mo."

"Sige po, madam."

Agad na bumukas ang glass door ng aking opisina.

Bumungad sa akin si Heinkel na nakakunot ang noo at halatang galit.

"Who give you the permission to set me up on a date!?" Sigaw niya bigla na nagpainit ng ulo ko.

The fuck!

"What the hell are you talking about!?" Sigaw ko rin pabalik sa kaniya. Tang*na! Na nanahimik ako dito tapos bigla bigla nalang niya akong sisigawan!

"Wag ka nang mag maang-maangan, hindi ba't sabi mo sakin kahapon na magkikita tayo sa Vega's coffee shop! Bakit ibang babae ang dumating!"

Ibang babae? Shit! Humingi nga pala ng favor kahapon si Hazel! Ano na naman kaya ang trip ng babaeng 'yon at pati si Heinkel dinadamay pa niya? Ako tuloy ang na mo-mroblema kung paano ko malulusutan ang mga ginagawa niya.

"So, sa tingin mo I set you up on a date because of that!? Seriously!? Sa tingin mo ang isang tulad ko ay alam ang mga bagay na 'yan!? You know me, didn't you? Bakit naman ako mag aaksaya ng oras para e set up ka!? Alam mo namang mahal ang oras ko! At baka naman isa sa mga fans mo 'yong babaeng tinutukoy mo kaya ka nilapitan dun."

Totoo naman kasi! Hindi ko naman talaga siya senet-up.

"Kung hindi mo ako senet-up. Bakit hindi ka nakapunta kahapon!?"

"Hindi ako nakapunta dahil sumama ang pakiramdam ko. Masyado na akong napapagod sa trabaho. Kaya nga may balak akong mag bakasyon next month dahil gusto ko munang mag break sa trabaho. Alam mo naman na dalawang kompanya ang hinahawakan ko 'di ba?" Sagot ko, this time kalmado na para mag mukhang totoo ang palusot ko. Hindi niya pwedeng malaman na magkakilala kami ni Hazel. Never.

Kahit na nagsinungaling ako tungkol sa pakiramdam ko. Totoo naman na gusto ko talagang mag break muna. Buti nalang mabilis akong nakaisip ng palusot sa kaniya.

Napansin kong kumalma na siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Bumalik na siya sa dati. Emotionless.

"Kung halimbawang nakarating ka. Ano naman ang sasabihin mo sa 'kin?" Aniya.

Hindi agad ako nakasagot. Anong sasabihin ko? Think El! Think!

"Ahm, kakausapin sana kita tungkol kay Nanz. Birthday niya ngayon, pupunta ka ba mamaya?"

Alam kong ayaw na ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa pamilya niya pero wala akong choice. Kailangang may sabihin ako sa kaniya dahil kung hindi, malalaman niyang wala naman talaga akong balak yayain siya kahapon. Kung hindi lang dahil sa pabor ni Hazel. Hindi ko sana siya gagambalain sa lungga niya. Tss.

Agad siyang tumalikod sa 'kin ng walang kahit na anong sinabi. Pero kahit wala akong nakuhang sagot sa kaniya, alam ko na ang sagot niya.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay agad akong napapikit at sumandal sa swivel chair.

Buti nalang nalusutan ko si Heinkel. Bago kasi umalis kahapon si Hazel ay sinabi niya saakin na ako ng balahalang magpalusot kung sakaling pumunta dito si Heinkel at hindi nga siya nagkamali, dahil dumating talaga ang lalaki.

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now