Chapter 11

407 4 0
                                    

Eleonor's POV

"El, kanina pa ako katok ng katok sa kwarto mo pero hindi mo ako pinagbuksan. Kaya umalis nalang ako. Bakit ba kasi ang tagal mo?" Bungad ni Nanz sa amin ni Zhaldex pagkarating namin sa dining area.

"Busy." Maikling sagot ko ng hindi siya tinitignan at dumiretso sa unahan ng lamisa na kung tawagin ng iba ay ang inuupuan ng padre de pamilya. Dumiretso ako duon at umupo.

Nakita kong nakaupo na kaliwang side ko sina Hazel, Heinkel at si Nanz na kakaupo lang din. Sa kabilang side naman malapit sa 'kin umupo si Zhaldex at katabi niya si Cylem. Magkatapat si Nanz at Zhaldex.

Sabay-sabay na lumabas sa kitchen ang mga katulong at sabay-sabay din nilang inilagay sa malaking table ang iba't-ibang putahi ng pagkain.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay aksidente akong natapunan ng pagkain ng isa sa mga katulong.

Napasinghap ang lahat lalong-lalo na ang kapwa niya mga katulong dahil sa nasaksihan.

"S-Sorry po señorita, h-hindi ko po sinasadya." Nanginginig na sabi ng katulong.

Tahimik ang lahat at wala ni isang nag salita.

Walang emosyon kong tinignan ang babaeng katulong na ngayon ay nakaluhod na sa gilid ko. Mapaghahalataang dalaga pa ang katulong at mukhang bago dito.

"Manang." Sabi ko at agad namang may lumapit na matandang babae.

"Ano po iyon Señorita?" Magalang na sabi ng matanda.

"Get rid of her." Sabi ko dahilan para umangat ang ulo ng babaeng katulong, si manang naman ay alinlangan akong tinignan, hindi malaman ang gagawin.

"W-wag po please..."

"I said, get rid of he-" Hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin dahil biglang hinawakan ni Zhaldex ang kamay kong naka patong sa mesa.

Nangungusap ang mga mata niyang tumingin sa 'kin. Na para bang sinasabi niyang bigyan nalang ng isa pang pagkakataon ang katulong.

I sighed.

"Fine, I will give you a second chance. Don't waste it and learn from your mistakes." I said full of authority.

"Thank you po S-Señorita!" Masayang sabi ng katulong habang panay ang punas niya sa kaniyang luha. Bumalik naman kaagad sa pag ta-trabaho ang lahat.

"Mauna na kayong kumain." Sabi ko at agad na tumayo. Madali akong naka munta sa master's bedroom gamit ang elevator at agad na nag bihis.

"Kunting respeto naman dude! Nanay mo 'yan eh! Pasalamat ka nga't may nanay ka pang sumusuyo sa'yo!" Narinig kong sigaw ni Zhaldex pagkababa ko kaya agad akong nagtungo sa dining area.

"Wala kang alam! Sino ka ba? Alalay ka lang naman ni Eleonor ah! Kung makapag salita ka akalamo kung sino!" Sigaw naman ni Heinkel kay Zhaldex!

Anak ng! Sandali lang akong nawala bakit nagkagulo na?!!

Nakita kong inaawat ni Hazel at Cylem si Heinkel at si Nanz naman kay Zhaldex!

"Oo alalay lang ako! Pero at least alam ko kung paano respetohin ang magulang ko! Hindi tulad mong walang mudo!"

"You know nothing! Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko kaya-"

"Enough!!" Sigaw ko dahil sumasakit na ang tainga ko dahil sa sigawan nila!

Napatingin naman sila sa 'kin.

"Ito kasing si Heinkel-"

"I said enough! Zhaldex!" Sigaw ko kay Zhaldex at gulat naman siyang napatingin sa'kin. Fuck!

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now