Chapter 19

107 3 0
                                    

Eleonor's POV

Kakalabas ko lang ng conference room dahil tapos na ang meeting namin about sa mga  dapat gawin para sa pag dating ni Prince Hyun Gyun-Soo next week. Napag-usapan na namin noon ang pag dating niya nung nasa isla kami via video call. Aaminin kong isa siya sa pinaka importanteng guest sa 'min kaya naman pinaghahandaan talaga namin ang pag dating nang koreanong 'yon.

Nakasunod lang sa'kin si Frey hanggang sa pumasok na kami sa elevator.

Kanina ko pa tinitingnan ang cellphone ko, nagbabakasakaling may text si Zhaldex pero wala. Sinubukan ko rin siyang tawagan pero nakapatay ang phone niya. Nag paalam kasi siya sa'kin kaninang umaga na may pupuntahan daw siya pero hanggang ngayon hindi pa bumabalik. Gusto ko sanang sabay kaming mag-luch sa labas.

"Saan niyo gustong kumain madam?" Tanong ni Frey nang nasa kotse na kami. Siya nalang ang isinama ko.

"Kahit saan." Walang gana kong sagot.

Tumango lang siya bilang tugon.

"Paano mo pala nakilala si Zhaldex?" Tanong ko.

Saglit niya akong tinignan sa rearview mirror bago ulit itinuon ang tingin sa daan.

"Ahm...nagka kilala kami sa party ni Vien. Pagkaibigan din pala sila ni Vien, kaya ayon pinakilala niya kami sa isa't-isa. Simula nun, naging makaibigan narin kami. K-kaya nga noong sinabi mo sa'kin madam na naghahanap ka ng magiging P.A mo, siya agad ang kinuha ko kasi alam kong kailangan na kailangan niya ng pera."

Tumango lang ako at hindi na nagsalita hanggang sa tumapat ang kotse namin sa McDo at dumiretso sa parking lot.

"Seriously?" Tanong ko kay Frey at tinaasan siya ng isang kilay.

Naiilang naman siyang natawa.

"E-Eh diba madam sabi mo po kahit s-saan? Ito lang 'yung pinakamalapit at saka masarap at mura pa. Makakatipid pa tayo."

Inikutan ko lang siya ng mata.

"Whatever."

Pinasuot muna niya ako ng sombrero at facemask, nag taka pa ako nung una pero ang sabi niya. Para daw hindi ako makilala ng mga tao at baka daw pagkaguluhan ako dahil sikat ako sa business industry.

Ang OA niya pero hinayaan ko nalang din.

Pumasok na kami sa McDo at naghanap ng table, inilibot ko ang paningin sa paligid nang mahagip ng mata ko si Zhaldex, hindi siya nag-iisa. May kasama siyang babae!

Halos manlamig ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ng makita ko siyang tumatawa habang kausap ang babae at hinalikan pa niya ito sa noo!

"Halika na madam doon po tay--" Hindi ko na pinatapos si Frey sa pagsasalita at agad na siyang hinila palabas.

Nanghihina akong napasandal sa hood ng kotse habang nakahawak sa dibdib nang makaramdam ako ng pamilyar na sakit.

"A-Ayos lang po ba kayo madam?" Tanong ni Frey bago ako inalalayan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mukha ba akong okay?"

"H-Hindi po."

"Iyon naman pala eh bakit nagtatanong kapa?"

Napakamot naman siya sa batok.

"Sorry po madam."

Nai-rolyo ko nalang ang mga mata at pumasok sa driver's seat.

"E-Eh madam ako na po ang mag da-driv--"

"Shut your mouth and just get in."

Agad naman siyang tumalima at sumakay sa passenger seat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now