Chapter 16

288 1 0
                                    

Eleonor's POV

Papalapit nalang kami sa cottage ay wala parin sa sarili si Zhaldex. Hindi parin siguro nag si-sink in sa utak niya na ang isang katulad ko ay minsan naring naging basagulera.

Naabutan naming nag-iinuman na sila Nanz at nag tatawanan habang nakaupo sa kaniya-kaniyang mga upoan.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay medyo naging okay na ang pakiramdam ko. Naibsan ng bigat ang dibdib ko pagkatapos kong sabihin kay Zhaldex ang matagal ko nang kinikimkim sa luob ko.

Totoo nga ang sinasabi nila na pag may masasabihan ka daw ng problema at hindi mo sinasarili lang ay talagang gagaan ang pakiramdam mo. Maiibsan ang sakit at bigat sa dibdib.

"Oh! Darling nandito na pala ka'yo. Hali ka'yo at sumali sa laro namin." Ani Nanz, na siyang unang nakapansin sa pag lapit namin.

Madilim na ang paligid pero nag-eenjoy parin ang lahat.

"Ano bang laro 'yan?" Tanong ko at umupo sa  upuan, tumabi naman sa 'kin si Zhaldex na ngayon ay mukhang nasa sarili na.

"Truth or dare po señorita. Pagtumapat po ang bote sa kung sino man sa atin ay tatanungin kung truth or dare po ba. Pag truth, tatanungin ang taong naturo ng bote at kailangan sumagot ng totoo. Pag dare naman po ang pinili ay uutusan siya ng kahit na ano ng kung sino man ang nagpaikot ng bote." Paliwanag ng isa sa mga katulong.

"Okay, basic lang naman pala."

"Pero po pag hindi gustong gawin o ayaw sagutin nang tinanong o inutusan ay iinom po siya ng tatlong baso ng alak." Sabi naman ng isa sa mga katulong na hindi ko alam ang pangalan. Pero naalala ko, siya iyong katulong na nakatapon sa 'kin ng pagkain.

"Okay, game."

"Kayo po Sir Zhaldex?"

"Game."

"Okay, let's start!" Sigaw ni Nanz na midyo nakainom na.

Mangilan-ngilan lang kami sa cottage dahil busy ang iba. Magkatabi si Nanz, ang dalawang katulong kanina, si Hazel, Heinkel, Cylem, ako at si Zhaldex. Nakapalibot kami dito sa medyo may kaliitang ngunit pabilog na mesa na sakto lang para sa 'min.

Bawat isa sa amin ay may shot glass at nakalagay naman sa mesa ang mga alak naiinumin at ang barbeque na magiging pulutan. Ang ibang mga pagkain naman ay nasa malaking mesa.

Si Hazel ang unang nagpaikot ng walang lamang bote.

Humikot iyon ng umikot hanggang sa tumapat iyon ang ulo ng bote kay Zhaldex.

Nagsigawan naman ang lahat. Habang si Hazel ay may nakakalukong ngiti na naman sa labi habang nakatingin sa 'kin.

"Zhaldex, truth or dare?" Tanong niya-hindi nawawala ang nakakakalukong ngiti sa labi.

May kalukuhang gagawin na naman 'to.

"Truth." Sagot naman ni Zhaldex.

"Okay, ang tanong ko ay....nag mahal ka naba dati na hanggang ngayon ay mahal mo parin?"

Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang dinagungdong nang kaba ang dibdib ko.

May minahal na ngaba siya dati na hanggang ngayon ay mahal niya parin?

May parte sa akin na nagsasabing sana ay wala. Sana wala--

"Oo." Sagot niya dahilan kung bakit naikuyom ko ang mga kamao ko. Pinipigilan ang emosyong gustong kumawala.

Bakit na naman ako nagkakaganito? Bakit nasasaktan na naman ako? Bakit?

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay kong nakakuyom na nakapatong sa hita ko.

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now