Chapter 6

486 8 0
                                    

WARNING: SPG

Eleonor's POV

Nakabalik na kami ng mansion pero wala paring imik si Zhaldex. Hindi ako sanay sa katahimikan niya, iniisip niya parin kaya ang mga sinabi ng malanding babaeng 'yon?

"Hindi mo na sana pinatulan ang babaeng 'yon." Sa wakas ay nagsalita na siya. Pero sa tuno ng pananalita niya, bakit parang galit siya?

"E anong gusto mo? Wala akong gawin?" Naiinis na sabi ko.

"Oo! Kung maari 'wag ka nalang makialam! Hindi ka naman dapat makikialam eh!" Sigaw niya bigla dahilan para magulat ako. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinigawan niya ako. Hindi ko alam pero nasaktan ako, pero hindi ko hahayaang makita niyang nasaktan ako. Hinding hindi.

"Ikaw na nga 'tong pinagtanggol! Ikaw pa 'tong galit! Pasensya na ha! Hindi kasi ako kasing bait mo na hinahayaan lang na insultuhin ng ibang tao!" Galit na sabi ko sa kaniya.

Napapikit siya na para bang hindi ko siya naiintindihan at na se-stress na siya sa 'kin.

"Hindi ako galit. Ayuko lang na napapahiya ka dahil sa 'kin. Hindi mo na sana pinag-aaksayan ng panahong ipagtanggol ang isang tulad ko. Aaminin ko nung una na mangha ako kasi hindi ko akalaing may ganung side ka pala, pero habang nasa byahe tayo pabalik dito. Na-realized kong hindi ka na sana nakialam dahil baka ako pa ang maging dahilan kung bakit masisira ang image mo sa harap ng maraming tao." Mahinahon niyang sabi.

Kahit ako hindi ko aakalaing ipagtatangol ko siya. Hindi ako ganong klaseng tao. Dati naman tuwing may nakikita akong may iniinsulto, wala naman akong pakialam. Pero bakit ganito? Simula ng dumating siya sa buhay ko, pati ako naguguluhan na sa mga inaaksyon ko. Sa kaniya lang ako naging ganito.

Ang gusto ko lang naman ay pahirapan siya para mapagbayaran niya ang pamamahiyang ginawa niya sa'kin, pero tuwing nakikita o nakakasama ko siya. Nakakalimotan ko ang galit ko sa kaniya. Minsan nga pinipilit ko nalang ang sarili kong mag galit-galitan at utos-utosan siya.

I sigh.

Iniwan ko nalang siya sa sala dahil natatakot akong baka kung saan pa mapunta ang usapan.

Dumiretso ako sa kwarto at inilagay ang bitbit kong shopping bags sa sahig. Hindi ko man lang namalayang hawak ko pa pala iyon. Hindi ko man lang naibigay sa kaniya ang mga pinamili ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

"Ano bang nagyayari sa'yo El? Hindi ka naman dating ganito ah?" Sabi ko sa sarili ko.

Narinig kong may kumatok kaya agad ko itong binuksan.

"Ano? Sisigawan mo na naman ba a--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko!

"I'm sorry. Sorry kung nasigawan kita." Aniya ay mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa 'kin.

Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o ano dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naranasan ko ito. Na sa sobrang bilis ng tibok nito para na itong lalabas.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin at hinawakan ang magkabila kong pisngi at hinaplos-halos iyon. Napapikit ako at dinama ang haplos niya. Matagal bago ko iminulat muli ang aking mga mata at halos maduling ako sa lapit ng mukha niya sa 'kin.

Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha sa 'kin hanggang sa naramdaman ko nalang ang paglapat ng aming mga labi.

Malambot ang labi niya at masarap humalik. Hinawakan ko ang batok niya at pinalalim ang halikan namin. Nakakalasing ang halik niya kaya naman madadala ka talaga.

Wildfire(R-18)Where stories live. Discover now