⚔️CHAPTER 15: They Alive⚔️

62 2 0
                                    

"MATHEO POV'S"

"Kuya Mat! Nakikita niyo na po ba sina ate hunter? Bakit Ang tagal po nila!"

"We should trust for them!" Seryosong sagot ni Jasper sa tanong ni Lala habang nakatingin sa labas, 30 minutes na silang pumasok sa loob Ng SM kaya nag aalala na kami kung bakit Wala parin sila Hanggang ngayon.

"Wag naman sana sil---"

"Stop! What your trying to say Benji! Walang nangyari at walang mangyayari sa kanila, Jasper is right we should trust them at Yan lang Ang magagawa natin sa ngayon habang Hindi pa sila nakakalabas Ng SM" Maawtoridad na sambit ni Thiara sa lahat na Hindi nawala Ang pag aalala sa buong Mukha, kahit Ako ay nakakaramdam narin Ng takot sa mga taong nakipaglaban para mabuhay kaming lahat, Nakita ko Rin Ang matinding takot sa Mukha Ng mga Kasama ko.

"Students maghintay pa tayo Ng ilang minuto Bago tayo mag decision na umalis!"Napatingin kami lahat Kay MS. Sa seryosong Sinabi nito nakaramdam Ako Ng inis dahil Pakiramdam ko Wala siyang tiwala sa mga taong nakikipaglaban para mabuhay kaming lahat.

"Kahit ilang Oras pa tayong maghintay sa kanila ay Hindi natin sila iiwan MS!" May inis na sambit naman ni Joel habang nakatingin Kay MS. na sinang ayunan Rin Ng iba.

"Ehhh pano kung Patay na Pala silang lahat! Mamamatay na Lang ba tayo rito kakahintay sa kanila?"

" Fuck!Jessa don't say that! Bakit kayo ganiyan mag isip? Remember guys they sacrifice para lang may makain tayo then ganiyan kayo mag isip? Tangina naman!" Sigaw ni Grace sa lahat na siyang pagtahimik nila.

"Awat na guys! Para walang away maghihintay tayo sa kanila kahit Ano pa Ang mangyari!" Maawtoridad na sambit ni Thiara sa lahat.

"Mamaaa.. papaaaa?"

"Baby crista your papa is not here but your mommy is here" Mahinhin na sambit ni Samantha sa Bata habang tinuturo si Thiara na karga si Crista na biglang bumusangot Ang mukha na nakatingin Kay Thiara. "Baby why? She's your mommy, your Mama hunter is not here too"

"Ayaw Niya raw maging mommy si Thiara gusto Niya Ang babaeng bato na Si hunter Diba baby Crista?" Natuwa Ang Bata sa sinabi ni Lorren yong babaeng lagi akong tinatarayan kahit wala naman akong ginagawa Ewan ko kung anong problema Niya sakin kung bakit bigla Niya akong tinatarayan.

Napatingin Ako sa lahat Ng mga Kasama ko habang nakatingin sa labas Ng bintana at umaasang lalabas na Si Gabriel at yong iba, makikita sa buong Mukha nila Ang matinding pagod at gutom dahil Wala pa kaming maayos na kain simula kahapon kahit Ako nakakaramdam narin Ng gutom, nabaling yong tingin ko Kay Eya na pinagitnaan ni Lala at Ng kapatid ni hunter nakikita ko Rin Ang matinding pagod sa buong Mukha kaya nakaramdam Ako Ng pag alala sa sitwasyon Niya dahil alam kung Hindi pa Niya nakausap ang sariling pamilya.

"Guys! Tingnan niyo Dali nakalabas na sila!" Sigaw ni Benji na lumapit pa sa pinto Ng bus nagmadali akong lumapit sa pwesto nila ni Joel at Richard at ganoon nalang Ang saya ko Ng makitang sila nga Ang lumabas at walang nabawasan sa kanila, si hunter Ang nauuna sa kanilang maglakad habang si Gabriel, Aziel at yong iba ay may Dala Dala malaking bag na alam kung pagkain Ang laman.

"Hayyysss sa wakas They here!" Sambit ni Thiara sa masayang tono habang nakatingin sa mga taong Dahan Dahan na naglalakad sa highway,makikita na sa Mukha Ng mga Kasama ko Ang pag asa Ng makita Ang mga taong kanina pa Namin hinihintay, mukhang nakapagbihis narin sila dahil iba na yong mga suot.

"What happened to kuya Aziel?" Nagtatakang tanong ni Aira na katabi ko na Pala sa gilid Ng pinto habang nakatingin sa mga taong papalapit samin, napatingin Ako Kay Aziel na siyang nahuhuli sa kanilang maglakad habang kunot na kunot Ang noo at kumikibot pa Ang labi kilala ko si Aziel kapag ganiyan Ang Mukha Niya siguradong Galit na Galit yan isama mo pang para siyang batang naglalakad dahil nakanguso pa habang nakatingin sa pwesto ni Crash at Jedon na natatawa sa kaniya.

The Emotionless Stranger (Zombie-Kill Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon