⚔️CHAPTER 16: Unity⚔️

60 3 0
                                    

"HUNTER POV'S"

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!"

"Shit! Shit!! Atrass! Umatras na kayo! Bilisan niyo!!"

"Stop the bus!"

"Pero hunt---"

"I said stop the bus!"

Labag sa loob na inihinto ni Richard Ang umuugong naming sinasakyang bus, napatingin Ako sa harap kung saan may mga nagtatakbuhan, nagsisigawan at humihingi Ng tulong, mga taong Wala Ng pag asang mabuhay habang hinahabol Ng mga nilalang na nilikha Ng kadiliman.

Malayo Ang pwesto Namin sa malaking gusaling nasa harap ngunit kitang kita parin rito Ang bilang Ng mga taong nagtatakbuhan para makalayo sa gusaling nasusunog na Ang parting likuran, papunta pa lang kami ay naririnig na namin Ang sigawan nila para lang mabuhay.

Makikita kung paano pagkakagatin Ng mga nilalang sa kadiliman Ang mga taong nagtatakbuhan upang mailayo Ang sarili sa kamatayan, sa kabilang Banda naman Ang mga taong nakikipagsapalaran para makatakas sa impyernong Lugar na walang katiyakang mabubuhay, takot at panganib Ang naka guhit sa mga Mukha nila ng makita Ang kinakatakutang pangyayari na kanilang buhay, mga taong tulad namin na walang kasiguraduhang mabubuhay sa minulatang Mundo.

"Hunter! Umalis na tayo rito! Wala na tayong Oras para manuod na Lang!" Sigaw ni Crash na Hindi ko namalayang nasa tabi ko na Pala.

"Umalis na kayo!" Humarap Ako sa kanilan Ng sabihin ko iyon.

"A-anong Sabi mo?"

"Umalis na kayo!" Nakita ko Ang pangamba sa mga Mukha nila ng marinig Ang sinabi ko.

"Nababaliw ka na hunter! Mamamatay ka kapag lumabas ka pa rito!" Sigaw ni Crash at hinila Ang kamay ko. "Nahihibang ka na ba huh? Tangina naman hunter! Baliw ka na!"

"Hindi pa!"

"Tsk! Baliw nga!"

"Hunter! Wag mo Ng ituloy pa Ang iyong binabalak! Mapapahamak ka lang! Wala na tayong magagawa sa mga taong nasa labas! Hindi na sila mabubuhay pa at kahit mailigtas mo pa sila walang katiyakang gusto pa Rin nilang mabuhay sa mundong ito!" Maawtoridad na sambit ni Grace na lumapit pa sakin para sabihin iyon. "Natatakot na kami! Takot na takot na Kaming mawalan pa Ng kasamahan na kahit walang kasiguraduhang mabubuhay ay nagbabakasali parin Kami na makatakas sa mundong kinalakihan namin, natatakot na Kaming magmulat kinabukasan na Ang kamatayan ay naghihintay nalang samin na lumapit para Kunin Ang aming mga Buhay at isampal samin Ang katutuhanang Patay na Kaming lahat, Isang araw palang nangyayari ito pero ubos na ubos na Ang lakas ko para makipagsapalaran para mabuhay at makita pa Ang pamilya ko, kaya please lang kung gusto mo pang mabuhay tulad namin wag ka Ng magpaka superhero pa! Umalis na tayo rito!"

Nakita ko Ang unti unting pagtulo Ng luha sa buong Mukha nito at ganoon Rin yong lahat na Tudo punas sa mga mukha.

"I want to live too!" Napatingin Ang lahat sakin at ganoon Rin si Grace at dirikta akong tiningnan sa mukha. "I want to live too but they need me! They need us! Alam kung marami pang Buhay sa gusaling iyan, hindi lang ikaw, Ako o tayong lahat Ang gustong mabuhay pati sila gusto ring mabuhay at makatakas Kay kamatayan! Ma pa Bata man matanda, babae at lalaki they also want to live, lahat Tayo gustong mabuhay at makalayo sa Lugar na ito at mamuhay sa Isang Lugar na walang karahasan, walang kinakatakutan at Hindi hinahabol Ng kamatayan, ma pa Tao man o hayop ay walang gustong mamatay lahat Tayo may prinsipyo at pinaglalaban at kahit naging Ganito na Ang Mundo lalaban parin sila because they won't run if they want to live, tatakbo sila hanggat kaya nila tatakbo sila para makatakas sa Buhay na Hindi kailan man nila pinangarap, they will not scream and asking for help if they want to live, sisigaw sila sa abot Ng kanilang makakaya para makalayo sa kadilimang Hindi nila ginusto at makikipaglaban sila hanggat kaya Ng kanilang katawan na ipagtatanggol Ang kanilang mga sarili. Iisa lang Ang ipinaglalaban Ng lahat Ang makatakas at mabuhay!"

The Emotionless Stranger (Zombie-Kill Series 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora