⚔️ CHAPTER 19: Hunter's place ⚔️

60 3 0
                                    

"LORREN POV'S"

"Guys! Nakalabas na sila!!" Labis Ang tuwa Namin Ng makitang nakalabas Ng divisoria Ang mga Kasama naming lumabas kanina Ngunit nawala Ang ngiti ko Ng makitang si Joel na may kasamang apat na babae lang Ang Nakita ko na lumabas, may akbay akbay silang Isang babaeng tantiya ko ay nawalan Ng malay, agad na lumabas si Richard at grace para salubungin Ang mga ito at tulungan Ang babaeng kaedad lang Namin na walang Malay, base sa hitsura nila yong tatlong babae ay may edad na ngunit may pagkakapareho Ng mukha.

Magkakapatid yata silang apat

"Please! Gamutin niyo Ang kapatid Namin!" Nagmamakaawang wika nong babaeng mas mataas sa kanilang apat at siyang may maliit na Mukha, dinaluhan agad sila Ng mga kasama namin at pinahiga sa hulihang upuan kung saan mas mahaba Ang upuan kaysa sa normal na upuan sa loob Ng bus, Napatingin Ako Kay Aziel na biglang tumayo Ng mapansing may inihiga sila sa inuupuan Niya, nakayuko itong lumayo at Hindi manlang kami tiningnan.

Anong nangyari sa isang yon?

Sinundan ko Siya Ng tingin Ng bigla siyang lumabas sa bus na sinasakyan namin, umiling na Lang Ako sa iniasta niya para kasing may mali sa kaniya, napatingin Ako sa pwesto ni Thiara na nakatingin sa salamin Ng bintana kung saan makikita kung sino Ang nasa labas, nakikita kung Panay pahid Siya sa Mukha Niya kahit wala naman akong nakikitang luha roon.

May problema kaya Ang dalawang yon? LQ ganoorn? Hayysss bahala sila! Hindi ko naman love life Yan!!

"Ano po bang nangyari sa kaniya?" Napatingin Ako Kay grace na siyang unang nagsalita habang nakatingin sa tatlong babaeng nakaupo sa tabi Ng babaeng walang Malay, ginagamot narin ni Ms. Yong babae at nilalagyan Niya Ng bulak Ang sugat nito habang nakaalalay naman sa kaniya si Riza at Samantha.

"Nasagi Siya Ng matulis na kahoy kanina Kaya nawalan bigla Ng malay lalo na at kanina pa Kaming tumatakbo para lang makaligtas sa mga Panget na humahabol samin" Wika Ng babaeng may singkit na mata at Hanggang bewang yong buhok na itim na itim.

"Kahapon pa kami nakikipagsapalaran sa mga Panget na iyon at kahit saan kami magpunta ay nakikita Namin sila at hayok na hayok Kaming hinahabol"Wika naman nong babaeng singkit Rin at may makinis na Mukha sa kanilang apat Hanggang balikat naman yong buhok Niya.

"Paano ho kayo nakaligtas sa zombies?" Tanong ni Rizza at ibinaling Ang tingin sa tatlong babae.

"May kasama Kaming dalawang lalaki kanina Ngunit nahiwalay kami sa kanila Ng bigla Kaming sugurin Ng mga kamag anak naming naging panget narin" Madamdaming nitong Saad Kay Riza na biglang naawa sa sinabi Ng babae.

"Isa kami sa pamilyang nagtitinda sa divisoria Ng Hindi pa nangyari Ang Ganitong kababalaghan ngunit Ng mangyari Ang lahat Ng ito ay nagkawatak watak Kami at Ang iba sa kanila ay Hindi na Namin Kilala dahil bigla bigla nila Kaming susunggaban at kakainin, kahapon pa Kami Walang matinong tulog at walang kain kaya pagod na pagod na yong mga katawan namin"

"Joel! Saan ka pupunta?"

"Babalikan ko sila Pre!" Napatingin kami Kay Joel na tumatakbong bumalik sa divisoria Nakita ko namang sinundan Siya ni Richard at pinipigilan itong wag umalis.

"Ma'am! Ito nalang ho Ang natira sa Amin kaya ito nalang Ang maibibigay Namin sa inyo" Iniabot ni Thiara yong supot na may lamang biscuits na kinuha naman agad Ng mga babae, sa hitsura palang nito ay halatang nagugutom na sila.

The Emotionless Stranger (Zombie-Kill Series 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang