⚔️ CHAPTER 21: Hunter's Sword⚔️

67 2 0
                                    

"HUNTER POV'S"

"Salamat ho Nana, naligaw ho Kasi Ako kanina paakyat rito, Hindi ko alam na sobrang laki Pala talaga dito sa second floor Ng Bahay Este mansion Pala"

"Oh siya maiiwan na kita iha katukin mo nalang para marinig ka ni hunter sa loob, aasikasuhin ko pa iyong mga Kasama niyo"

"Sige ho Nana maraming salamat ulit"

"Sige iha"

"Hunter! Pwedeng pumasok? Papasok Ako ha? Ayaw mong sumagot ehhh"

Narinig ko Ang Dahan Dahang pagbukas Ng pinto at Naramdaman ko Ang paglapit Niya sa kinauupuan ko.

"Wow! Ano Yan? Ang galing! Meron ka palang ganiyan? Ang Astig!" Hindi makapaniwalang Saad Niya habang nakatingin sa sword na itinaas ko habang tinitingnan Ng maigi, sobrang astig nga Ang bagay nato na matagal ko Ng gustong hawakan at pagmasdan, kulay itim ito lahat at sobrang kumikinang sa sobrang tulis Ang Ganda pagmasdan para bang hinihikayat ka Ng bagay na ito na gamitin.

Bata palang Ako ay nakikita Kong hawak hawak na ito Ng ama ko Hindi ko alam kung saan Niya gagamitin pero madalas Kong nakikita na hawak Niya ito at kapag nagtatanong Ako ay sisigawan Niya lang Ako at itataboy na parang aso, namamamgha talaga Ako kapag hawak ito ni papa dahil gusto ko ring hawakan at pagmasdan sa malapit kaya naman ay inaabangan ko Siya Kung kailan Niya ulit ito hahawakan sumisilip Ako sa kwarto o kaya sa office Niya para lang pagmasdan Siya ngunit Nong araw din iyon Ang Hindi ko inaasahang makita na sana ay Hindi ko na Nakita pa.

FLASHBACK

"Ashole! You betrayed me! I have trusted you for a long time but this is what you will repay? Hayoppp!!!!"

Nanginginig na napahawak Ako sa gilid Ng pinto habang nakatingin sa loob Ng opisina ni papa, maraming taong nakapalibot sa kaniya Ang mga bodyguard na pinagkakatiwalaan Niya, Nakita Kong may Isang lalaking Hindi ko Kilala Ang nakaluhod sa harap Niya, nagmamakaawa at umiiyak Ng walang tigil, nakita ko Rin Ang panginginig Ng mga kamay nito habang nakahawak sa magkabilang tuhod puro pasa narin Ang buong Mukha nito pero Ang nakaagaw Ng pansin ko ay yong tattoo Niya sa kamay, isang Rosas na itim Ang kulay.

"I didn't mean it all, they will kill my fa-mily if I don't obey them! Wala na akong mapagmimilian"

"Kaya Ako Ang tinraydor mo? Hangal ka! Hindi mo ba alam na pinapaikot ka lang nila! Ang bobo mo!!" Napasinghap Ako Ng makitang tinadyakan Ng ama ko yong kaawa awang lalaki na diriktang nahiga sa sahig.

"Pa-tawarin mo Ako!" Pagmamakaawa nito at lumuhod ulit sa harap Ng ama Kong humalakhak bigla, kinilabutan Ako Ng marinig Ang malakas niyang halakhak sa buong silid, Hindi ko alam pero natakot Ako sa kaniya para Kasi siyang baliw na biglang nawala sa sarili.

"Ang mga kagaya mong traydor ay Hindi na dapat pang mabuhay! Hahahahahahha!!"

"Pa-patawarin mo a-akoo! Maawa ka may anak pa akooo" Hinawakan nito Ang sapatos Ng ama ko ngunit sinipa lang Siya nito Ng malakas na ikinahiga Niya ulit sa sahig.

Nakita Kong may kinuha Siya sa loob Ng malaking box na iniabot Ng Isa sa mga bodyguard niya, sobrang laki Ng box na iyon at mahahalata mo talagang napaka importante Ng laman dahil Hindi lang iyon Basta bastang box Isa yong golden box na Dahan Dahan niyang binuksan, nanlaki Ang mata ko Ng makitang Isang sandata Ang kinuha Niya yong sandatang hinahangaan ko na makitang muli, napangiti Ako Ng makita ko na naman Ang bagay na yon dahil ilang araw ko Rin iyong inaabangan na makita.

The Emotionless Stranger (Zombie-Kill Series 1)Where stories live. Discover now