⚔️ CHAPTER 23: Nana's Dead⚔️

127 9 6
                                    

"HUNDEL POV'S"

"Nana!! What are you doing? Bitawan mo si Crista!!" Napangisi siya Ng mapatingin sakin kaya Hindi na maawat Ang luha sa mga mata ko habang nakatingin Kay Crista na umiiyak Ng malakas.

Pumasok si Nana kanina sa kwarto Namin at tinutukan kami Ng malaking knife kaya sa takot Namin ni Eya, Lala, lily at ate Riza ay napatayo kami bigla habang lumalayo sa pwesto ni Nana ngunit nagulat kami Ng Kunin Niya Ang natutulog na Si Crista at ito Ang tinutukan Niya Ng malaking knife mabuti nalang at nahila ni ate Riza si baby boy kaya Hindi ito nadamay at sa takot naming masaktan si Crista ay sinunod Namin Siya kaya ngayon ay nandito kami lahat sa Sala habang pinapanuod Namin sila na tutukan Ng kinfe si Crista kapag magtatangka Kaming lumapit sa pwesto nila ni kuya Roberto, nakatali Ng kadena yong lahat Ng lalaki sa sofa kaya Kaming mga babae ay walang magawa.

Hindi ko alam pero Ang sakit habang nakikita ko si Nana at kuya Roberto na masama Ang tingin samin, Hindi ko alam Kong bakit nila ginagawa to Wala akong maisip na ibang paraan Kong Anong ginagawa nila.

"Ibaba niyo ho Ang Bata! Maawa ho kayo" pagmamakaawang wika ni ate Thiara habang Mahinang umiiyak, lahat kami ay naiiyak at wala manlang magawa.

"Ahhhhhhhhh!!!! Pakawalan niyo kami gagooo!!" Sigaw ni kuya Matheo habang nagpupumiglas ngunit Lumapit si kuya Roberto sa pwesto niya at sinampal Siya Ng malakas kaya mas lalo Kaming natakot, Hindi ko na makita ang Robertong nakilala ko na mabait, matulungin at higit sa lahat maalalahanin even Nana nag iba sila bigla parang hindi ko na Kilala Ang dalawang taong itinuring Kong tunay na pamilya.

"Matheo! Hayoppp kayoo!!!"

"Pakawalan mo kami hayop kaa!!"

"Alam ko!! Kaya Hindi niyo na kailangan pang ipagduldulan sa Mukha ko na Isa akong hayop dahil matagal na akong hayop Bata!" Napapikit Ako habang Mahinang umiiyak Ng marinig Ang kakaibang boses ni kuya Roberto na kailan man ay Hindi ko narinig sa kaniya, Puno iyon Ng matinding puot at Galit na Hindi ko alam kung bakit.

"Roberto! Bantayan mo Ang mga lalaking iyan! Patayin mo Ang pumalag!" Narinig ko na naman Ang sakit sa sigaw na iyon na Nana Hindi parin Ako makapaniwala na totoo Ang mga nangyayaring ito ayokong paniwalaan na Ganito Ang pinapakita nila sa akin o sa amin, Maya Maya Nakita nalang naming may hawak na silang baril na Hindi ko Nakita kanina.

"Bakit niyo ito ginagawa samin? Wala Kaming ginagawa sa inyo Lola!"

"Anong kasalanan Namin sa inyo?"

"Huwag niyo idamay Ang mga Bata!"

Makikita sa Mukha Ng lahat Ang takot at pangamba sa maaari nilang gawin sa aming lahat.

"Hahahahahahahahhaha..... Wala Nga kayong kasalanan ngunit kakampi niyo Ang pamilyang pumatay sa kapatid ko kaya damay narin kayo dito!! Naiintindihan niyo?"  Malakas na halakhak Ang narinig Namin kaya Nana habang nakatingin sa pwesto namin na nakatayo sa ibaba Ng hagdan.

"A-anong sinasabi mo? Anong pinatay?" Takang sigaw ni Ma'am Dela Verna na ngayon ko lang narinig magsalita ulit.

"Oo! Pinatay nila Ang kapatid ko! Ang kapatid kong naimpluwensyahan Ng kasamaan dahil sa pesteng negosyo nila!! Ang kaawa awa Kong kapatid na biktima lang sa lahat! Walang awang pinatay nila Ang kapatid kooo!!!" Makikita sa Mukha ni Nana ang matinding Galit at puot na katulad ni Kuya Roberto ay Hindi ko kailan man Nakita sa kanilang dalawa.

Hindi ko maintindihan Ang mga sinasabi Niya, anong pinatay? Sinong pumatay? Wag mong sabihin na may kinalaman Ang pamilya ko o Ang tinutukoy talaga Niya ay pamilya ko mismo.

The Emotionless Stranger (Zombie-Kill Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon