⚔️ CHAPTER 22: Back ride⚔️

65 3 0
                                    

"AZIEL POV'S"

Hindi Ako makapaniwalang nandito Siya sa harap ko ngayon at iniligtas Ako sa kamatayan kanina.

"Manok! I said what happened to you?"Mahinahon ngunit may diing wika Niya na para bang naiinip na Siya kung anong nangyari sakin.

Fuck! I can't believe they did it to me!

FLASHBACK

"Iho! Kumain ka Ng tinapay, ito oh sayo na Wala Ng gustong kumain nito" Napatingin Ako sa matandang nag abot sakin ng Isang balot Ng tinapay na kinuha ko naman agad nakaramdam narin Ako Ng gutom Ng makita Ang tinapay, wala manlang kasing nag abot sakin Ng pagkain kahit yong mga siraulo Kong Kaibigan ay Hindi Ako napansin.

Kasi Hindi ko naman sila pinapansin kanina habang nangungulit sila sakin, alam naman nila kapag umaandar na naman Ang pagiging tahimik ko ay gusto Kong mapag Isa niyan, ayokong may kumakausap sakin dahil Hindi ko naman sila papansinin.

Lutang na kinain ko Ang tinapay Ng makaalis na yong matanda Ng mapansin Kong may nag abot sakin Ng Cup at juice Ang laman, napatingin Ako sa taong nag abot sakin ngunit lumakas lang Ang tibok Ng puso ko habang tinitingnan siyang nakangiti sa harap ko.

"I'm sorry" Wika Niya pero binaling ko sa iba ang tingin habang inaabot sa kaniya yong baso, naramdaman ko Ang pag Alis Niya sa harap ko kaya bumuntong hininga Ako Ng malakas habang pinupokpok Ang sariling dibdib dahil sumakit na naman ito Ng matindi, nararamdaman ko na naman ulit Ang pagkadurog Ng paunti unti ng puso ko.

Damn it! Ayoko Ng Ganitong sakit Pakiramdam ko matutruma Ako at ayoko Ng ganoon, bakit naman Kasi Ang Hina ko pagdating sa pag ibig nagmahal lang naman Ako Ng totoo ehh! Bakit Ganito ka sakit? Bakit Ganito? Nadudurog ako Ng dahan Dahan and I hate it! Dahil Pakiramdam ko ay Hindi Ako lalaki, Fuck! I'm a Fucking boy! ngayon lang ako nagmahal Ng isang babae at iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya ka gusto l pero bakit ang sakit ng kapalit?

"Dude! Ayos ka lang?" Napatingin Ako Kay Matheo pero peke ko lang siyang nginitian at tumayo Ako palayo sa kanila at Wala sa sariling naglakad Ng nakayuko.

"Shit! Uyy Aziel! Ikaw Pala!" Hindi ko na tiningnan pa Ang taong nabangga ko dahil pumasok Ako sa kusina at uminom Ng tubig sa mineral na nasa ibabaw Ng mesa nila habang umiinom, tiningnan ko lang yong cup na binigay sakin ni Thiara Hindi ko iyon ginalaw kaya walang bawas.

"Manahimik ka! Baka may makarinig satin! Naka lock na ba yong gate?"

" Oo ate tapos ko Ng ilock! Wala Ng makakalabas pa! Dinoble ko iyon Ng makapal na kadena kaya impossibleng may makalabas pa!"

"Siguraduhin mo lang Roberto! Dapat na tayong kumilos! Bilisan mo!"

Nagtatakang nilibot ko Ang tingin sa buong kusina, wala naman akong makitang taong nag uusap pero may naririnig akong dalawang taong nag uusap galing sa labas, kunot noong nadapo Ang tingin ko sa Isang pintong nakabukas Dahan Dahan akong lumapit sa pintong iyon, nagulat Ako Ng makitang yong matanda at yong lalaking Kasama niyang magbigay Ng tinapay Ang siyang Nakita ko sa labas o sa likod Ng mansion.

"Anong gagawin natin ate? Madami sila"

"Yon na nga! Hihintayin natin silang matulog lahat! Bantayan mo Rin Ng maigi Ang magkapatid para hindi sila maghinala! Ito na Ang araw para makaganti Tayo sa kanila!"

The Emotionless Stranger (Zombie-Kill Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon