CHAPTER 1: NUMB

169 11 0
                                    

KERA POV—

“Kera! Bumangon ka na riyan anong oras na!” Sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto. Dahan dahan ko naman kinapa ang phone ko para tignan kong anong oras na ba. Napabalikwas ako ng makita kong it's already 6:45 in the morning na pala.
 

“Shit! Late na ako!” Dali-dali naman akong bumaba sa kama at kumuha ng towel pa takbo akong nagtungo sa cr dito sa loob ng room ko. Mabilis lang akong natapos sa pag ligo. Lumabas na ako ng cr habang naka tapis at may ipit sa buhok. Dumeritso kaagad ako sa closet para mag bihis ng uniform.

‘Yong style ng uniform namin, kagaya sa mga korean. ‘Yong blouse nito kulay white na merong necktie na blue. Then yung skirt 2 inch above the knee, kulay gray at meron ding dark blue na jacket. Sa bandang gilid nito ro'n naka lagay ang logo ng university kong saan ako pumapasok.
Pagkatapos kong magbihis ng uniform nag lagay lang din ako ng pulbos at liptint na pink. ‘Yong kahit strees ka na pero maganda ka pa rin.

“Oh! Pak ang ganda mo self!” Puna ko saking sarili habang naka harap sa salamin at nakangiti.

That's it! I'm Kera Salvia ang student na pinangarap na mapunta sa aking crush. May pagka mataray pero mapagmahal pa rin sa ibang tao at friends. Maputi mahaba ang buhok, tamang tama lang ang tangos ng ilong. Mahaba rin ang pilik mata. ‘Yon ngalang pinagkaitan ng height. Isa rin akong STEM student Grade 11.

Ang usual routine bilang student ay gigising sa umaga, para magready, kakain ng almusal, papasok sa school, makipag chismis sa mga friends uuwi at matulog. Gano’n araw araw ang buhay ko halos paulit-ulit lang.

“Kera! Lumabas ka na riyan may pasok pa kayo!” Sigaw ni Mama mula sa labas.

“Opo Ma! Papalabas na!”

“Ang tagal mo mag ayos!” Sermon ni Mama sakin habang naglalagay ito ng plato sa lamesa.

“Si Mama talaga! ‘Di ka pa na sanay sa anak mo, normal lang magpaganda dahil babae ‘yong anak mo.” Sagot ko naman dito sabay upo.

Maya-maya lumabas na 'yong kapatid  ko galing sa kaniyang kwarto. Siya si Kieron bunso kung kapatid sabihin na lang natin na pogi matangos ang ilong may pagka-masingkit at mayroong dalawang dimple, sa magkabilang pisngi nito.

“Morning ate, good morning Mama.” Bati nito sabay upo sa katabi kong upuan. Nakabihis na rin ito ng kaniyang uniform.

“Kumain na kayo!” Sabi ni mama kaya sinimulan ko nang kumain. ‘Yong ulam namin sinigang na baboy at piniritong bangus. Pagkatapos kong kumain nag paalam na ako kay mama. Nauna na ako kay Kieron dahil magkaiba naman 'yong school namin.

Its already 6:58 in the morning kaya medyo masarap 'yong hangin dito sa subdivision. Nasa labas na ako ng subdivision para magbantay ng Taxi buti na lang dahil mayro'n kaagad dumaan.

“Saan po kayo Ma'am?” Tanong ng driver.

“Sa Fernandez university lang po kuya.”

'Di naman gano'n ka layo 'yong university na pinapasukan ko mula sa subdivision namin. Yes, sa subdivision ako nakatira pero hindi kami gano'n ka yaman. 'Di kagaya ng iba na merong sariling magarang sasakyan.

“Thank you po.” Pagpapasalamat ko kay manong sabay abot ng pamasahe.

Naglakad na ako papuntang room ko nasa third floor kasi ‘yong section ng STEM section. 'Di pa gano'n ka rami 'yong student dito sa campus ang aga pa kasi. Saka 7:40 yung start ng klase namin.

“Uy, Kera ang ganda mo ngayon, blooming na blooming si ate,” puna ng aking kaibigan na si Sabrina.

Siya si Sabrina Salveria anak mayaman hindi maarte kagaya ko. Maganda, mabait at matalino. Only child lang din ito. Siya ang pinakamantanda sa aming magkaibigan, 18 na kasi ito.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now