CHAPTER 23: SUPPORTIVE FRIENDS

54 2 1
                                    

—KERA POV—

“Totoo ba 'yan girl?” Hindi makapaniwalang sagot ni Tanya.

Sinabi ko kasi na nagtapat na si Kyro sa 'kin at umakyat ito ng ligaw.

“Hayss totoo nga ayaw pang maniwala.”

“So? Ibig sabihin alam na ni Tita?” Sabrina  asked me.

“Oo. Pati si Kieron nagulat nga ako noong pumunta siya sa bahay.”

FLASHBACK *

“Kera tulungan mo nga ako rito sa niluluto ko!” Sigaw ni Mama mula sa kusina.

Dali dali naman akong pumunta sa kusina. Para tulungan si Mama.

“Hay nakong bata ka magsuot ka nga ro'n ng Tshirt hindi 'yang sando na subrang nipis.” Bulyaw ni Mama noong naka pasok na ako sa kusina.

Nakasuot lang kasi ako ng pajama at sando. Nasa bahay lang din naman ako.

“Si Mama tayo-tayo lang din naman dito. Anong ulam ba lulutuin mo, Ma?” Pagiiba ko naman ng usapan.

“Minudong baboy. Dumaan kasi ako kanina sa palingke galing trabaho kaya bumili na lang ako pang ulam na rin.”

“Hiliwain mo 'yang mga gulay.”

Sinimulan ko nang gawin, binalatan ko una 'yong potato then 'yong next carrot. Nasa kalagitnaan ako ng paghihiwa ng may biglang may narinig akong nag doorbell sa labas.

“Wait lang ma! may tao ata sa labas.”

“Paki bukas na lang busy 'ata 'yong kapatid mo sa kakalaro.”

Sinunod ko naman si Mama lumabas na ako sa kusina.

'Di nga ako nagkakamali nadaanan ko pa si Kieron sa sala habang naglalaro ito sa cellphone.

“Kieron wala ka bang may narinig na mayro'ng nag doorbell sa labas?” Galit kong sabi rito.

“Mayro'n ate. Paki bukas na lang naglalaro kasi ako ng ML.” Sagot nito habang naka focus par in sa cellphone.

Lumabas na lang ako para pagbuksan 'yong nasa gate.

‘Sino ba 'to gabi na gabi eh!0’ Pagrereklamo ko habang papunta sa gate.

“Sino po sil—” 'Di ko natapos 'yong sasabihin noong nakita ko si Krot sa labas ng bahay.

*END OF FLASHBACK*

“Ang swerte mo girl! Akalain mo dati crush mo lang ngayon manliligaw mo na." Turan ni Tanya habang may pa hampas pa ito.

“Totoo nga ang kasabihan na ‘The more you avoid someone, the more your feelings so deep’, HAHAHA.” Dugtong ni Tanya.

“"Kala mo masungit 'yon pala may gusto HAHAHA.” Si Sabrina.

Ewan ko ba sa dalawang 'to ang daming alam. Eh, since birth 'di pa naman ako nagkaroon ng mga jowa.

“Alam niyo! Para kayong may mga jowa lalo ka na Tanya may nalalaman ka pang the more the more na 'yan.” Sagot ko sa dalawa.

“Mapanakit ka! Hintayin mo magkakaroon din kami ng niyan sunod.” Parang nasasaktan na sabi ni Tanya.

“Basta pupunta tayo sa bahay niyo at mag calibrate HAHAHA.” Pang-aasar ni Sabrina  sa 'kin.

“Ewan ko sa inyo.”

“Ayan pwurket merong manliligaw nagkakaganyan na.” Si Sabrina.

“Oo nga naka tanggap lang ng bouquet mataray na.” Sumbat sa 'kin ni Tanya.

“Ang mabuti pa tulongan niyo ako kung anong gagawin sa paparating na contest.” Pag-iiba ko ng usapan.

Alam ko kasing 'yong song na sinabi ko kay Kyro mukhang hindi niya alam.

“Wala ka pa bang naisip na paraan?” Si Tanya.

Buti na lang nakisabay naman sila. Ewan ko na lang talaga kung 'di ako nakaisip ng paraan para makaiwas doon grabe pa naman mang-asar si Tanya pagdating doon.

“Mayroon 'yong song ni Taylor swift Crazier. Kaso mukhang 'di alam ni Kyro 'yon."

“Paano niya malalaman eh 'di niyo pa nasimulan?” –Sabrina.

“Hmm I think bagay 'yong kanta sa 'yo, baliw sa crush HAHAHA.”  Pang-aasar ni Tanya.

Luko talaga ginawa pa akong baliw.

“Maganda rin naman 'yong song na napili mo at 'wag ka mag-alala kaya 'yon ni Kyro. Ikaw pa ba lakas mo kaya do'n HAHAHA.” –Tanya.

“Siyempre as manliligaw gawin niya 'yong gusto ng isang babae kahit mahirap pa 'yon kung gusto niya talagang makuha ang matamis na oo HAHAHA.” Parang nagdadrama with action na sabi ni Tanya.

‘God. Tulungan mo ako sa mga kaibigan ko kung ano man 'tong iniisip nila.’

“Yeah. At dapat gawin niyo 'yong the best pag nasa stage na kayo 'yong feelings na kayo lang dalawa HAHAHAH,” kilig na sabi ni Tanya.

Ewan ko ba sa dalawang 'to parang sila pa 'yong kinilig.

“So kailan niyo balak mag practice? Remember next week na gaganapin 'yong contest.” Paalala ni Sabrina.

“Siguro mamaya kapag uwian na sasabihan ko na lang kay Kyro,” dagot ko naman dito.

“Sige ikaw bahala dapat magawa niyo na 'yan ng maaga para pag nasa final na 'di na kayo mahihirapan.” –Tanya.

Naglalakad kami ngayon dito sa labas, papuntang kaming tatlo sa room.

“Balita ko kasi sasali raw si Joy sa contest  na paparating, siya ata pinili ng mga kaklase  niya.” Si Sabrina.

“Napili or pinilit lang niya na siya "yong piliin." Galit na sagot ni Tanya.

Bigla naman ako huminto sa paglalakad. Kaya tumingin sila sa 'kin.

“Oh! Ba't ka huminto ang layo pa kaya ng room natin." Takang tanong ni Tanya.

“Tutuo ba 'yan na sasali si Joy sa contest?” 'Di makapaniwalang tanong dito.

“Totoo 'ata. But don't worry nandito lang kami 'di ka namin pababayaan it doesn't matter kung matalo or manalo basta give your best for your grades and to our section." Pagpapalakas naman ni Sabrina  sa 'kin.

“At isa pa 'wag kang matakot sa bruhang 'yon! Nagtapangtapangan lang naman 'yon dahil Nanay niya 'yong Principal dito at may alalay. Gawin mo lahat na kaya mo siyang talunin.” Dugtong pa ni Tanya.

I smiled to my self. I just felt so lucky to have true friends like them. I felt bad for not telling them everything but true friends will understand.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now