CHAPTER 8: THUNDER

72 4 0
                                    

—KERA POV—

Di parin tumitigil ang buhos ng ulan na merong dalang hangin at kidlat. Kanina pa ako dito naka upo sa kama, habang inaabangan na bumukas ang pinto.

"Naka uwi na kaya si Kieron, wala panamang dalang payong yun." Pag sasalita ko sa aking sarili.

Madilim na kasi 6 na ng gabi, at naka ramdam narin ako ng takot dahil sa kidlat na subrang lakas. Isa din ako sa mga taong takot sa kidlat lalo na kung ako lang ang mag isa. Pag nasa bahay pumopunta ako sa kwarto ni mama para don matulog.

Habang tumitingin sa bintana biglang bumukas ang kwarto pumasok si kieron.

"Ate, bat ka tumataklob ng kumot?" Tanong agad ni Kieron sakin habang naka sampa na ito sa kama. "A..ang lakas kasi ng kidlat." Sagot ko naman dito.

Ok lang si bunso lang naman ang nandito. Alam ko na mang aasar naman ito sakin.

"HAHAHA si Ate ang laki na takot parin sa kidlat." Dinig king wika nito  habang tumatawa.

Batang to nagawa pa akong tawanan pa talaga ako kala mo kung sinong matapang.

"Kieron! Tumigil ka nga." Pagpupumigil ko dito.

"Sorry." Sabay piece sign nito. "By the way sino kasama mo umuwi galing school?" Pag iiba ko naman dito.

Subrang lakas kasi nang ulan mukhang may bagyo pa ata. Kaya nag taka ako kung bakit nakarating dito si Kieron imposible naman kung siya lang mag isa.

"Sinundo ako ni kuya Kyro kanina ate, sinundo din kasi yung mga kapit bahay natin ng mga Daddy nila." Lintya niya.

Napatango naman ako dito bilang sagot. Kaya pala diko siya nakita kanina habang nandito sila ni Tanya at Sabrina.

"Saan na siya ngayon?" Tanong ko naman dito."Uy, si Ate  worried sa crush niya," Panunukso nito at ngumiti ng nakakaluko.

Agad ko naman itong  binigyan ng tingin na nakakunot ang nuo.

"hi-hindi huh." palusot ko dito sabay iwas.

Oo bunso ano ba magagawa ko eh! Malakas na ata tama ko sa taong to yun!

"Sus, palusot pa halata naman HAHAHA." Pangungulit pa nito."Hayss, mahilig ka lang talaga mag assume bunso masama ba mag tanong diba pwede na gusto ko lang malaman," Lintya ko dito gamit ang seryusong boses.

Mabuti na lang dahil tumigil na ito sa pangungulit sakin baka maabutan pa kami ni Kyro at maranig  na siya ang pinaguusapan namin.

"Andon sa baba ate naghahanda ng pagkain, dumaan kasi kami sa jolibee, kanina nung pauwi na kami."  Wika ni Kieron.

"Dumaan or pinilit mo? Hay nako Kieron tigiltigilan mo na yang kakapalan ng mukha mo." Pangaral ko dito, minsan kasi kung may gusto ito kahit hindi niya kaanoano pero ka close nito hihingi talaga." Si ate kahit makapal ang mukha ko marunong naman ako mahiya, at isa pa siya talaga ang nag aya na bibili kami," Sagot naman nito sakin.

"Hiya daw! Ang mabuti pa tulongan mo muna siya don." Pagtataboy ko dito.

Ok lang sana kung ok na yung paa ko para kahit papano maka tulong ako dito.

"Sige ate diyan ka muna." Agad naman itong lumakad at lumabas ng kwarto.

Ngayon ko lang napagtanto, akala ko kasungitan lang ang alam nito, diko akalain na meron pala siyang tinago na katangian na mapag-alaga kahit na hinde niya kami kaano ano.

_____

Tapos na rin kami kumain ng dinner fried chicken yung ulam namin at meron ding frees at coke. Binaba ni Kyro yung pinagkainan ko kumuha lang siya ng tubig para mainom ko yung gamot na binigay nang Doctor.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now